Ang rebolusyong fILIPINO ni APOLINARIO MABINI Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mabini Karapatang-sipi © 2015 ng salin ni Michael M. Coroza RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Ang disenyo ng aklat at pabalat ay likha ni Alvin J. Encarnacion The National Library of the Philippines CIP Data Recommended entry: Inilathala ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO Watson Building, JP Laurel, San Miguel, Maynila 1005 Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525 Email: [email protected] • Website: www.kwf.gov.ph sa tulong ng grant mula sa PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING 633 General Luna Street, Intramuros, Maynila 1002 Tel. 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94 Email: [email protected] • Website: www.ncca.gov.ph The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA). la revoluCion fILIPINa APOLINARIO MABINI Ang rebolusyong fILIPINO ni APOLINARIO MABINI Tagasalin MICHAEL M. COROZA Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining Aklat ng Bayan Metro Manila 2015 Komisyon sa Wikang Filipino CONTENIDO DEDICATORIA x MANIFIESTO-PRÓLOGO xii CAPÍTULO I: Revolución y Evolución Política 2 CAPÍTULO II: La Dominación Española en Filipinas, antes de la Apertura del Canal de Suez 8 CAPÍTULO III: Causa y Efecto de la Ejecución de los Padres Burgos, Gómez y Zamora 16 CAPÍTULO IV: La Administración Española de Filipinas antes de la Revolución 22 CAPÍTULO V: Reformas Pedidas por La Solidaridad 30 NILALAMAN xi xiii Pag-aalay Panimulang Pahayag 3 Kabanata 1 Rebolusyon at Ebolusyong Pampolitika 9 Kabanata 2 Ang Paghaharing Espanyol sa Filipinas Bago Mabuksan ang Kanal Suez 17 Kabanata 3 Sanhi at Bunga ng Pagbitay sa mga Paring sina Burgos, Gomez, at Zamora 23 Kabanata 4 Ang Pamunuang Espanyol sa Filipinas Bago ang Rebolusyon 31 Kabanata 5 Ang mga Repormang Hinihingi ng La Solidaridad CAPÍTULO VI: Las Novelas de Rizal 38 CAPÍTULO VII: La Liga Filipina y el Katipunan 48 CAPÍTULO VIII: La Revolución en sus Comienzos 56 CAPÍTULO IX: La Revolución en el Período de su Desarrollo 70 CAPÍTULO X: Fin y Caída de la Revolución 84 CAPÍTULO XI: Conclusión 94 39 Kabanata 6 Ang mga Nobela ni Rizal 49 Kabanata 7 Ang Liga Filipina at ang Katipunan 57 Kabanata 8 Sa Pasimula ng Rebolusyon 71 Kabanata 9 Sa Kasukdulan ng Rebolusyon 85 Kabanata 10 Ang Wakas at Pagbagsak ng Rebolusyon 95 Kabanata 11 Kongklusyon x DEDICATORIA MADRE MÍA: Cuando, niño aun, te dije que yo quería estudiar, te alegraste sobremanera, porque tu sueño dorado era tener un hijo sacerdote: ser ministro de Dios era para tí el mayor honor a que podrá aspirar el hombre en este mundo. Viendo que eras demasiado pobre para sufragar los gastos de mi educación, te esforzaste en trabajar, sin hacer caso del sol ni de la lluvia, hasta contraer la enfermedad que te llevó al sepulcro. El destino no me ha querido sacerdote; sin embargo, convencido de que el verdadero ministro de Dios no es el que lleva el hábito talar, sino todo aquel que pregona su gloria, por medio de obras buenas y útiles al mayor número possible de sus criaturas, prucuraré ser fiel a tu voluntad, mientras no me falten fuerzas para este fin. Queriendo depositar sobre tu tumba una corona tejida por mis propias manos, dedico este librito a tu memoria; es pobre e indigno de tí, pero es la mejor corona que hasta ahora han podido tejer las manos inexpertas de tu hijo, EL AUTOR xi PAG-AALAY Ina Ko, Noong paslit pa ako, sa tuwing sinasabi ko sa iyong ibig kong magaral, nag-uumapaw ang iyong galak sapagkat marubdob na pangarap mo ang magkaroon ng anak na pari. Para sa iyo, ang pagiging alagadng Diyos ang pinakamataas na karangalang mahahangad ng tao sa lupa. Sapagkat malubha ang iyong karalitaan at sa hangad mong matustusan ang aking pag-aaral, ibinuhos mo ang iyong sarili sa paghahanapbuhay, di-pansin ang araw ni ang ulan, hanggang sa dinapuan ka ng karamdamang naghatid sa iyo sa hukay. Hindi itinulotng tadhanang maging pari ako. Gayunman, sa paniniwalakonghindi ang nakasuot ng abito ang tunay na alagad ng Diyoskundi ang lahat ng nagpapahayag ng Kaniyang Kaluwalhatian sa mga gawaing mabuti at kapaki-pakinabang para sa lalong nakararaming nilikha Niya, pagsusumikapan kong maging tapat sa iyong kalooban hangga’t may lakas ako sa pagtupad nito. Sa hangaring maghandog sa iyong puntod ng koronang likha ng sarili kong mga kamay, iniaalay ko sa iyong gunita ang munting aklat na ito; hamak at hindi karapat-dapat sa iyo, ngunit sa ngayon, ito na ang pinakamainam na koronang malilikha ng mga di-bihasang kamay ng iyong anak, ANG MAY-AKDA xii MANIFIESTO-PRÓLOGO Aunque desde mayo de 1899 hasta el siguiente diciembre en que fuí capturado por las fuerzas americanas no sólo no ocupaba ningún cargo oficial, sino que vivía en un lugar distante del Gobierno filipino, sin embargo, habiéndome creído obligado a abogar por la causa del pueblo, creo de mi deber también dar cuenta de mi gestión a mis compatriotas, ahora que considero oportuno darla por terminada. Desde mi captura hasta mi deportación a Guam tuve el honor de conferenciar largamente con los Generales McArthur y J. F. Bell sobre la terminación de la guerra y pacificación de las Islas. Un relato somero del resultado de aquellas conferencias dará idea de mi proceder. Empezaron dichos generals por expresarme su vivo deseo de que contribuyera yo a la pacificación de las Islas, pues por este solo medio llegarían los filipinos a alcanzar su bienestar; a lo que repliqué que deseaba ardientemente lo mismo y les rogaba me indicasen la forma en que apreciarían mi cooperación. Me dijeron entonces que sólo tendrían confianza en mí y aceptarían mis servicios, cuando hubiese reconocido incondicionalmente la soberanía americana en Filipinas, especialmente si además les auxiliaba en la implantación de un gobierno que estimasen el más eficaz para la felicidad del pueblo filipino. Volví a replicar que, en cuanto hiciese lo que de mi exigían en el estado de ánimo en que se encontraban entonces mis compatriotas, éstos retirarían, desde luego, la confianza que xiii PANIMULANG PAHAYAG Bukod sa wala akong opisyal na katungkulang ginagampanan, nakatirá ako sa pook na malayò sa Gobyernong Filipino mula Mayo 1899 hanggang sa sumunod na Disyembre nang dakpin ako ng puwersang Amerikano. Gayunman, sa paniniwala kong isang pananagutan ang mamagitan para sa kapakanan ng bayan, naniniwala akong tungkulin ko ring ilahad sa aking mga kababayan ang nauukol sa mga isinagawa kong pakikipagnegosasyon, at ipinalalagay kong naaangkop ito ngayong naganap na ang lahat. Buhat nang hulihin hanggang sa ipatapon ako sa Guam, naging karangalan ko ang makausap nang masinsinan sina Heneral McArthur at J.F. Bell ukol sa pagwawakas ng digmaan at pagpápahinahon sa Kapuluan. Malilinawan ang mga isinagawa ko sa pamamagitan ng pahapyaw na paguulat ukol sa ibinunga ng gayong pag-uusap. Nagsimula ang mga heneral sa paghahayag ng masidhing hangarin nilang makiisa ako sa pagpápahinahon sa Kapuluan sapagkat sa gayong paraan lamang mapápabutí ang kalagayan ng mga Filipino. Tumugon ako na gayundin ang marubdob kong hangarin at hiniling kong sabihin nila sa akin kung sa paanong paraan magiging mahalaga ang aking pakikiisa. Kaya’t sinabi nilang magtitiwala lamang sila sa akin at tatanggapin nila ang aking paglilingkod kung lubos na kikilalanin ko ang paghahari ng Amerika sa Filipinas, lalo na kung tutulong ako sa pagtatatag ng pamahalaang pinakamabisang makapagbibigay-kasiyahansa sambayanang Filipino. Muling tumugon akoat sinabi kong kapag tinupad ko ang hinihingi nila sa akin, kagyat na mawawalan ng tiwala sa akin ang mga kababayan ko at, sa xiv LA REVOLUCION FILIPINA en mí tenían y, perdida mi influencia sobre los filipinos, de nada serviría para los fines de la pacificación ni para cualquier otro fin provechoso. Los aludidos generales no vieron en mi respuesta más que un pretexto para permanecer en un estado que calificaban de sistemática oposición a los planes de los americanos, manifestándome con tal motivo que estaban convencidos de que mi actitud intransigente y la del Sr. Aguinaldo eran los únicos obstáculos para la deseada paz, y como estaban resueltos a procurarla para el bien de los filipinos mismos, podrían verse en la necesidad de remover dichos obstáculos deportando a los intransigentes. Hice presente que la Revolucíon había sido, a mi juicio, producida, no por meras ambiciones personales, sino por las aspiraciones no satisfechas del pueblo, y que estaba plenamente convencido de que si el Sr. Aguinaldo y yo obráramos en abierto desacuerdo con la opinión pública, quedaríamos desprestigiados y, por ende, incapes de evitar que nuevos jefes se encargasen, tarde o temprano, de continuar la lucha; que la verdadera paz había de ser producida únicamente por la confianza que los americanos supiesen inspirar a los filipinos, y un proceder tan arbitrario como violento no habría de inspirar jamás semejante confianza; que la experiencia adquirida durante la dominación española demuestra que la deportación es buena únicamente para excitar odios y sentimientos hostiles, porque es cruel e injusto imponer la doble pena de prisión y relegación por tiempo indefinido sobre personas cuyos cargos no han sido probados en juicio. Y concluí diciendo que, lejos de oponerme a los planes de los americanos, había procurado manifestar sinceramente los verdaderos sentimientos de los filipinos en general y de los revolucionarios en particular, para evitar que el desconocimiento de los mismos desarrollase una política equivocada y perjudicial a la causa de la paz; y que quería conservar mi prestigio a toda costa, movido tan sólo por el deseo de ser útil no sólo a los filipinos sino también a los americanos. Estos últimos podrían equivocarse en sus cálculos; podria suceder que, a pesar de mi deportación y de la captura o rendición de Aguinaldo, no se pacificasen las Islas: en tal caso la ayuda de los filipinos ANG REBOLUSYONG FILIPINO xv pagkawala ng impluwensiya ko sa mga Filipino, mawawalan ako ng silbi sa mithing pagpápahinahon at sa anupamang hangaring kapaki-pakinabang. Walang nakita sa itinugon ko ang dalawang nasabing heneral kundi isang pagdadahilan upang mapangatawanan ko diumano ang tinatawag nilang mapamaraang pagtutol sa plano ng mga Amerikano. Ipinamukha nila sa akin na matibay ang kanilang paniniwala na ang pagmamatigas ko at ni G. Aguinaldo ang bukod-tanging hadlang sa pagkakamit ng kapayapaan, at sapagkat napagpasiyahan nilang kamtin ito alang-alang sa kapakanan ng mga Filipino mismo, maaaring kailanganin nilang iligpit ang mga naturang hadlang sa pamamagitan ng pagpapatapon sa mga nagmamatigas.Binanggit ko sa kanila na batay sa sarili kong pagkukuro,hindi mga pansariling ambisyon kundi ang pagkabigo ng mga adhikain ng sambayanan ang sanhi kung bakit naganap ang Rebolusyon;at lubos na naniniwala ako na kung hayagang hindi kami sasangayon ni G. Aguinaldo sa pananaw ng madla, mahuhubdan kami ng dangal at, dahil dito, mawawalan ng kakayahang pigilan ang mga bagong pinunò, sa malao’t madali, na ipagpatuloy ang pakikipaglaban. Magkakaroon lamang ng tunay na kapayapaan kung makukuha ng mga Amerikano ang loob ng mga Filipino. Ang mga walang batayang hakbang tulad ng karahasan ay hindi kailanman nakahihikayat ng pagtitiwala. Pinatutunayan ng mga pinagdaanang karanasan sa panahon ng paghahari ng mga Espanyol na nakabubuti lamang ang pagpapatapon sa pagpukaw ng pagkamuhi at mga salungat na saloobin sapagkat malupit at di-makatarungan ang pagpapataw ng kambal na parusang pagkakulong at pagkadestiyero nang walang katiyakan kung gaano katagal sa sinumang ang pagkakasala ay hindi pa napatutunayan sa hukuman. Nagtapos ako sa pagsasabi na, higit sa pagtutol sa plano ng mga Amerikano, sinikap kong tapat na maipabatid ang tunay na saloobin ng mga Filipino sa pangkalahatan at ng mga rebolusyonaryo sa bukod-tanging paraan upang maiwasang sa kawalan ng nalalaman sa mga ito ay makalikha ng patakarang mali at makasasamâ sa pagtataguyod ng kapayapaan. At minabuti kong mapangalagaan ang aking dangal sa anumang paraan sa hangad na maging kapaki-pakinabang ako hindi lamang para sa mga Filipino kundi para rin sa mga Amerikano. Maaaring magkamali ang mga Amerikano sa kanilang palagay. Maaaring hindi pa rin mapahinahon ang Kapuluan sa kabila ng pagkakapatapon sa akin at sa pagkakadakip kay Aguinaldo o sa pagsuko niya. Sa ganitong pangyayari, hindi maisasantabi ang tulong ng mga Filipinong xvi LA REVOLUCION FILIPINA que no hubiesen perdido la confianza de los revolucionarios sería indispensable para la realización de la paz, y para este fin quería reservarme a falta de otros mejores, o, cuando menos, para ayudar y ser útil a éstos en caso necesario. Estudiando ahora los hechos posteriores, no encuentro ninguna demostracíon de que la deportación a Guam haya contribuído de alguna manera a la captura de Aguinaldo y Lukbán o a la rendición de Malvar y otros jefes filipinos; al contrario, hay motivo para creer que esta equivocación ha influído no poco en la prolongación de la lucha y en la mayor efusión de sangre. Habiéndose despreciado la diplomacia como arma propia del débil, la lucha hubo de cesar solamente cuando los revolucionarios dejaron de tener medios para continuarla. El curso ordinario y natural de las cosas no ha dispuesto que el débil venza al fuerte. Hemos luchado convencidos de que nuestro deber y dignidad nos exigían el sacrificio de defender mientras podíamos nuestras libertades, porque sin ellas la igualdad social entre la casta dominante y la población indígena sería prácticamente imposible, y así no lograríamos establecer perfecta justicia entre nosotros; pero sabíamos que no tardarían en agotarse nuestros escasos medios y que nuestra derrota sería inevitable. La lucha hízose, pues, injustificada e insostenible, desde el momento en que la inmensa mayoría de la población prefirió someterse al conquistador y muchos de los mismos revolucionarios se pasaron a sus filas, porque no pudiendo gozar de sus libertades naturales—pues se lo impedían las fuerzas americanas—y no teniendo medios para remover este impedimento, juzgaron prudente ceder y esperar en las promesas hechas en nombre del pueblo de los Estados Unidos. A la rendición de las últimas partidas siguió una proclamacion de amnistía, y el 24 de agosto de 1902 se dijo a los deportados de Guam que podrían volver a su país, como jurasen reconocer y aceptar voluntariamente la suprema autoridad de los Estados Unidos en Filipinas y mantener sincera fidelidad y obediencia a la misma, sin reserva mental ni propósito de evadir esta obligación. Para acallar escrúpulos de conciencia,—pues no me ANG REBOLUSYONG FILIPINO xvii patuloy na pinagtitiwalaan ng mga rebolusyonaryohinggil sa usapin ng pagkakamit ng kapayapaan, at itinalaga ko ang aking sarili sa ganitong layunin sa kawalan ng ibang higit na karapat-dapat, upang makatulong, kahit papaano, at maging kapaki-pakinabang para sa kanila kung kinakailangan. Sa pagsusuri ngayon sa mga sumunod na pangyayari, wala akong makita ni anumang patunay na may naiambag sa anumang paraan ang pagpapatapon sa Guam sa nangyaring pagkakadakip kina Aguinaldo at Lukban o sa pagsuko ni Malvar at ng iba pang mga pinunòng Filipino. Sa kasalungat na paraan, may dahilan upang paniwalaan na may malaking kinalaman ang pagkakamaling ito sa pagtatagal ng digmaan at sa malaganap na pagdanak ng dugo. Sapagkat inaglahi ang diplomasya bilang sandata ng mahihina, mahihinto lamang ang labanan kapag naubusan na ng kakayahan ang mga rebolusyonaryong ipagpatuloy pa ito. Sa karaniwan at likas na daloy ng mga pangyayari, hindi itinalagang lupigin ng mahina ang malakas. Sumuong tayo sa digmaan sa paniniwalang atas ng tungkulin at dangal natin ang magsakripisyo sa pagtatanggol ng ating kalayaan hangga’t makakayanatin sapagkat kung wala ito, sadyang hindi mangyayaring magkaroon ng panlipunang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng naghaharing uri at ng katutubong mamamayan, at hindi mapapasaatin ang tunay na katarungan. Ngunit, batid nating hindi maglalaon at masasaid ang ating kapos na kakayahan at ang pagkatalo ay di-maiiwasan. Naging di-mapangatwiranan at di-maipagpapatuloy ang pakikipaglaban buhat nang pinili ng nakararaming mamamayan ang pagsuko sa mananakop, at marami sa mga rebolusyonaryo mismo ang lumahok sa hanay sapagkat hindi nila matamasa ang kanilang mga likas na kalayaan—hinadlangan palibhasa ng puwersang Amerikano at wala silang kakayahang alisin ang hadlang. Ipinagpalagay nilang higit na mainam ang sumuko at umasa sa mga pangakong ginawa sa ngalan ng mga mamamayan ng Estados Unidos. Ang pagsuko ng huling pangkat sandatahan ay nasundan ng isang proklamasyon ng amnestiya, at noong 24 Agosto 1902, sinabihan ang mga naipatapon sa Guam na makababalik sila sa kanilang bayan kung manunumpa silang kikilalanin at tatanggapin nang kusang-loob ang kataas-taasang kapangyarihan ng Estados Unidos sa Filipinas, at mamamalagi silang tapat at masunurin nang walang pagdadalawang-isip ni pagtatangkang takasan ang tungkuling ito. Upang mapayapa ang nanunurot na budhi—hindi makatwiran ni wasto sa tingin ko ang isangla ang aking xviii LA REVOLUCION FILIPINA parecía razonable ni correcto empeñar mi palabra sin previamente cerciorarme de si debía o no hacerlo,—pedía que me trajesen prisionero a esta capital de conformidad con la proclamacíon que dispone “que el juramento se preste ante cualqiera autoridad en el Archipiélago filipino autorizada para administrar juramentos.” El gobernador de Guam prometió comunicar mi petición a las autoridades competentes, pero sin haber dicho que probablemente no podría saber la resolución sino a fines del próximo diciembre. Con todo, preferí esparar y en 9 de febrero de 1903 el comandante del Presidio me entregó una carta del gobernador, notificándome de que esteba libre para ir a cualquiera parte, menos a Filipinas, adonde no podría volver sin prestar el juramento de vasallaje. Pedí tiempo para reflexionar, pues no me era tan fácil deciderme, como parecía a primera vista. En primer lugar, creo como otro hombre cualquiera en determinadas verdades que dirigen mi concienca a modo de guía o regla para juzgar mis actos, constituyendo mi religión. Esta religión me enseña que toda autoridad sobre el pueblo reside en el pueblo mismo por ley natural; de aquí que, ante la idea del juramento de reconocimiento y fidelidad a la autoridad de Estados Unidos en Filipinas, se me figuraba que invocoba a Dios, para que ratificase un acto contrario la ley u orden que Él mismo pusiera ab ceterno en el mundo. Mi conciencia me decía que es una blasfemia pedir a Dios que ayuda en una cosa que Él mismo reprueba. Además, si la libre expresión del pensamiento es uno de los privilegios de todo ciudadano en Filipinas, ¿sería legal exigírseme que abjurara de mis creencias desde el momento en que promotía vivir una vida pacífica y honrada? Si la práctica observada en todas las naciones civilizadas extiende dicha libertad a todas las doctrinas que no promueven la perturbación del orden social y la depravación de las costumbres, ¿podría considerarse válido un juramento impuesto por el poder ejecutivo contra el espíritu de las instituciones americanas y la recta interpretación de las leyes vigentes en Filipinas? Prestado el juramento de fidelidad inconditional a la autoridad de Estados Unidos en Filipinas, ¿seríame lícito, sin faltar a la fidelidad jurada, ANG REBOLUSYONG FILIPINO xix salita nang hindi ko muna tinitiyak kung dapat ko ba itong gawin o hindi— hiniling kong dalhin ako sa kabisera bilang isang bilanggo alinsunod sa proklamasyong nagtatadhana “na ang panunumpa ay dapat gawin sa harap ng sinumang awtoridad na binigyan ng kapangyarihang mangasiwa ng panunumpa sa Kapuluan ng Filipinas.” Nangako ang gobernador ng Guam na ipaaabot ang aking kahilingan sa mga kinauukulan, ngunit wala siyang binanggit kahit ano na malalaman lamang niya ang kapasiyahan sa pagtatapos ng susunod na Disyembre. Gayunman, minabuti kong maghintay at noong 9 Pebrero 1903, isang kalatasmula sa gobernador ang iniabot sa akin ng komandante ng bilangguan; ipinababatid sa akin na malaya akong magtungo sa kahit saan, maliban sa Filipinas. Hindi ako makababalik dito nang hindi nagsasagawa ng panunumpa ng katapatan. Humingi ako ng panahon upang makapag-isip-isip.Sa wari, sa unang tingin, hindi madali ang magpasiya para sa akin. Unang-una na, tulad ng sinumang kapuwa ko tao, may pinananaligan akong mga katotohanan nagumagabay sa aking budhi o nagsisilbing pamantayan ng aking mga pagkilos, at siyang bumubuo sa aking pananampalataya. Ang pananampalatayang ito ang nagtuturo sa akin na sa bisà ng likas na kalakaran ng mga bagay, nasa sambayanan mismo ang lahat ng kapangyarihang nakasasaklaw rito. Kayâ naman, kapag sumasaisip ko ang panunumpa ng pagkilala at katapatan sa kapangyarihan ng Estados Unidos sa Filipinas, napagwawari kong hihingi ako ng tulong sa Diyos upang pagtibayin ang isang kilos o gawa na lumalabag sa batas o kaayusan na mismong Siya ang walang hanggang nagtatakda sa daigdig. Ibinubulong ng aking budhi na kalapastanganang hingin ang tulong ng Diyos alangalang sa isang bagay na Siya mismo ang nagwawaksi. Gayundin, kung isa sa mga pribilehiyo ng mga mamamayan ng Filipinas ang layàng makapagpahayag ng anumang kaisipan, maituturing bang naaayon sa batas ang hingin sa akin na itakwil ko ang aking mga pinaniniwalaansa sandaling mangako akong mamumuhay nang payapa at marangal? Kung sa karaniwang takbo ng buhaysa lahat ng sibilisadong bansa ay nakapaloob ang kalayaang ito sa lahat ng doktrinang di-nagtataguyod ng pagkabulabog ng kaayusang panlipunan at pagkasalaula ng mga kaugalian, maituturing bang may-bisà ang isang panunumpang ipinataw ng makapangyarihang tagapagpatupad nang labag sa diwa ng mga institusyong Amerikano at sa matuwid na pagpapakahulugan sa mga batas na umiiral sa Filipinas?Kung makapanumpa ako ng lubos na katapatan sa awtoridad ng Estados Unidos sa Filipinas, magiging makatwiran pa rin kaya, at di-pagtataksil sa sinumpaang katapatan, kung isulong ko xx LA REVOLUCION FILIPINA abogar después por la disminución de esa autoridad, pidiendo para el pueblo el self-government prometido públicamente a los filipinos para cuando sean aptos? Si es esencialmente nula toda obligación contrararia a la ley natural, ¿no es más práctico y saludable buscar otra fórmula que concilie el respeto debido a la ley y el cumplimiento de los deberes propios de cada estado con la santidad del juramento y las promesas del Gobierno, para que los filipinos no se acostumbren a mirar como lícito el perjurio? Si de todos modos el Gobierno se ha valer de la fuerza para castigar a los que la desobedecen, exigir el juramento a un simple ciudadano, ¿no sería lo mismo que confesar que no tiene derecho para mandar? Es verdad que el que pretenda gobernar sólo con la teoría ha da fracasar, porque la cienca de gobernar esencialmente práctica; pero es verdad también que toda prática contraria a la teoría, o sea a la razón y la cienca, es propiamente un abuso, es decir, una práctica corrompida, pues corrompre la sociedad. El éxito del gobernante es siempre debido a la práctica ajustada al orden natural e inmutable de las cosas y a las necesidades especiales de la localidad , lo cual se obtiene con el auxilio de los conocimientos teóticos y de la experiencia: no es, pues, la teoría , sino la práctica desordenada por las malas pasiones o por la ignorancia, el origen de todos los fracasos gubernamentales. Si el Gobierno de los Estados Unidos ha podido conducir a la Unión por el camino de la prosperidad y grandeza es porque sus prácticas no se han desviado de la teoría contenida en las Declaraciones de independencia y de los derechos del hombre, que son una exposición de los principios del derecho natural implantados por las revoluciones de la cienca en el campo de la política. Si en la armonía entre la razón y la experiencia está la verdad, en la armonía entre la teoría y la práctica se encuentra la virtud. No obstante después de muchas vacilaciones y ansioso examen mental, sentí, al fin, la tranquilidad producida por una firme convicción. Mi conciencia está segura de que me era lícito jurar, porque no podía evitarlo por la razón de que una necesidad más imperiosa que el amor a la verdad exigía mi vuelta a las Islas. Cuanto más leamos la historia ANG REBOLUSYONG FILIPINO xxi pagkaraan ang pagpapahina sa awtoridad na ito upang hinging mahigpit alang-alang sasambayanan ang self-government na hayagang ipinangakong ipagkakaloobsa mga Filipino sa sandaling karapat-dapat na sila?Kung sadyang labag sa likas na daloy ng mga pangyayari o batas ang isang obligasyon, hindi kayâ higit na mainam at kapakipakinabang ang paghanap ng ibang pamamaraan upang mapagtugma ang paggalang na dapat iukol sa batas at sa pagtupad ng tungkulin sa estadoat ang kabanalan ng panunumpa at mga pangako ng Gobyerno, at nang sa gayon ay hindi makamihasnan ng mga Filipino ang makitang makatwiran o ayon sa batas ang pagsisinungaling? Ano’t anuman, kung kailangang maggiit ng kapangyarihan ang Gobyerno upang makastigo ang nagkasala rito, upang mapápanumpa ang isang karaniwang mamamayan, hindi ba’t isa itong pag-amin ng kawalan nito ng katwirang mamahala? Totoong nabibigo ang sinumang nagtatangkang mamahala nang ayon sa teorya lamang sapagkat sadyang isang praktika o pagsasakatuparan ang agham ng pamamahala. Subalit totoo rin na ang lahat ng pagsasakatuparang taliwas sa teorya, o sa katwiran at sa agham, ay tumpak na sabihing maling pagsasakatuparan,o sa madaling salita, isang katiwalian kaya’t nagiging tiwali rin ang lipunan. Ang tagumpay ng namamahala ay laging ibinubunga ng praktika o pagsasakatuparang iniangkop sa likas at di-mababagong kaayusan ng mga bagay at sa bukod-tanging pangangailangan ng pinamamahalaan. Nakakamit ito sa tulong ng kaalaman sa teorya at ng mga karanasan: hindi teorya, kung gayon, kundi praktika o pagsasakatuparang wala sa lugardulot ng kamangmangan o simbuyo ng damdamin ang ugat ng lahat ng kabiguan sa pamamahala. Kung bakit naihatid ng Gobyerno ng Estados Unidos ang buong Unyon sa landas ng kasaganaan at kadakilaan ay sapagkat hindi lumihis ang praktika o pagsasakatuparan nito sa teoryang nakapaloob sa Deklarasyon ng Kalayaan at sa Mga Karapatang Pantao na pawang kinatatampukan ng mga prinsipyo ng likas na batas na ikinintal ng mga rebolusyong pang-aghamsa larang ng politika. Kung nasa pagtutugma ng katwiran at karanasan ang katotohanan, nasa pagtutugma ng teorya at praktika ang namumukod na kahusayan. Gayunman, matapos ang mga pag-aalinlangan at balisáng pagsusuri ng kalooban, nadama ko sa wakas ang kapanatagang bunga ng matatag na pananalig. Nakatitiyak ang aking budhi na makatwirang manumpa ako. Hindi ito maiiwasan sa dahilang nakahihigit ang pangangailangang magbalik ako sa Kapuluan kaysa sa pag-ibig sa katotohanan. Habang patuloy nating xxii LA REVOLUCION FILIPINA de la humanidad tanto más hemos de observar que en las frecuentes guerras que han agitado a los pueblos de la tierra desde los tiempos más remotos hasta nuestros días, si plazas y ciudades tuvíeron que rendirse siempre al vencedor, la razón y la justicia hubieron de ceder también muchas veces, si no siempre, a las exigencias de la fuerza. Los pueblos vencidos se sometían a las imposiciones de los vencedores, para salvar su existencia, indespensable para la conservación del género humano, suprema necesidad o ley de la naturaleza. Ahora que el pueblo filipino se ha sometido a la autoridad de Estados Unidos por evitar su ruina, mi permanencia en Guam podría ser interpretada como una oposición a la voluntad popular, como una persistencia en la continuación desesperada de la lucha. Cuando el pueblo se lanzó a la guerra, creí que mi deber era estar a su lado y ayudarle a sufrir hasta el fin de ella; ahora que se siente sin fuerzas para continuar peleando por sus derechos; creo que debo estar también a su lado, para decirle que no desespere, sino que tenga mayor confianza en sí Mismo, en la justicia, en el porvenir. Nunca tuve, en verdad, valor bastante para perturbar a mis paisanos, mientras prefarían vivir tranquilos. Estuve trabajando con entusiasmo al lado de Rizal, Marcelo del Pilar y otros que, después de haber expuesto los males que una administración discrecional a arbitraria causara a los filipinos, pedían anteriormente al Gobierno español la asimilación política de Filipinas a una provincia de la Península española, para impedir precisamente que muchos filipinos buscasen en la separación el remedio de dichos males, organizando una sociedad semejante al Katipunan y un alzamiento igual al del año 1896. Conocedor de las calamides y miserias que nacen siempre de la perturbación del orden público, no fuí miembro de aquél ni tomé parte en éste; pero, cuando en 1898 observé por todas partes la inquietud e indignación producida por la obstinación ciega del Gobierno español y las crueldades con que recompensara los servicios de los que le habían mostrado los peligros de su mala administración en Filipinas y propuesto los medios de conjurarlos, ví claramente manifestada la voluntad popular y declarado mi deber de obdecer a ella y encauzar la Revolucíon para que destruyendo ANG REBOLUSYONG FILIPINO xxiii tinutunghayan ang kasaysayan ng sangkatauhan, lalo nating napag-aalaman na sa mga digmaang paulit-ulit na lumiligalig sa mga bayan sa daigdig mula’t sapul hanggang sa ating panahon, kung paanong palaging sumusuko sa manlulupig ang mga liwasan at lungsod, ang katwiran at katarungan ay sumusuko ring madalas, kung hindi man palagi, sa mga kagustuhan ng kapangyarihan. Napalulukob ang mga bayang nalupig sa pagpapataw ng mga manlulupig upang mailigtas ang kanilang pag-iral.Bagay itong di-maiiwasan alang-alang sa di-pagkalipol ng sangkatauhan—kataas-taasang pangangailangan o takda ng kalikasan. Ngayong ang sambayanang Filipino ay nagpailalim na sa awtoridad ng Estados Unidos upang maiwasan ang kanilang pagkapuksa, maaaring isipin na isang pagsalunga sa niloloob ng nakararami ang pananatili ko sa Guam, isa waring paggigiit na ipagpatuloy ang pakikipaglabang walang kapag-a-pag-asa. Nang sumuong sa digmaan ang bayan, inakò ko ang tungkuling makipanig at tumulong dito hanggang sa wakas. Ngayong sa tingin nito ay wala na siyang lakas upang ipagpatuloy ang laban para sa kaniyang mga karapatan, inaakò kong muli ang pagpanig sa kaniya upang paalalahanan siyang huwag mawalan ng pag-asa, at dapat siyang magtiwala sa kaniyang sarili, sa katarungan, at sa hinaharap. Ang totoo, hindi ako nagkaroon kailanman ng sapat na tapang upang gambalain ang aking mga kababayan sa pagpili nilang mamuhay nang tahimik.Masigasig akong nakipagtulungan kina Rizal, Marcelo del Pilar, at sa iba pa nadating humiling sa Gobyernong Espanyol ng asimilasyong pampolitika na maging probinsiya ng Espanya ang Filipinas—matapos na magbunyag ng mga kasamaang idinulot sa mga Filipino ng administrasyong pabago-bago o walang batayan ang pamamalakad—upang mapigilan ang maraming Filipino na sa pagkalas nakakakita ng lunas sa nasabing kasamaankaya’t nagtatag ng samahang Katipunanat nagpasimuno ng paghihimagsik noong 1896. Saksi sa mga kalamidad at kapighatiang dulot ng pagkabulabog ng kaayusang panlipunan, hindi ako kasapi ng Katipunan at wala akong ginampanan sa pag-aalsa.Ngunit, nang mapuna ko noong 1898 ang pagkabagabag at pagkamuhi sa lahat ng dako bunga ng katigasan ng loob ng Gobyernong Espanyol at ng mga kalupitangiginawad nito sa mga nagsiwalat ng panganib ng masamâng pamamahala nito sa Filipinas at sa nagpanukala ng mga paraan sa pag-iwas dito, naging malinaw sa akin ang kalooban ng nakararami,at inihayag ko ang tungkulin kong tumalima rito at iugit ang Rebolusyon, sa pagkawasak ng matandang xxiv LA REVOLUCION FILIPINA del antiguo régimen sólo lo caduco e inútil, pudiese establecer otro nuevo más adecuado a las verdaderas necesidades de los filipinos y más adaptable a los cambios o reformas que su progresiva civilización reclamase. Fuí a la lucha creyendo seguir la voz del pueblo, y la abandonado por la misma razón. Este pasado fija la norma de mi conducta futura. En vez de preparar nuevos levantamientos, he de buscar los medios de evitarlos, pues tal, me parace, es el deber en tiempo de paz de todo ciudadano honrado que de veras ama a su país La misma tenacidad con que he defendido durante la guerra los derechos que la ley natural nos concede, ha sido sugerida por el convencimiento de que el reconocimiento de estos derechos por Estados Unidos constituye la garantía más segura de la paz y la más firme salvaguardia contra las insurrecciones futuras. Peleando hasta donde nuestras fuerzas y la razón lo permitían, sólo hernos conseguido demostrar nuestro amor a la libertad; y ahora que Estados Unidos ha tenido a bien reconocernos una parte de ella, garantizando para cada ciudadano el ejercicio de ciertos derechos que hacen menos restringida la vida en sociedad, cúmplenos demostrar que sólo queremos tales derechos, que sólo deseamos el libre ejercicio de nuestra actividad, para aumentar el caudal de nuestra cultura y bienestar por medio del trabajo honrado, acreditando de este modo que poseemos la capacidad que justifica nuestra pretensión al prometido reconocimiento de la parte restante. De Estados Unidos puedo decir que es muy probable que procure cumplir con sus promesas, por cuanto sabe: (1) que su autoridad no ha sido solicitada por, sino impuesta a, los filipinos; (2) que de su proceder para con éstos depende el que la actual paralización de la lucha signifique una verdadera paz o una simple tregua más o menos larga; (3) que España, prohibiendo en Filipinas la formación de las asociaciones y paratidos políticos para evitar que fuesen intérpretes de los deseos del pueblo, alentó la formación de las partidas de guerilleros y, por proscribir la Liga Filipina, sancionó el Katipunan; (4) y, por último, que todo régimen colonial, que no ANG REBOLUSYONG FILIPINO xxv sistema ng pamamahala na sadyang ulianin at walang pakinabang, tungo sa pagtatatag ng bago at higit na angkop sa mga tunay na pangangailangan ng mga Filipino at higit na nakasasabay sa mga pagbabago o reporma na ipinamamarali ng mauunlad na sibilisasyon. Lumahok ako sa digmaan sa pagtalima sa tinig ng bayan, sa ganitong dahilan din kayâ ko ito tinalikuran. Natatakdaan ng nakalipas ang hahakbangin ko sa hinaharap. Sa halip na bumalangkas ng bagong pag-aalsa, kailangan kong maghanap ng mga paraan upang maiwasan ito, at sa tingin ko, ganito ang katungkulan sa panahon ng kapayapaan ng lahat ng mamamayang marangal na nagmamahal sa bayan. Ang rubdob ng pagtatanggol ko sa mga karapatang kaloob sa atin ng likas na batas o kaayusan sa panahon ng digmaan ang siya ring rubdob na iminumungkahi ng pananalig na ang pagkilala ng Estados Unidos sa mga karapatang ito ang pinakatiyak na pangako ng kapayapaan at lalong matatag na pananggalang sa mga pag-aalsa sa hinaharap. Sa pakikipaglaban hanggang sa maaabot ng ating lakas at katwiran, naipakita lamang natin kung gaano natin kamahal ang kalayaan; at ngayong minarapat nang kilalanin ng Estados Unidos ang isang bahagi ng kalayaang ito sa pagkakaloob ng karapatan sa bawat mamamayan na makagalaw nang may higit na kaluwagan sa lipunan, tungkulin nating ipakita na ang mga karapatang ito lamang ang hangad natin, na ang hinihiling lamang natin ay ang layang maisakatuparan ang ating mga gawain upang mapagyaman pa ang ating kultura at pagkatao sa pamamagitan ng marangal na paggawa. Sa ganitong paraan, mapatutunayan natin na nasa atin ang kakayahang nagbibigay-katwiran sa ating pag-angkin sa nalalabing bahagi ng ating kalayaang ipinangako nilang kikilalanin. Masasabi kong malamáng na tutuparin ng Estados Unidos ang kaniyang mga pangako sapagkat nalalaman nito: (1) na hindi hiningi ng mga Filipino ang kaniyang awtoridad, ipinataw lamang ito sa kanila; (2) na alinsunod sa pakikitungo niya sa mga Filipino, magiging ganap na kapayapaan o pansamantalang tigil-putukan lamang ang paghinto ng labanan; (3) na dahil sa ipinagbawal ng Espanya ang pagtatatag ng mga samahan at partidong pampolitika sa Filipinas upang maiwasang may magsatinig ng saloobin ng sambayanan, lalong nabigyang-daan ang pagkakatatag ng pangkat ng mga mandirigma at, sa paghadlang sa Liga Filipina, sumilang ang Katipunan; at panghuli, (4) na ang pamunuang xxvi LA REVOLUCION FILIPINA sabe amoldarse a las necesidades creadas por la cultura siempre creciente de los colonos y sus comunicaciones cada vez más fáciles y estrechas con los pueblos civilizados, fomenta la separación de las colonias al par que la corrupción politíca y la decadencia de la metrópoli! Si a estos consejos de la razón y lecciones de la historia añadimos el orgullo de un pueblo que conoce su propio poder y engrandecimiento y cree de poseer la sabiduría práctica en la vida podemos afrimar que por ahora no existe aún razón alguna que justifique de desconfianza, toda vez que debemos olvidar los agravios pasados y sacrificarlos en aras de la reconciliación y unión fraternal entre americanos y filipinos. No sólo nos ha asegurado Estados Unidos que esta unión es la garantía más segura de nuestra felicidad, sino que nos ha obligado por la fuerza a creerlo así, haciéndose árbitro de nuestra suerte. Así sea entonces; pero mientras tanto trabajemos por que nuestra inteligencia y nuestro corazón sean capaces de cuanto sea digno y honroso en la vida, esperando que el tiempo ha de levantar el velo del porvenir, para mostrarnos el verdadero camino de nuestro progreso y felicidad. Y pues mi enfermedad requiere una vida menos agitada, vuelvo a la oscuridad de donde he salido, empujado por las circunstancias, para ocultar la vergüenza y el pesar, no de haber cometido una acción indigna, sino de no haber podido servir mejor. No soy yo, es verdad, el llamado a declarar si he obrado bien o mal, acertada o equivocadamente. Sin embargo, no he de terminar sin decir que no cuento con otro bálsamo para suavizar las amarguras de una vida penosa, fuera de la satisfacción producida por el convencimiento de haber hecho siempre lo que he creído mi deber. ¡Ojalá pueda decir lo mismo a la hora de mi muerte! AP. MABINI. ANG REBOLUSYONG FILIPINO xxvii kolonyal na hindi marunong umangkop sa mga pangangailangang nalilikha ng patuloy na lumalagông kultura ng mga sakop at ng dumadalas na madali at tuwirang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa mga sibilisadong bayan ay nakapagbubunsod ng paghiwalay o pagkalas ng kolonyakasabay ng pagsamâ ng politika at pagkabulok ng kabiserang lungsod. Kung idaragdag pa natin sa mga habilin ng katwiran at aral ng kasaysayan ang dangal ng isang bayang kumikilala sa sariling kapangyarihan at kadakilaan at naniniwalang nagaangkin ng karunungang naisasabuhay, masasabi nating sa ngayon ay wala pang anumang dahilan upang mag- alinlangan at kailangan nating kalimutan at isakripisyo ang mga nagdaang hinanakit alang-alang sa pagkakasundo at buklod-kapatiran ng mga Amerikano at Filipino. Hindi lamang siniguro ng Estados Unidos sa atin na ang buklod na ito ang pinakamaaasahang pagtiyak sa ating kaligayahan. Sa pagtatalaga ng kaniyang sarili bilang tagapaghatol ng ating kapalaran, ipinuwersa niya sa ating ito ang paniwalaan. Magkagayon na nga.Samantala, magsikap tayo sa ngayon na maging karapat-dapat ang ating isipat puso sa anumang marangal sa búhay nang may pag-asang aangat para sa atin angtalukbong ng hinaharap upang matanaw natin ang tamang landas patungo sa ating pag-unlad at galak. At, sapagkat hindi makabubuti sa aking karamdaman ang maligalig na búhay, sa bunsod ng mga pangyayari, nagbalik ako sa karimlang pinagmulan ko upang ikubli ang kahihiyan at dalamhati hindi sa pagkakagawa ng hamak o mali kundi sa pagkukulang kong makapaglingkod nang lubos. Totoong hindi ako ang makapagsasabi kung mabuti ba o masama, tama ba o mali ang aking ginawa. Gayunman, hindi maaaring hindi ko sabihin na walang ibang balsamong maipapahid sa kirot ng búhay na tigib ng hinanakit kundi ang kasiyahang dulot ng pananalig na ginawa ko sa tuwina ang inakò kong pananagutan. Masabi ko nawa ito kahit sa oras ng aking kamatayan! Ap. Mabini. xxix MULA SA TAGASALIN Natapos ko ang pagsasalin sa Filipino ng La Revolucion Filipina ni Apolinario Mabini noong 23 Marso 2015. Atrasado nang eksaktong walong buwan sa pagdiriwang ng kaniyang ika-150 kaarawan noong 23 Hulyo 2014. Maraming dahilan ang pagkabalam na ito—bukod siyempre sa pangunahin na sadyang mahirap magsalin mula sa orihinal na wikang Espanyol—ngunit hindi ko na nais pagtuunang-pansin o isa-isahin. Higit kong ikinamangha na sa araw na natapos ko ang proyekto, ginugunita sa kasaysayan ang pagkakadakip ng mga Amerikano kay Emilio Aguinaldo— sa pamamagitan ng pangkat Makabebe—sa Palanan noong 1901. Ang akdang ito ni Mabini, na sinulat niya habang nakabilanggo at ingkomunikado sa Guam, ay isang pag-alaala at pagsusuri sa mga naganap sa Rebolusyong Filipino sa pagtatapos ng siglo 19. Malinaw ang kaniyang layunin: “Sinikap kong maging patas sa pagsulat ng mga alaalang ito na ang tanging layunin ay hagilapin sa nakaraan ang mga aral na lalong kapakipakinabang para sa kasalukuyan at sa hinaharap.” Bagaman naghayag ng agam-agam si Cesar Adib Majul, ang manunulat ng kaniyang talambuhay, na nagsabing “Devoid of a proper library and depending mostly on his memory, it was not possible to be entirely accurate on all the facts” (Walang angkop na aklatan at wala halos pinagbatayan kundi alaala, hindi posibleng maging wasto ang lahat ng impormasyon dito)1, mahirap basta na lamang isaisantabi ang pagtatapat ng isang tila nakikini-kinita na ang nalalapit na pakikipagtagpo 1 Cesar Abid Majul, Apolinario Mabini Revolutionary (Manila: National Heroes Commission, 1964), p. 194. Akin ang salin. xxx ANG REBOLUSYONG FILIPINO kay kamatayan. Makapanindig-balahibo ang huling pangungusap sa pagtatapos ng panimulang bahagi ng kaniyang akda: “Masabi ko nawa ito kahit sa oras ng aking kamatayan!”Kahit sadyang sinikap ni Mabini na ituon sa mga pangyayari ang paglalahad, hindi siya nakaiwas sa pagbanggit sa ilang napakahalagang personalidad. Wika nga niya: ...sinikap kong mga pangyayari at hindi mga partikular na tao ang pagtuunan ng pansin; ngunit, sa pagsusuri sa Rebolusyon, hindi maaaring hindi ko punahin ang táong hindi natigatig sa harap ng pagkakasala upang katawanin niya ito mula sa umpisa hanggang sa katapusan. Pangunahin sa mga personalidad na binanggit-banggit ni Mabini si Emilio Aguinaldo. Sa wari, ang lahat ng bigat ng pagkakamali ay isinentro ni Mabini sa kinikilala ngayon sa ating kasaysayan bilang unang pangulo ng Republikang Filipino. Tunay na lumikha ng malaking kontrobersiyang pangkasaysayan ang mga ipinahayag ni Mabini tungkol sa kaniya. Pagpapatotoo nga ni Ambeth R. Ocampo, popular na kontemporaneong historyador: If you take the trouble to read a copy of Apolinario Mabini’s La Revolucion Filipina (in the original Spanish or in the English translation by Leon Ma. Guerrero), you will be rewarded with an experience similar to a fistblow on the stomach. One cannot but be disturbed by Mabini’s scathing attack on Emilio Aguinaldo and the way the latter (mis)directed the revolution. If we are still asking questions about the deaths of Andres Bonifacio and Antonio Luna today, it is because Mabini has gone on record to point an accusing finger at Aguinaldo. Kung pagsusumakitang basahin ang sipi ng Ang Rebolusyong Filipino ni Mabini (sa orihinal na Espanyol o sa salin sa Ingles ni Leon Ma. Guerrero), mabibiyayaan ka ng gantimpalang hawig sa matinding suntok sa tiyan. Walang hindi maliligalig sa mahayap na pagkondena ni Mabini kay Emilio Aguinaldo at sa naging maling pangangasiwa nito sa Rebolusyon. Kung bakit nag- MULA SA TAGASALIN xxxi uusisa pa rin tayo hanggang ngayon hinggil sa kamatayan nina Andres Bonifacio at Antonio Luna, ito ay sapagkat isinapubliko ni Mabini ang pagbibintang kay Aguinaldo.2 Gayunman, wala diumanong masamang inihayag si Aguinaldo bilang tugon sa mga mapagkondenang paratang sa kaniya ni Mabini. Wika muli ni Majul: “Aguinaldo did not appear to have made any harsh remarks about Mabini and, indeed, never manifested any form of ill will towards Mabini’s suspicions when he learned about them later on. But by then, Mabini was already dead” (Mukhang wala namang malupit na sinabi si Aguinaldo tungkol kay Mabini at sadyang wala siyang ipinakitang ni anumang pagkapoot nang maláman niya paglaon ang mga hinala ni Mabini. Ngunit, patay na noon si Mabini.)3 Kung gayon, sadyang birtud na noon pa man ang pananahimik. Ngunit hindi piniling manahimik ni Mabini. Marahil may kung anong pagkaligalig na nag-udyok sa kaniya upang magsiwalat. Inisip niya marahil na kung hindi niya ito gagawin, hindi ganap na mamamayapa ang loob niya sa puntod. Paghuhugas-kamay kayâ? Paghihiganti? O wagas na katapátan sa katotohanan anuman ang ibunga at sinuman ang masaktan? Mahirap tanggapin ang haka ng kaniyang mananalambuhay na bunga lamang ng pangungulilang pinalubha ng pagiging mapagsagap ng mga usap-usapan ang kaniyang pagtatapat at “mga pagbibintang.”4 Sa palagay ko, may higit na lawak ng dalumat at busilak na budhi ang sinumang makapagbibitiw ng ganitong pahayag: Wala akong nakikitang masamâ sa pagsusuri sa ating lumipas upang lagumin ang ating mga kabiguan, pagkakamali, at kahinaan; ang pagkukusang umamin ng mga pagkakamali ay pagpapakita kahit papaano ng kapuri-puri at marangal na hangáring magpakabuti at magwasto. Masamâ kung sa pagkukubli natin ay matuklasan at ipangalandakan ng isang banyaga ang mga ito hindi upang ituwid kundi upang siraan tayo: 2 Ambeth R. Ocampo, Mabini’s Ghost (Pasig City: Anvil Publishing Inc., 1995), p. 34. Akin ang salin. 3 Cesar Abid Majul, Apolinario Mabini Revolutionary (Manila: National Heroes Commission, 1964), p. 195. Akin ang salin. 4 Ibid. xxxii ANG REBOLUSYONG FILIPINO nakahihikayat ng masasamâng loob ang pagtatakip samantalang ang pagbubunyag ay nakapagdudulot sa atin ng mga aral na kapaki-pakinabang. Ano’t anuman, isang balintuna ng kadakilaan si Apolinario Mabini. Lumpo siyang nagsikap lumakad nang mapagmatuwid hanggang sa kamatayan. Hindi tulad ng maraming lumubog-lumitaw sa ating kasaysayan na mga walang kapansanan ay kung bakit hindi makatayô at makalakad nang matuwid para sa katotohanan, katarungan, at dakilang kapakanan ng Sambayanan. PAHABOL NA TALÂ: Ang tekstong isinalin ay mula sa ikalawang tomo ng La Revolucion Filipina con otros documentos de la epoca na lathala ng Bureau of Printing noong 1931 sa pangangasiwa ni Teodoro M. Kalaw, ang direktor noon ng Pambansang Aklatan. Ayon mismo kay Kalawa, isinulat-kamay ni Mabini ang La Revolucion Filipina sa pamamagitan ng lapis at ilang sipi nito ang nalikha at naipamahagi ni Mabini mismo. May bersiyong Ingles din daw ito na si Mabini rin ang gumawa. Ang siping nasa pag-iingat ng Pambansang Aklatan ang inilathala. Mapapansin na sa ilang kabanata, may mga talababâ na gawa mismo ni Kalaw. Pinapanatili ko ang mga talababâng ito ni Kalaw sa aking salin. Sinadya man o hindi ni Kalaw, lalong napaiigting ng nasabing mga talâ ang pagiging kontrobersiyal ng mga pagbubunyag ni Mabini. Bagaman pinayaman ng wikang Espanyol ang bokabularyong Filipino, nananatiling magkaiba pa rin ang estruktura ng dalawang wikang ito. Mapapansin ng sinumang mambabasá na magsasagawa ng pahambing na pagbasa sa tampok na orihinal na tekstong Espanyol at salin sa Filipino sa aklat na ito na may mga pagbabagong kinailangang gawin sa ayos ng mga pangungusap sa salin upang higit na mapadulas o maging idyomatiko ang pagkakapahayag ng mga kaisipan ni Mabini sa Filipino. Upang makapagsagawa ng beripikasyon hinggil sa sariling pag-unawa ko sa teksto, sinangguni ko ang dalawang salin sa Ingles na matatagpuan sa aklatan, ang kay Leon Ma. Guerrero na inilathala ng National Historical Commission noong 1969 at ang matatagpuan sa The Philippine Revolution MULA SA TAGASALIN xxxiii with other documents of the period na salin sa Ingles ng NHI ng orihinal na publikasyong Espanyol na pinangasiwaan ni Kalaw noong 1931. Sa matalas na mambabasa at gagawa ng mga paghahambing, madaling makikita ang pagsang-ayon o hindi ko pagsang-ayon sa naturang mga salin sa Ingles. Samantala, para sa naghahangad lamang na mabatid at pahalagahan ang mga kaisipan ni Mabini, makasapat nawa ang inihahaing salin sa Filipino sa aklat na ito. Maraming salamat sa Komisyon sa Wikang Filipino sa pagkakataong maging bahagi at makapagbahagi sa pagluwalhati sa diwang pamana ni Apolinario Mabini. MICHAEL M. COROZA 2 CAPÍTULO I Revolución y Evolución Política Entiendo por Revolución política el movimiento popular dirigido al fin de que produzca un cambio brusco en la organización y funcionamiento de los tres poderes públicos: Legislativo, Ejecutivo y Judicial. Si el movimiento es lento y gradual o progresivo, se llama Evolución. Digo movimiento popular, pues creo indispensable que el cambio propuesto sea una necesidad sentida por la generalidad de los ciudadanos. Toda agitación promovida por una clase determinada en beneficio de sus intereses particulares no merece tal nombre. La tendencia la mejoramiento o progreso es una necesidad o ley común a todos los seres, ya individual ya colectivamante considerados; así la revolución política es generalmente intentada por un pueblo, para el cual el deseo de mejorar de condición se ha convertido en una necesidad irresistable. Pero frente a esta ley existe otra, universalmente conocida bajo el nombre de instinto de conservación, la cual modera los ímpetus del pueblo, presentado a sus ojos el negro cuadro de la desolación y miserias que los medios violentos ocasionan: Le hace además presente la posibilidad de que 3 KABANATA 1 Rebolusyon at Ebolusyong Pampolitika Inuunawa ko ang Rebolusyong Pampolitika bilang malawakang pagkilos na nakatuon sa paglikha ng agad na pagbabago sa organisasyon at operasyon ng tatlong kapangyarihang pangmadla: Lehislatibo (Tagapagbatas), Ehekutibo (Tagapagpaganap), at Hudisyal (Tagapaghukom). Kapag ang pagkilos ay mabagal at dahan-dahan o unti-unting sumusulong, tinatawag itong Ebolusyon. Itinuturing ko itong malawakang pagkilos (movimiento popular) sapagkat hindi maipagwawalang-bahala ang panukalang pagbabago at nadarama ito bilang isang pangangailangan ng nakararami sa mga mamamayan. Anumang pagkilos na isinusulong ng isang partikular na uring panlipunan upang itaguyod ang mga pansariling kapakanan nito ay hindi nararapat tawagin sa ganitong pangalan. Isang pangangailangan at likas sa lahat ng nilalang, sa indibidwal o kolektibong paraan man, ang pag-unlad o pagsulong. Ang rebolusyong pampolitika, kung gayon, ay pangkalahatang tinatangka ng sambayanang nagpapalagay na di-maipagwawalang-bahalang pangangailangan ang paghahangad ng kalagayang higit na mainam. Ngunit, may isang batas na katapat nito, at unibersal na nakikilala ito sa tawag na likas na pagliligtas ng sarili (instinto de conservacion), na tumitimpi sa puwersang nagpapagalaw sa mga tao sa pagkakamit ng isang hangarin. Itinatanghal nito sa kanila ang madilim na 4 LA REVOLUCION FILIPINA Revolución y Evolución Política una clase influyente y poco escrupulosa, explotando la ignorancia o corrupción de sus conciudadanos, los engañe en beneficio de sus particulares miras; en cuyo caso la revolución empeoraría en vez de mejorar. La prudencia resuelve el conflicto, aconsejando la evolución. Por este canal el mejorarmiento es lento, pero suave y sin convulsiones dolorosas, algo así como el crecimiento espontáneo y casi insensible de cualquier individuo humano. Los ciudadanos por regla general prefieren esperar, porque lo aconseja su propia conveniencia y porque los espíritus inquietos que buscan en las revueltas su medro personal no se atreven a manifestarse, sino cuando el pueblo se ve contrariado en sus aspiraciones. Pero la evolución no es posible allí Donde el organismo social no se amolda a ella, así como una planta no crece ni se desarrolla sino en terreno apropiado. Cuando el gobierno procura el estancamiento del pueblo, bien para su propio provecho o el de una clase determinada, bien para cualquier otro fin, la revolución es invitable. Un pueblo que no ha llegado aún a la plenitud de la vida debe crecer y desarrollarse, porque de otro modo se paralizaría su vida y paralización de la vida es muerte. Como es antinatural que un sér se resigne a su propia destrucción, el pueblo ha de emplear todos sus esfuerzos en destruir al gobierno que impide su desarollo. Si este gobierno está formado por los mismos hijos de pueblo, ha de sucumbir necesariamente. Un poderoso gobierno extranjero que se empeña imponer por la fuerza su autoridad, haciendo caso omiso de las aspiraciones del pueblo conquistado, podrá ciertamente subyugar a éste; pero no podrá evitar los levantamientos, sino después de haber aniquilado todas las energías del mismo en el transcurso de largas y sangrientas luchas. Mas, si el conquistador no busca espacio para una excesiva población, sino mercado para sus productos, la lucha y el exterminio le perjudicarían grandemente, porque habría de gastar mucho dinero y mucha sangre para aniquilar a sus consumidores. Rebolusyon at Ebolusyong Pampolitika ANG REBOLUSYONG FILIPINO 5 larawan ng kabiguan at pighati na bunga ng mararahas na paraan. Inihaharap din nito ang posibilidad na may isang uring panlipunan na maimpluwensiya at di-gaanong katiwa-tiwala ang nagsasamantala sa kamangmangan o katiwalian ng kanilang mga kababayan, at nanghihimok alang-alang sa sariling kapakanan. Sa ganitong paraan, sa halip na makabuti, nakasasamâ ang rebolusyon. Pagtitimpi (Prudencia) ang lumulutas sa salungatan at nagbibigaydireksiyon sa ebolusyon. Sa pamamagitan nito, mabagal ang pagsulong subalit banayad at walang masasaklap na pagkagambala, na nahahawig sa kusà at hindi halos namamalayang paglaki ng isang tao. Karaniwang minamarapat ng mga mamamayan ang maghintay sapagkat ito ang maginhawa para sa kanila at sapagkat ang mga balisang kaluluwa na naghahanap ng pansariling ikabubuti sa paghihimagsik ay hindi nangangahas lumantad hangga’t hindi sinusupil ang mga hangarin ng bayan. Ngunit, hindi magaganap ang ebolusyon kung hindi umaayon dito ang sitwasyon ng lipunan, tulad ng halamang hindi lumalago sa di-binabagayang lupa. Kung pagkawasak ng bayan ang isinasakatuparan ng gobyerno, alangalang sa kapakanan ng sarili o ng isang partikular na uring panlipunan, o sa anupamang dahilan, di-maiiwasan ang rebolusyon. Nararapat na umusbong at umunlad ang isang sambayanang hindi pa nakasasapit sa ganap na pamumukadkad ng buhay, sapagkat kung hindi ay mapaparalisa ito, at kamatayan ang pagkaparalisa. Kung paanong di-likas ang isuko ng isang nilikha ang sarili sa pagkalipol, kailangang gawin ng bayan ang lahat upang maibagsak ang gobyernong humahadlang sa kaniyang pag-unlad. Kung mga anak ng bayan mismo ang nagtatag sa gobyernong ito, kailangan itong mawasak. Tiyak na magtatagumpay sa panlulupig ng isang bayan ang makapangyarihang banyagang gobyerno na nagpasiyang ipataw ang kaniyang awtoridad sa pamamagitan ng dahas nang walang pagsasaalang-alang sa mga adhikain ng sinasakop na bayan. Ngunit, hindi nito mapipigilan ang mga pag-aalsa hangga’t hindi napipiga ang lahat ng lakas ng nasabing bayan sa mga matagalan at madugong labanan. Gayundin, kung hindi espasyo para sa lumalaki nitong populasyon kundi merkado para kaniyang mga produkto ang hanap ng mananakop, malaking pinsala ang maidudulot sa kaniya ng mga labanan 6 LA REVOLUCION FILIPINA Revolución y Evolución Política Añádanse a esto los hábitos de tiranía y despotismo y la corrupción política que las frecuentes guerras y la ambición de dominar tierras y gentes extrañas han de engendrar necesariamente en las clases conquistadoras, los cuales pueden aumentar el descontento del partido opuesto a las mismas y producir convulsiones disolventes en el seno de un pueblo eminentemente liberal en sus costumbres y heterogéneo en su población. He partido del supuesto más desfavorable al país conquistado, el cual por circunstancias que se escapan a la previsión humana puede muy bien salir triunfante de la lucha. La misma prudencia que aconseja a los ciudadanos la paciencia, aconseja al conquistador la reflexión. Es en verdad inútil pedirle que cuide de los intereses del país conquistado con preferencia a los del suyo propio, porque sus alardes de sentimientos humanitarios son por lo regular máscaras con que encubre sus verdaderos propósitos; pero como es insensato oponerse a las leyes naturales, será para él una medida de la más alta sabiduría política trabajar por conciliarlos en vez de hacerlos antagónicos. El Orgullo, que siempre engendra el sentimiento de la fuerza, considera muchas veces como una debilidad una concesión que la prudencia aconseja; mas, es preciso no perder de vista que el orgullo, aunque algunas veces infunde valor y perverancia para las arriesgadas empresas, es siempre mal consejero cuando se trata de saber si un fin propuesto es o no conveniente. El estudio de la revolución política de Filipinas ha de determinar si las observaciones que dejo apuntadas son o no dignas de consideración. Rebolusyon at Ebolusyong Pampolitika ANG REBOLUSYONG FILIPINO 7 at maramihang pagpatay sapagkat maraming salapi at dugo ang mawawala sa paglipol niya sa kaniyang mga mamimíli. Maidaragdag pa rito ang mga paguugaling mapaniil at malupit at ang pagiging tiwali sa politika na kakatwang ibinubunga o nalilinang sa mga uring mananakop ng madalas na digmaan at ng ambisyong makapaghari sa maraming lupain at mamamayan. Mapalalalâ ng mga pag-uugaling nabanggit ang kawalang-kasiyahan ng mga tumutuligsang pangkat na magsasagawa ng mararahas na panliligalig na mapangwasak sa pinasentro ng bayan na sadyang liberal sa mga pag-uugali at may populasyong binubuo ng iba’t ibang uri. Nagsimula ako sa pagpapalagay na di-pumapanig sa nasakop na bayan, na maaaring siyang lumitaw na matagumpay sa labanan alinsunod sa mga pangyayaring lampas sa mahuhulaan ng sangkatauhan. Ang mismong pagtitimpi na nagtutulak sa mga mamamayan upang magpasensiya o magtiis ang siya ring pagtitimpi na nagtutulak sa mga mananakop upang magmuni. Totoong walang saysay na hilingin sa kanila ang pangangalaga sa kapakanan ng bayang kanilang sinasakop nang higit sa kanilang mga sariling kapakanan sapagkat ang mga ipinaghahambog nilang damdaming makatao ay sadyang mga maskara lamang na nagkukubli ng kanilang mga tunay na layunin. Ngunit, dahil kahangalan ang kalabanin ang mga likas na batas ng kairalan, hakbang na tanda ng lalong mataas na karunungang pampolitika ang pagtagpuin sa halip na paglabanin ang mga nasabing kapakanan. Madalas na para sa kapalaluan, na nakapagbubunga sa tuwina ng pakiramdam ng katatagan, isang kahinaan ang pagiging mapag-unawa o mapagbigay na ibinubunsod ng pagtitimpi. Mahalagang huwag makaligtaan na ang kapalaluan, bagaman madalas na nakapagpapaalab ng katapangan at pagsisikhay alang-alang sa isang mapanganib na gawain, ay laging masamâng tagapayo kapag sinisikap alamin kung makabubuti ba o makasasamâ ang isang layunin. Ang pagsusuri sa rebolusyong pampolitika sa Filipinas ang makatitiyak kung karapat-dapat na isaalang-alang o hindi ang mga tinukoy kong obserbasyon. 8 CAPÍTULO II La Dominación Española en Filipinas, antes de la Apertura del Canal de Suez La revolución política de Filipinas es de origen reciente: puede decirse que su formación empezó solamente desde la apertura del Canal de Suez, inaugurada en noviembre de 1869. Los anteriores levantamientos habían sido motivados por agravios inferidos a una localidad o a determinadas personas, y no por la necesidad de reformas políticas generalmente sentida; razón por la cual no pasan de simples motines. La misma insurrección que tuvo lugar en al Arsenal de Cavite el año 1872 es de este carácter. Los Pardes Burogs, Gómez y Zamora, que hicieron aperecer como instigadores dicho movimiento y que como tales fueron ejecutados en 17 de febrero de aquel año, sólo pedían la devolución de las parroquias que los frailes habían arrebatado al clero secular de Filipinas y el reconocimiento del derecho prefente que las leyes canónicas conceden a los miembros de este clero, para administrar las parroquias del Archipiélago. Y no podía suceder de otra manera. Cuando los españoles llegaron a dominar las Islas a mediados del Siglo XVI, la sociedad filipina se hallaba aún en su estado incipiente. Donde los habitantes hablaban un mismo dialecto y observaban iguales usos y costumbres existía un jefe independiente, que gobernaba a sus subditos como 9 KABANATA 2 Ang Paghaharing Espanyol sa Filipinas Bago Mabuksan ang Kanal Suez Kamakailan lamang nagsimula ang rebolusyong pampolitika sa Filipinas. Masasabing nag-umpisa ito noon lamang mabuksan ang Kanal Suez na pinasinayaan noong 1869. Ang mga naunang pagbabangon ay ibinunga ng malulubhang pagsasamantala o paniniil sa isang tiyak na pook o tao, at hindi ng pangangailangan sa repormang pampolitika na saloobin ng lahat, kaya’t matatawag na isang payak na pag-aalsa. May ganitong katangian ang naganap na insureksiyon sa Arsenal ng Cavite noong 1872. Ang mga paring sina Burgos, Gomez, at Zamora, na siyang lumilitaw na pasimuno ng kilusan kung kaya’t nabitay noong 17 Pebrero nang taon ding iyon, ay humihiling lamang ng pagbabalik sa sekular na kaparian sa Filipinas ng mga parokyang inagaw ng mga fraileng Espanyol at ng pagkilala sa karapatang kaloob ng batas kanoniko sa kapariang nabanggit na pamahalaan ang mga parokya sa kapuluan. At hindi maaaring mangyari sa ibang paraan. Nang dumating ang mga Espanyol upang manakop sa kapuluan noong kalagitnaan ng siglo 16, nasa panimulang yugto pa lamang noon ang lipunang Filipino. Sa mga pook na may iisang wika at sinusunod na kaugalian ang mga naninirahan, may isang nakapagsasariling pinunò na namamahala sa mga nasasakupan bilang isang 10 LA REVOLUCION FILIPINA La Dominación Española en Filipinas, antes de la Apertura del Canal de Suez patriarca o jefe de tribu. En Manila, que contaba numerosa población, existían dos jefes llamados Raja, una al Norte y otro al Sur del Río Pásig. Como ninguno de estos jefes había intentado la uníon de todos bajo un solo mando, ya mediante una alianza permanente, ya por la fuerza de las armas, no existía el sentimiento de unidad o solidaridad nacional. Así los españoles pudieron ganar, mediante promesas de amistad y proticción selladas con sangre, a los jefes pacíficos y con la ayuda de éstos subyugaron por la fuerza de las armas a los más belicosos. Como depués creciera el descontento, porque la amistad y protección pactadas tornáronse pronto en gravosa dominación, los españoles buscaron pretextos para deshacerse de aquellas personas sospechosas que por su posición e influencia podían ser jefes de algún levantamiento, considerando lícitos cuantos medios podían conducirles a este fin. Prohibieron luego el uso de las armas, dejando a los filipinos dominados tan debilitados e indefensos que los moros de Mindanao saqueaban, sin resistencia muchas veces, las poblaciones de las costas de Luzón e Islas Bisayas, durante el tiempo en que los españoles no pudieron disponer de buques de vapor. El objeto visible de la conquista era la propagación del catolicismo era para arrancar a los infieles de las garras de la barbarie y del demonio y hacerlos copartícipes de los beneficios de la civilización y de la vida eterna: no podía darse un acto más desinteresado y generoso. Pero como los conquistadores tenían que arrostrar los peligros de los mares entonces desconocidos y luchar con pueblos salvajes y con climas a los que no estaban acostumbrados, el solo objeto de hacer bien a gente desconocida no era ni es aliciente capaz de impulsar a la generalidad de los hombres para las empresas de esta índole; era menester pues un móvil más positivo, otro objeto oculto pero más real, como la riqueza. El oro de América había despertado la codicia de los espíritus aventureros. Además, la conquista de nuevos territorios ha significado siempre extensión de propiedad, aumento de riqueza. Enseñando a los naturales su religión y costumbres, los conquistadores podrían dominarlos en cuerpo y alma y domarlos mejor, para sacar de ellos el mayor provecho posible. Ang Paghaharing Espanyol sa Filipinas Bago Mabuksan ang Kanal Suez ANG REBOLUSYONG FILIPINO 11 ama (patriyarka) o datu ng balangay. Sa Maynila, na maraming naninirahan, may dalawang pinunò na tinatawag na raja, isa sa hilaga at isa sa timog ng Ilog Pasig. Sapagkat wala ni isa sa mga pinunòng nabanggit ang naghangad na pagisahin ang lahat sa iisang pamamahala, sa bisà man ng isang palagiang alyansa o lakas ng sandata, walang umiiral na damdamin ng pagkakaisa o buklurang pambansa. Kayâ naman nakuha ng mga Espanyol ang loob ng dalawang mapayapang pinunòng nabanggit sa pamamagitan ng mga pangakong pakikipagkaibigan at pagsasanggalang na pinagtibay ng pagsasandugo. Sa tulong ng dalawang ito, nalupig sa labanan ng mga Espanyol ang ibang higit na mapandigma. Nang lumubha sa paglaon ang kawalang-kasiyahan dahil lumitaw na isang mapaniil na pananakop ang pangakong pagkakaibigan at pagsasanggalang, humanap ng lusót ang mga Espanyol upang mailigpit ang mga pinaghihinalaan na dahil sa taglay na posisyon o impluwensiya ay maaaring mamunò ng isang pag-aalsa; itinuring nilang makatwiran ang anumang paraang magagamit sa pagsasakatuparan ng layuning ito. Ipinagbawal paglaon ang paggamit ng mga sandata kaya’t naiwang mahina at walang kalaban-laban ang mga sakóp na Filipino sa paulit-ulit na pagsalakay ng mga Moro mulang Mindanao upang mandambong sa mga baybayin ng Luzon at Kabisayaan sa panahong wala pang bapor ang mga Espanyol. Ang lumilitaw na dahilan ng pananakop ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo upang agawin ang mga walang pananampalataya sa sakmal ng barbarismo at ng demonyo, at gawing kabahagi sila sa mga benepisyong dulot ng sibilisasyon at ng buhay na walang hanggan. Wala nang makahihigit sa pagiging bukas-palad ng gawaing ito. Subalit dahil kinailangan ng mga mananakop na humarap sa mga panganib sa mga karagatang di-kilala at makipaglaban sa mababangis na pamayanan o sa panahong hindi nila kinasanayan, ang tanging layuning makagawa ng mabuti para sa mga di-kilalang nilalang ay hindi naging sapat na pangganyak upang sumabak ang mga karaniwang tao sa ganitong gawain. Kinailangang magkaroon ng higit na positibong pang-akit, ibang dihayag na layunin ngunit higit na totoo na tulad ng kayamanan. Pinukaw ng ginto ng Amerika ang pagkagahaman ng mahihilig sa pakikipagsapalaran. Sabihin pa, nangangahulugang paglawak ng pag-aari at paglago ng kayamanan ang pananakop ng bagong lupain. Sa pagtuturo ng kanilang relihiyon at mga kaugalian, napagharian ng mga mananakop ang katawan at kaluluwa ng mga katutubo, at lalong napaamo nila ang mga ito upang makahuthot ng lahat 12 LA REVOLUCION FILIPINA La Dominación Española en Filipinas, antes de la Apertura del Canal de Suez Guerreros, sacerdotes o comerciantes, los conquistadores han ido e irán en pos de la riqueza y, aunque hagan alardes de sentimientos humanitarios, no los practicarán sino como medios para conseguir su objeto primordial. Consumada la dominación de Luzón y Bisayas, los españoles dividieron el país conquistado en distritos a que dieron el nombre de Enconmiendas. Los que se habían distinguido en la conquista tuvieron su Encomienda pudiendo transmitir a sus herederos el derecho de gobernarla. Como los encomenderos para enriquecerse más pronto, impusieron sobre sus vasallos fuertes tributos pagaderos en especie, según la industria de cada uno; y como al tributante, después de haber pagado su tributo, apenas le quedaba para sus necesidades, éste hubo de abandonar la industria que había aprendido de sus antepasados o de los chinos, japones y otras gentes que antes de la conquista sostenían relaciones comerciales con los filipinos, para vivir únicamente de los frutos naturales del suelo que abundaban aún, merced a la poca densidad de población. De aquí la tan cacareada indolencia del indio-filipino. Por otra parte, los frailes, animados del celo e intolerancia que hicieron célebre la Inquisición de aquella época, proscribieron por heréticos y supersticiosos de los usos religiosos y cantos populares, donde tal vez se conservaría la tradición acerca del origen, cultura y establecimiento de la población indígena en las Islas, imponiendo en cambio creencias y prácticas contrarias a la educación y modo de vivir de los naturales. El aprendizaje debió ser muy penoso, porque un cambio tan radical como brusco de vida no pudo haberse realizado sin grandes crueldades de parte de los conquistadores e indecibles sufrimientos y completa postración de fuerzas para los conquistados. Así se comprende que una sociedad que ye empezaba a aprendar el arte de vivir volviera a la cuna y viviera sin conciencia de sí misma por espacio de tres siglos. Si los españoles querían perpetuar su dominición, debían perpetuar la ignorancia y debilidad del indio. La ciencia y la riqueza significan fuerza; sólo el pobre e ignorante es débil. Pues era indispensable dar al indio Ang Paghaharing Espanyol sa Filipinas Bago Mabuksan ang Kanal Suez ANG REBOLUSYONG FILIPINO 13 ng posibleng pakinabang. Mandirigma, pari, o mangangalakal man, ang mga mananakop ay kayamanan ang hinahangad at hahangarin. At anuman ang ipagwagwagan nilang saloobing makatao, hindi nila ito isasakatuparan kundi bilang paraan sa pagkakamit ng kanilang sakim na layunin. Matapos sakupin ang Luzon at Kabisayaan, hinati ng mga Espanyol ang kapuluan sa mga distritong tinawag nilang enkomiyenda. Lahat ng mga nagpakitang-gilas sa pananakop ay pinagkalooban ng enkomiyenda, at maililipat nila sa kanilang mga tagapagmana ang karapatang pangasiwaan ito. Sa hangaring mabilis na yumaman, nagpataw ang mga enkomendero sa kanilang mga nasasakupan ng malalaking buwis na mababayaran sa pamamagitan ng pagkakaloob ng anumang bunga ng paggawa o kakayahan ng bawat isa. At ang nagbayad ng buwis, dahil wala nang nalabing sapat para sa kaniyang pangangailangan matapos makapagbayad, ay nagpasiyang kalimutan na lamang ang kasanayan o gawaing natutuhan niya sa kaniyang mga ninuno o sa mga Tsino, Hapones, at iba pang nakikipagkalakalan sa mga Filipino bago naganap ang pananakop upang mabuhay na lamang sa ibinubunga ng lupa, na sagana pa nang mga panahong iyon. Salamat sa di-kalakihang populasyon noon. Dito nag-ugat ang paratang na tamad ang mga Filipino. Sa kabilang dako, sa upat ng pagkamarubdob at kawalang-patawad na ikinintal ng Ingkisisyon nang mga panahong iyon, ipinagbawal ng mga fraile dahil laban sa simbahan at maituturing na pamahiin diumano ang mga gawaing ukol sa pananampalataya at ang mga awiting bayan, na marahil kinasisidlan ng mga tradisyon ukol sa pinagmulan, kabihasnan, at pagkakatatag ng sinaunang pamayanan sa Kapuluan. Nagpataw sila ng mga bagong paniniwala at gawi na labag sa pagkatuto at paraan ng pamumuhay ng mga katutubo. Naging napakahirap marahil ang pagtuturo sapagkat ang ganap at agad na pagbabago sa buhay ay hindi maisasakatuparan nang walang labis na pagmamalupit ng mananakop at di-masambit na paghihinagpis at panlulupaypay ng sákop. Sa ganitong paraan, mauunawaan kung paanong ang isang lipunang nagsisimula nang matutuhan ang sining ng pamumuhay ay nagbalik sa duyan at nabuhay nang walang pagkamalay sa sarili sa loob ng tatlong siglo. Kung ibig palawigin ng mga Espanyol ang kanilang paghahari, kailangang palawigin nila ang kamangmangan at kahinaan ng mga Filipino. Kapangyarihan ang katumbas ng karunungan at kayamanan. Tanging ang dukha at mangmang ang mahina. 14 LA REVOLUCION FILIPINA La Dominación Española en Filipinas, antes de la Apertura del Canal de Suez alguna educación religiosa, para que no volviese a sus antiguas supersticiones, esta educación debía acostumbrarle a tener sus ojos fijos en el cielo, para que descuidase los bienes de la tierra . El indio debía saber leer los devocionarios y las biografías de los santos traducidos a los dialectos del país; pero no debía saber el castellano, porque entendería las leyes y disposiciones superiores y dejaría de consultar al cura fraile. No debía leer los libros perniciosos, y así los que venían fuera de las Islas y los que se publicaban dentro de las mismas tenían que pasar bajo la rigurosa censura de la autoridad eclesiástica. Se prohibió el comercio con los pueblos cercanos que profesaban el islamismo; se prohibió también la emigración japonesa y se restringió la china. Procuraron ahogar los ecos, que por la distancia y dificultad de comunicaciones llegaban muy débiles, de las revoluciones de las Colonias Unidas de América contra Inglaterra, de Francia y de las colonias españolas de América, para que no despertasen a los filipinos en su largo sueño, ya agitado por espantosas pesadillas. En una palabra, el Gobierno español, de acuerdo con el fraile, procuró aislar a los filipinos, intelectual y físcamente del mundo exterior, para que no recibiesen otras impresiones, sino las que ambos tuviesen por conveniente comunicarles. Ang Paghaharing Espanyol sa Filipinas Bago Mabuksan ang Kanal Suez ANG REBOLUSYONG FILIPINO 15 Kayâ napakahalagang bigyan ng edukasyon ukol sa pananampalataya ang mga Filipino, upang hindi na sila magbalik sa kanilang mga sinaunang pamahiin. Sa edukasyong ito, sinanay silang magtuon ng paningin sa langit upang huwag na nilang asamin ang mabuti sa lupa. Kinailangang basahin ng mga Filipino ang mga aklat-dasalan at talambuhay ng mga banal na isinalin sa mga wika ng bayan. Ngunit, hindi nila kinailangang malaman ang wikang Kastila sapagkat matututuhan nila ang mga batas at matataas na kapasiyahan at hindi na sila sasangguni sa fraile. Hindi sila dapat magbasa ng mga mapaminsalang aklat, at ang mga galing sa labas ng kapuluan at ang mga lathala dito ay dapat sumailalim sa masusing pagsusuri ng awtoridad eklesyastika. Ipinagbawal ang pakikipagkalakalan sa mga kalapit-bayang na may pananampalatayang Islam. Ipinagbawal ang pandarayuhan ng mga Hapones at hinigpitan ang mga Tsino. Nilunod ang mga alingawngaw, na dahil sa layo at hirap ng komunikasyon ay labis na humina, tungkol sa rebolusyon ng nagkakaisang kolonya ng Amerika sa Inglatera, ng Francia, at ng mga kolonyang Espanyol sa Amerika upang hindi mabulabog sa matagal na pagkakahimbing ang mga Filipino, na binabagabag na ng mga kahindik-hindik na bangungot. Sa madaling salita, sa pakikipagtulungan sa mga fraile, naisagawa ng Gobyernong Espanyol ang pagtitiwalag sa mga Filipino, sa paraang intelektuwal at pisikal, sa mundo sa labas ng kapuluan. Sa gayon, walang masasagap na ibang pananaw ang mga ito kundi ang nagmumula sa Gobyerno at Simbahan. 16 CAPÍTULO III Causa y Efecto de la Ejecución de los Padres Burgos, Gómez y Zamora Pero semejante era sólo praticable, mientras los europeos, para llegar al Extremo Oriente, tenían que pasar por el Cabo de Buena Esperanza o el Estrecho de Magallanes; mientras el vapor y la electricidad no hubiesen acortado las distancias. Abierto el Canal de Suez, Filipinas quedó tambíen abierta al comercio del mundo civilizado. España como nación civilizad y libre, se avergonzaba de imitar a China, cerrando las Islas a los extranjeros; además, no tenía bastantes fuerzas para, en caso necesario, oblijar a las grandes potencias a que respetasen un acuerdo de esta índole. Merced a la facilidad de comunicaciones los ecos de la vida europea llegaban ya claramente a los oídos de los filipinos que, sorprendidos por la novedad, empezaban a reflexionar. Hízose más completo su despertar cuando el clero secular filipino dirigido por el Padre Burgos entabló las reclamciones ante las de España y Roma, para recobrar las parroquias que el Gobierno español le había quitado y cedido a los frailes y conseguir además que éstos, ocupádose solamente en la administrción de las misionares, entregasen las parroquias al clero secular de España y Filipinas, conforme lo establecido por las leyes canónicas . Como las frailes habían de 17 KABANATA 3 Sanhi at Bunga ng Pagbitay sa mga Paring sina Burgos, Gomez, at Zamora Nangyari lamang ang pagkakatiwalag na iyon noong kailangan pang dumaan ng mga taga-Europa sa Kabo ng Buena Esperanza o sa Estretso ni Magallanes sa pagpunta sa Malayong Silangan at noong hindi pa pinaiikli ng bapor at elektrisidad ang mga distansiya. Sa pagbubukas ng Kanal Suez, nabuksan din ang Filipinas sa pakikipagkalakalan sa sibilisadong mundo. Bilang sibilisado at malayang bansa, nahiyang tumulad ang Espanya sa Tsina kayâ hindi nito naisara ang bansa sa mga banyaga. Gayundin, kung sakasakali, wala itong sapat na kakayahan upang maobliga ang malalakas na bansa na igalang ang gayong unawaan. Salamat sa naging madaling paraan ng komunikasyon at nakaabot nang malinaw ang mga alingawngaw ng buhay Europa sa pandinig ng mga Filipino na sa pagkamangha sa mga kabaguhan ay nagsimulang mag-isip-isip. Naging ganap ang kanilang pagkapukaw nang maghain ng reklamo ang mga sekular na paring Filipino, sa pamumuno n Padre Burgos, sa hukuman ng Espanya at Roma upang mabawi ang mga parokyang inagaw ng Gobyernong Espanyol sa kanila at ipinaubaya sa mga fraile. Hiniling din nila na dapat ibalik ng mga fraile—na pagtupad lamang ng kanilang mga misyon ang dapat atupagin—ang mga parokya sa kapariang sekular ng Espanya at Filipinas alinsunod sa itinatakda ng mga batas kanoniko. Napipintong matalo sa kaso, sapagkat makatarungan at naaayon 18 LA REVOLUCION FILIPINA Causa y Efecto de la Ejecución de los Padres Burgos, Gómez y Zamora perder el pleito , porque la petcíon era justa y legal, dijeron que los reclamantes eran unos agitadores que tenían por objeto apoderarse de las parroquias para organizar una insurección contra el Gobierno español en Filipinos. Las corporaciones religiosas pretendían ser el único sostén de la dominación española y demonstrar que, si los frailes fuesen quitados de las parroquias, el edifico de la misma se derrumbaría. Citaban la revolución de Méjico iniciada por párracos del clero secular. Estando el pleito en semejante estado, la guamicion del Arsenal de Cavite se insurreccionó. Los promovedores del pleito-decían sus enemigodisgustados porque sus pretensiones no eran debidamente atendidas, eran sin duda alguna los promovedores de la insurrección, y como tales fueron condenados a muerte. Se intruyó el proceso con mucho misterió y sigilo,se ejecutó rápidamente la sentencia y se prohibió después hablar del asunto; por estas razónes ningún filipino creyó y cree ahora en la culpabilidad de los padres ajusticiados. Aunque Burgos y sus compañeros Gómez y Zamora habían trabajado por los derechos de una clase y no del pueblo en general sin embargo pedían justicia y murieron por haberla pedido. Es verdad que ya en el cadalso, Burgos no podía aún comprender por qué había él de morir siendo inocente, lo cual prueba que no había pensado antes la posibilidad de tener que sacrificar su vida por la causa que defendía. Pero eran sacerdotes de Cristo y murieron como el Cristo, calumniados por los escribasfrailes, porque habían pretendido quirarles la administración de las parroquias, el asiento de su poder e influencia sobre las masas y la fuente principal de su riqueza. Así los filipinos conservan de ellos un recuerdo grato e imprecedero; así el pueblo les venera como mártines por la justicia. El Gobierno español no conocía ni había deseado conocer a los frailes de Filipinas ni a los filipinos. Los primeros, ocupando las parroquias, estaban en continuo contacto con los últimos y denunciaban como enemigos de España a sus enemigos personales, entregándolos a la guardia civil par ser torturados y a las autoridades Sanhi at Bunga ng Pagbitay sa mga Paring sina Burgos, Gomez, at Zamora ANG REBOLUSYONG FILIPINO 19 sa batas ang reklamo, naging kontra-tugon ng mga fraile ang paratang na ang mga nagrereklamo ay mga tagapagpasimula ng gulo na naglalayong gamitin ang mga parokya sa pag-oorganisa ng mga pag-aalsa laban sa Gobyernong Espanyol sa Filipinas. Iginigiit ng mga korporasyon ng mga relihiyoso na sila ang bukod-tanging suporta sa paghahari ng Espanya sa Filipinas at pinatunayan nila na babagsak ito kapag nawala sa mga kamay nila ang mga parokya. Binanggit nila bilang halimbawa ang rebolusyon sa Mexico na pinasimulan ng mga paring sekular. Habang nasa gayong kalagayan ang kaso, nag-alsa ang garison ng Arsenal sa Cavite. Ayon sa kanilang mga kalaban, walang pagsalang ang mga nagpasimuno ng usapin, dahil di-nasisiyahan sa di-pag-uukol ng pansin sa mga inihihinaing, ang siya ring mga tagapagpasimuno ng pag-aalsa. Sa gayon, agad silang nahatulang mamatay. Balót ng misteryo at paglilihim ang proseso, agad na naisagawa ang hatol, at pagkatapos, ipinagbawal pagusapan ang mga pangyayari. Dahil dito, walang Filipinong naniwala at naniniwala hanggang ngayon na nagkasala ang mga paring binitay. Bagaman si Burgos at ang kaniyang mga kasamang sina Gomez at Zamora ay naglingkod para sa karapatan ng isang uri at hindi ng lahat, ano’t anuman, humingi sila ng katarungan at namatay sila sa paghingi nito. Noong nasa bibitayán na siya, hindi pa rin maunawaan ni Burgos kung bakit siya papatayin gayong wala siyang kasalanan. Patunay na hindi niya naunang mapag-isipan ang posibilidad na kakailanganin niyang isakripisyo ang kaniyang buhay alangalang sa kaniyang ipinaglalaban. Subalit mga pari sila ni Kristo at namatay silang tulad ni Kristo, siniraang-puri sila ng mga fraileng eskriba sapagkat tinangka nilang agawin sa mga ito ang pangangasiwa ng mga parokya—ang luklukan ng kapangyarihan at impluwensiya sa madla at pangunahing bukal ng kayamanan. Kayâ nga hindi sila malilimutan at laging pinasasalamatan ng mga Filipino. Kayâ nga dinarakila sila ng bayan bilang mga martir para sa katarungan. Hindi kilala at ni hindi hinangad kilalanin ng Gobyernong Espanyol ang mga fraile sa Filipinas at ang mga Filipino. Ang mga fraile, nakaluklok sa mga parokya, patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga Filipino, at, nagsusuplong sa kanilang mga personal na kaaway bilang mga kaaway ng Espanya, ipinadarakip nila sa mga guardia civil ang mga Filipino upang mabugbog-sarado at sa mga 20 LA REVOLUCION FILIPINA Causa y Efecto de la Ejecución de los Padres Burgos, Gómez y Zamora gubernativas para su deportación. Todas las autoridades que se negaban a ejecutar sus deseos quedaban cesantes, yel Ministro más liberal de España, estando en el poder, hacía cuanto deseaban los fraile. Éstos se propusieren castigar ejemplarmente a Burgos y compañeros para que los filipinos tuviesen desde entonces miedo de contrariarles. Pero aquella injusticia patente , aquel crimen oficial no causó miedo, sino odio a los frailes y al gobierno que los sostenía y profunda consimeración y dolor por las víctimas. Este dolor operó un milgro; hizo que los filipinos se diesen por primera vez cuenta de su situación. Sintiendo dolor, sintieron que vivían; así se preguntaron cómo vivían. El despertar era doloroso y trabajar para vivir era más doloroso todavía; pero era preciso vivir. ¿Cómo? Lo ignoraban, el deseo de saber, al afán de estudiar se apoderó de la juventud filipina. El velo de la ignoracia, cuidadosamente tejido por siglos, se rompió al fin; el fiat lux no tardaría; la aurora del nuevo día se acercaba. Sanhi at Bunga ng Pagbitay sa mga Paring sina Burgos, Gomez, at Zamora ANG REBOLUSYONG FILIPINO 21 awtoridad ng gobyerno upang maipatapon. Natatanggal sa puwesto ang mga awtoridad na tumatangging gawin ang kanilang mga kagustuhan, at ang Ministrong lalong liberal sa Espanya, sapagkat nasa poder, ay tumutupad sa anumang maibigan ng mga fraile. Sila ang nagsulong ng pagkastigo kina Burgos at mga kasama upang matakot ang mga Filipino na kalabanin sila. Subalit ang ganitong hayag na kawalang-katarungan ay hindi nagpunla ng takot kundi pagkamuhi sa mga fraile at sa gobyernong sumuporta sa kanila, at ng taos na pakikiramay at pagdaramdam para sa mga biktima. Isang milagro ang pagdaramdam na ito; pinag-isip ang mga Filipino, sa unang pagkakataon, hinggil sa kanilang kalagayan. Nagdaramdam, naramdaman nilang nabubuhay sila. Kayâ nag-uusisa sila kung paano sila nabubuhay. Masakit ang paggising, at lalong masakit ang magsikap mabuhay; ngunit, kailangan upang mabuhay. Paano? Hindi nila alam. At ang hangaring matuto, ang mithing mag-aral ay nagbibigay-kapangyarihan sa kabataang Filipino. Napunit na sa wakas ang lambong ng kamangmangan na buong ingat na hinabi sa mga siglo. Hindi na magtatagal ang fiat lux. Malapit nang magliwayway ang bagong araw. 22 CAPÍTULO IV La Administracion Española de Filipinas Antes de la Revolución Anteriormente existían en Manila colegios de latinidad donde se daba la enseñanza del latín con un poco de castellano, únicos requisitos indispensables para el estudio de la filosofía, teología y derecho en la Universidad de Santo Tomás a cargo de los padres dominicos. Los sacerdotes y abogados filipinos contemporáneos de Burgos, hecha excepción de los hijos de españoles, sabían perfectamente el latín y apenas el castellano, porque el sistema de educación era enteramente reliogoso. De los pocos filipinos que podían contar con recursos pecuniarios bastantes para estudiar en Manila, la mayor parte seguían la carrera sacerdotal, porque los abogados eran mal mirados por los frailes al paso que los sacerdotes eran tenidos en alta estima por los naturales. Más tarde, a fin de evitar que los jóvenes filipinos fuesen a España o al extranjenro por conocimientos que no se enseñaban en Manila y adquiriesen allí ideas liberales y anti-religiosas, los frailes cambiaron el plan de estudios y establecieron colegios de medicina y farmacia, considerando que de este modo podrían al menos escoger los libros de texto y a los profesores que más les conviniesen. De entre dos males inevitables es preferible el menor. Sin embargo, era tal el deseo de saber e 23 KABANATA 4 Ang Pamunuang Espanyol sa Filipinas Bago ang Rebolusyon Dati-rati, may mga kolehiyo sa Maynila na nagtuturo ng Latin at kaunting Kastila, ang mga tanging di-mawawalang kahingian sa pagaaral ng pilosopiya, teolohiya, at batas sa Unibersidad ng Santo Tomas sa pamamatnugot ng mga paring Dominiko. Ang mga pari at abogadong kapanahon ni Burgos, maliban sa mga anak ng Espanyol, ay mahusay sa Latin ngunit di-gaano sa Kastila sapagkat relihiyoso ang buong sistema ng edukasyon. Sa maliit na bilang ng mga Filipino na may sapat na mapagkukunan upang makapag-aral sa Maynila, ang marami sa kanila ay nagpapari dahil masamâ sa paningin ng mga fraile ang mga abogado at may mataas na pagtingin sa mga pari ang mga katutubo. Paglaon, upang maiwasang magtungo ang mga kabataang Filipino sa Espanya o sa ibayong dagat para sa mga kaalamang di-itinuturo sa Maynila o para matutuhan doon ang mga kaisipang liberal at laban sa relihiyon, binago ng mga fraile ang balangkas ng mga pag-aaral at nagtatag sila ng mga kolehiyo ng medisina at parmasiya. Ipinalalagay nila na sa ganitong paraan, kahit paano, mapipili nila ang mga sangguniang aklat at ang mga propesor na makakasundo nila. Sa pagitan ng dalawang masamâng di-maiiwasan, pinipili ang di-malalâ. Gayunman, sa hangad na matuto at maliwanagan, marami sa mga anak ng 24 LA REVOLUCION FILIPINA La Administración Española de Filipinas antes de la Revolución ilustrarse que muchos hijos de familias acomodadas prefirieron estudiar en España y viajaron por Europa; pero de entre los que se fueron con el objeto expreso de trabajar por el mejoramiento de la condición política de los filipinos, merecen especial mencion Don José Rizal, estudiante de medicina, y Don Marcelo H. Del Pilar, abogado de Bulakán perseguido por el cura de su pueblo. Filipinas a la sazón estaba en una situación deplorable, desde el punto de vista politico. Como simple posesión española disfrutaba de las garantías constitucionales, y así el Rey, por conducto del Ministro de Ultramar su secretario responsable, reunía en sus manos el poder legislativo y ejecutivo. En cuanto nombraba y trasladaba a su discreción a los magistrados y jueces, era tambíen jefe absoluto del ramo judicial. Le representaba en el Archipiélago el Gobernador General de Filipinas, que era siempre un militar con la categoría de teniente o capitán general de ejército y que usaba de sus facultades discrecionales o dictatoriales, para suspender la ejecución de las disposiciones emanadas del Ministerio de Ultramar, cuando a su parecer eran perjudiciales a la tranquilidad de las Islas; para deportar y cambiar de residencia a cualquier vecino sin necesidad de oír los descargos de éste; para prohibir la publicación y entrada en el Archipiélago de libros, folletos y artículos no aprobados por censura; para registrar el domicilio y correspondencia sin formalidades judiciales; para prohibir las asociaciones y reuniones particulares para fines políticos, así como el ejercicio de toda religión que no fuese la católica: en una palabra, para prohibir el ejercicio de todos los derechos que por naturaleza y con anterioridad a toda ley humana posee cualquier ciudadano. El país estaba pues en continuo estado de guerra, aunque una paz de tres siglos reinaba en todas partes. El Gobernador General era además Capitán General o Comandante en Jefe del Ejército de Filipinas. Como Vice-Real Patrono nombraba a los párrocos y otros empleados eclesiásticos. Le ayudaban en sus múltiples funciones, aunque con mayor independencia y Ang Pamunuang Espanyol sa Filipinas Bago ang Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 25 mga nakaririwasa ang nagpapasiyang mag-aral sa Espanya at maglakbay sa Europa. Ngunit, sa maraming umalis na may layuning makapag-ambag sa pagpapabuti ng kalagayang pampolitika ng mga Filipino, karapat-dapat na pag-ukulan ng natatanging pagbanggit sina G. Jose Rizal, mag-aaral ng medisina, at si G. Marcelo H. del Pilar, abogado ng Bulakan na inuusig ng kura ng kaniyang bayan. Nang mga panahong iyon, nasa kalagayang kalunos-lunos ang Filipinas sa punto de bistang pampolitika. Bilang hamak na pag-aari ng Espanya, wala itong tinatamasang mga konstitusyonal na karapatan, at nasa kamay ng Hari, sa pamamagitan ng Ministrong Pang-ibayong Dagat, kalihim na tagapamahala niya, ang kapangyarihang lehislatibo at ehekutibo. Dahil nasa kaniya ang pagpapasiya sa pagtatalaga at paglilipat ng mga mahistrado at hukom, siya rin ang may lubos na kapangyarihang pinunò ng hudikatura. Kinakatawan siya sa kapuluan ng Gobernador Heneral ng Filipinas, na laging isang militar na may ranggong tenyente o kapitan heneral ng sandatahang lakas. Ginagamit niya ang kaniyang kapangyarihang diskresyonal o diktatoryal upang hadlangan ang pagpapatupad ng mga kautusang nagmumula sa Ministeryong Pang-ibayong Dagat kung sa tingin niya ay makasasamâ ang mga ito sa kapanatagan ng Kapuluan. Nagagamit din niya ang kaniyang kapangyarihan sa mga sumusunod: pagpapatapon o pagpapalit ng tirahan ng sinuman nang di-kailangang dinggin ang depensa nito; pagbabawal ng paglalathala at pagpapasok sa Kapuluan ng mga aklat, polyeto, at artikulong di-aprobado ng sensura; paghahalughog ng mga tahanan at mga liham nang walang legal na pormalidad; pagbabawal ng mga samahan o pagtitipong may layuning pampolitika; pati na ang pagbabawal sa pagtupad ng tungkulin sa lahat ng relihiyon maliban sa Katoliko. Sa madaling salita, maipagbabawal niya ang pagtupad ng lahat ng karapatang ayon sa likas na kairalan, na taglay na ng lahat ng sinumang mamamayan bago pa nalikha ang anumang batas ng tao. Ang bayan, kung gayon, ay palaging nasa estado ng pakikidigma bagaman sa loob ng tatlong siglo, namamayani ang kapayapaan sa lahat ng dako. Ang Gobernador Heneral ay Kapitan Heneral din o Pinunòng Komandante ng sandatahan ng Filipinas. Bilang Bise-Royal Patron, siya ang nagtatalaga ng mga kura paroko at ng iba pang empleadong pansimbahan. Sa pagtupad ng maraming tungkulin, katuwang niya, bagaman may higit na 26 LA REVOLUCION FILIPINA La Administración Española de Filipinas antes de la Revolución facultades más amplias que las de un simple secretario: el Intendente General de Hacienda, en los negocios correspondientes a este ramo; el Director General de Administación Civil en los ramos de Policía, Obras Públicas, Comunicaciones, Agricultura, Industria, Comercio, Minas, Montes, Intrucción Pública, etc. y el General Segundo Cabo en lo militar. El mismo Gobernador despachaba los negocios que no eran de la incumbencia de los centros mencionados, auxiliados por el Secretario del Gobierno General. Para aconserjarle en asuntos de mucha gravedad e importancia se había creado el Consejo de Admistración y podía convocar la Junta de Autoridades donde formaban parte, además de los jefes superiores ya expresados, el Comandante General del Apostadero y Escuadra, el Arzobispo de Manila, y el Presidente de la Audiencia de Manila. Todos los departamentos y gobiernos provinciales estaban servidos por españoles peninsulares, por un personal que no conocía el país y era relevado a cada cambio de Ministerio. Eran muy condatos los filipinos que obtenían plazas de oficiales en el Ejército y en la Administración Civil, o de jueces y promotores fiscales. En el Consejo de Administración algunos filipinos más bien notables por su riqueza que por su saber figuraban últimamente como vocales; pero semejantes cargos eran gratuitos, y además el cuerpo era puramente consultivo. Cada empleado procurba aprovechar el poco tiempo que solía durar en su cargo, para que la cesantía no le cogiese desprevenido. En cada centro o dependencia los empleados se protegían mutuamente, porque si alguno quedaba procesado se deshonrarían la clase y la raza. El filipino que denunciaba los abusos de los empleados españoles y de los frailes era perseguido como filibustero. El Archipiélago no estaba representado en las Cortes españolas. El municipio no existía sino en la ciudad de Manila únicamente. El gobernadorcillo del pueblo era un mero agente para la recaudación de las contribuciones y para el cumplimiento de las órdenes de las autoridades provinciales. Podía mandar arreglar los caminos, empleando el servicio Ang mga Repormang Hinihingi ng La Solidaridad ANG REBOLUSYONG FILIPINO 27 laya at gampaning higit na masaklaw sa taglay ng isang simpleng sekretaryo, ang Intendente Heneral ng Rentas Internas para sa mga transaksiyong may kaugnayan sa sangay na ito; ang Direktor Heneral ng Pangasiwaang Sibil para sa mga sangay ng Patakaran, Gawaing Pangmadla, Komunikasyon, Agrikultura, Industriya, Komersiyo, Pagmimina, Kabundukan, Edukasyong Pampubliko, atbp.; at ang Heneral Segundo Kabo para sa mga gawaing pangmilitar. Ang Gobernador Heneral mismo ang nagsasaayos ng mga transaksiyong di-saklaw ng mga nabanggit na sangay sa tulong ng Sekretaryo ng Gobyerno Heneral. Upang pagpayuhan siya sa mga usaping may kabigatan at napakahalaga, nalikha ang Konsehong Pampangasiwaan at puwede niyang ipatawag ang Lupon ng mga Awtoridad na ang bumubuo, bukod sa mga pinunòng nabanggit na, ay ang Komandante Heneral ng Apostadero at Eskuwadra, ang Arsobispo ng Maynila, at ang Pinunò ng Hukuman ng Maynila. Ang lahat ng nasa mga departamento at gobyernong panlalawigan ay mga Espanyol na peninsulares na walang nalalaman tungkol sa bayan at napapalitan sa tuwing may pagbabago sa Ministeryo. Madalang ang mga Filipino na nabibigyan ng opisyal na tungkulin sa Sandatahan at Pangasiwaang Sibil, o bilang huwes o piskal. Sa Pangasiwaang Sibil, may ilang Filipino, na higit na kilala sa kanilang kayamanan kaysa karunungan, ang naging miyembro rin nito sa wakas. Ngunit, hindi binabayaran ang kanilang paglilingkod at ang konseho ay sadyang para sa mga pagsangguni lamang. Sinasamantala ng mga empleado ang maikling panahong inilalagi nila sa tungkulin upang hindi nila ikabigla ang pagkasesante. Nagtatakipan ang mga empleado sa isa’t isa sapagkat sinuman ang maisakdal ay magdudulot ng kahihiyan sa kanilang uri at lahi. Inuusig bilang filibustero ang Filipino na magsuplong sa katiwalian ng mga empleadong Espanyol at ng mga fraile. Walang kinatawan ang Kapuluan sa Kortes ng Espanya. Sa Lungsod Maynila lamang may munisipyo. Ang gobernadorsilyo ng bayan ay hamak na tagakolekta ng mga kontribusyon at tagapagpatupad ng mga kautusan ng mga awtoridad na panlalawigan. Maaari siyang mangasiwa sa pagpapagawa ng mga kalsada gamit ang personal na 28 LA REVOLUCION FILIPINA La Administración Española de Filipinas antes de la Revolución personal de los polistas; pero no tenía fondos ni facultades para ejecutar las demás obras de común utilidad o necesidad. El gobernadrcillo no era el jefe, sino el sirviente del cura y del jefe del puesto de la guardia civil de su pueblo. Ang mga Repormang Hinihingi ng La Solidaridad ANG REBOLUSYONG FILIPINO 29 paglilingkod ng mga polista. Ngunit wala siyang pondo ni kapangyarihan para ipatupad ang iba pang karaniwang proyektong kapai-pakinabang o isang pangangailangan. Hindi pinunò ang gobernadorsilyo kundi tapat na lingkod ng kura at pinunò ng mga guwardiya sibil ng bayan. 30 CAPÍTULO V Reformas Pedidas por “La Solidaridad” Ante semejante estado de cosas, cuantos filipinos se interesaban por el porvenir de su país no podían permanecer indiferentes. Preveían que el contacto más fácil y rápido con las naciones civilizadas no tardaría en despertar en los pechos filipinos el amor innato a las libertades que aquéllas disfrutaban, y que si estas aspiraciones no se calmaban mediante convenientes y opurtunas reformas habían de arrastrar sin falta alguna al pueblo a la insurrección, como lo habían demostrado Europa y América. No llegaba a España el eco de los abusos que se cometían en Filipinas ni el de las quejas de los filipinos, porque éstos no tenían representantes en el Parlamento y porque tanto los frailes como los empleados en el Gobierno Insular tenían interés en ocultar unos y otros y hacer creer al pueblo español que los indios estaban tan contentos del régimen existente, que se rebelarían en cuanto éste se cambiase. Por otra parte toda manisfestación política era reprimida y severamente castigada en las Islas; de aquí que tanto los hombres de estado como las otras clases del pueblo español no tuviesen idea real y verdadera de las necesidades y deseos de los filipinos. Un periódico que se publicase en la Península como órgano de dichas aspiraciones podría de algún modo subsanar la falta; 31 KABANATA 5 Ang mga Repormang Hinihingi ng La Solidaridad Sa harap ng ganitong mga pangyayari, maraming Filipino na may malasakit sa kinabukasan ng kanilang bayan ang hindi maaaring manatiling nagsasawalang-kibo. Nakikini-kinita nila na dahil sa higit na madali at mabilis na pakikipag-ugnayan sa mga sibilisadong bansa, hindi magtatagal at mapupukaw sa dibdib ng mga Filipino ang likas na pagmamahal sa mga kalayaang tinatamasa ng nasabing mga bansa. At kung ang mga adhikaing ito ay hindi makakamit sa pamamagitan ng mga angkop at napapanahong reporma, walang pagsalang mapipilitang maghimagsik ang bayan tulad ng napatunayan sa Europa at Amerika. Hindi nakaaabot sa Espanya ang alingawngaw ng mga pang-aabusong nagaganap sa Filipinas ni ang mga hinaing ng mga Filipino sapagkat wala silang kinatawan sa Parlamento. Gayundin, nagtatakipan sa isa’t isa ang mga fraile at ang mga empleado ng Gobyerno Insular; pinapaniniwala nila ang mga Espanyol na nasisiyahan ang mga Filipino sa kasalukuyang pamunuan, na para bang maghihimagsik pa ang mga ito kapag pinalitan ang gobyerno. Sa kabilang dako, sinusupil at malubhang pinarurusahan ang lahat ng pahayag na pampolitika sa Kapuluan. Kayâ nga wala talagang nalalaman ang mga politiko at ang iba pang uri ng mga mamamayang Espanyol tungkol sa tunay na pangangailangan at hangarin ng mga Filipino. Isang pahayagan na inilalathala sa Peninsula bilang tanghalan ng nasabing mga hangarin 32 LA REVOLUCION FILIPINA Reformas Pedidas por La Solidaridad así algunos vecinos de Manila se encargaron de buscar suscriciones y contribuciones para los gastos necesarios, y se publicó el quincenario La Solidaridad, bajo la dirección de D. Graciano López Jaena primero y de D. Marcelo H. Del Pilar poco después. El periódico, después de haber relatado más detalladamente la condición política y los sufrimientos de los filipinos, hacía constar, entre otras cosas, que éstos, lejos de vivir contentos de su suerte, ansiaban y esperaban del Gobierno español los cambios y reformas que los permitiesen ir disfrutando gradualmente de los beneficios de la civilización; que los pocos filipinos que residían entonces en España se veían obligados a interpretar públicamente los deseos de todos sus compatriotas, porque semejante manifestación era castigada en las Islas con torturas, cambios de residencia y deportaciones; que tales deseos, como inspirados por las necesidades que había creado el curso natural de las cosas, en vez de disminuirse por la represíon, se aumentarían haciéndose irresistibles, así como el aire cuanto más comprimido tanto mayor fuerza elástica adquirere; que el Gobierno español no debía permitir que los deseos comprimidos estallasen en forma de insurección, porque debía evitar que los filipinos buscasen en la separación el remedio para sus males; y que el amor y la gratitud de los filipinos a España eran los únicos sostenes capaces de conservar con el tiempo la dominación española en Filipinas, por ser los únicos que no le faltarían en los momentos de sus grandes apuros y aflicciones. Pasando luego a las reformas o mejoras que podían calmar la ansiedad popular, pedía entre otras cosas que el Gobierno de las Islas dejase de ser militar, para convertirse en civil; que las facultades del Gobernador General fuesen limitadas y determinadas por la ley; que las libertades individuales amparadas por la Constitución española se hiciesen extensivas a los filipinos; que las Islas estuviesen debidamente representadas en las Cortes; la expulsíon de los frailes o cuando menos la secularización de las parroquias; la provisión por oposición de los empleos públicos del Gobierno Insular, excepto los cargos de Gobernador General y jefes de los centros o departamentos que debían ser siempre ocupados por españoles, debiendo celebrarse Ang mga Repormang Hinihingi ng La Solidaridad ANG REBOLUSYONG FILIPINO 33 ang makapagpupunô sa pagkukulang. May ilang residente ng Maynila ang nagsusumakit na maghanap ng suskrisyon at kontribusyon para sa gastusin sa paglalathala kada ikalawang linggo ng La Solidaridad sa pamamatnugot ni G. Graciano Lopez Jaena sa simula, at pagkaraan, ni G. Marcelo H. del Pilar. Ang pahayagan,matapos ilahad nang napakadetalyado ang kalagayang pampolitika at ang pagdurusa ng mga Filipino, bukod sa iba pang mga bagay, ay naglilinaw na: malayò sa pagiging kontento sa kanilang kapalaran, pinananabikan at inaasahan ng mga Filipino mula sa Gobyernong Espanyol ang mga pagbabago at repormang makapagpapahintulot na dahan-dahang tamasahin nila ang mga benepisyo ng sibilisasyon; inaakòng tungkulin ng ilang Filipino na naninirahan noon sa Espanya ang magpaliwanag sa publiko ng mga adhkain ng kanilang mga kababayan sapagkat ang gayong pagpapahayag ay pinarurusahan sa Filipinas sa pamamagitan ng pisikal na pagpapahirap, pagpapalayas sa tahanan at pagpapatapon; ang mga adhikaing ito, sapagkat hango sa mga pangangailangang umaalinsunod sa likas na kairalan ng mga bagay, sa halip na mapanghina ng panunupil, ay lalong nagpupumiglas na tulad ng hanging lalong umiigkas habang sinisiksik; hindi dapat hayaan ng Gobyernong Espanyol na ang pagkasupil ng mga adhikain ay mauwi sa paghihimagsik, sa pagkalas ng mga Filipino upang malipol ang mga kasamaan; at ang pagmamahal at pasasalamat ng mga Filipino sa mga Espanyol ang kaisa-isang makasusuhay sa matagalang pananatili ng paghahari ng Espanya sa Filipinas, ang bukod-tanging hindi bibigo sa Espanya sa mga sandali ng matitinding paghihirap at pighati. Hinggil sa mga reporma o pagpapabuting makapagpapahinahon sa bayang nababalisa, bukod sa iba pang mga bagay, hinihingi ng La Solidaridad na: maging sibil ang kasalukuyang militar na Gobyerno sa Kapuluan; malimitahan at umalinsunod sa batas ang mga kapangyarihan ng Gobernador Heneral; maigawad sa mga Filipino ang mga kalayaang pang-indibidwal na itinatadhana at pinangangalagaan ng Konstitusyong Espanyol; magkaroon ng kinatawan ang Kapuluan sa Kortes ng Espanya; mapatalsik ang mga fraile o, kahit paano, magawang maging sekular ang mga parokya; maitadhana na daanin sa pagpasá sa pagsusulit ang pagtatalaga ng mga empleado sa iba’t ibang posisyon sa Gobyerno, maliban sa puwesto ng Gobernador Heneral at ng mga pinunò ng mga sentro o departamentong dapat okupahin ng mga Espanyol, at dapat maganap ang 34 LA REVOLUCION FILIPINA Reformas Pedidas por La Solidaridad las oposiciones en España por la mitad de las plazas vacantes y en Filipinas por la otra mitad; la inamovilidad de los cargos así provistos; la reforma o supresión de la Guradia Civil, etc. Naturalmente los frailes publicaron otro periódico, para oponerse a semejantes pretensiones; pero su caballo de batalla era la incapacidad de los indios, debida a su ignorancia e innata indolencia. Alegaban que las reformas pedidas, incompatibles con su estado salvaje, echarían a perder al indio, acostumbrado a trabajar a la vista del látigo, pues constuirían por decirlo así un alimento demasiado fuerte para su inculto estómago; que de concederse su petición, los filipinos pedirían más, volviéndose más exigentes e importunos y no dándose por satisfechos nunca; que en realidad la masa del país estaba contenta de su suerte y no hacía caso de La Solidaridad dirigina por unos cuantos filibusteros. Se les replicó que el indio era ignorante porque la educación que recibía era muy deficiente, debido principalmente a que los frailes que eran los inspectores de las escuelas públicas de instrucción primaria y de los colegios particulares de segunda enseñanza, no querían que el indio se instruyese; que no obstante las estasdísticas oficiales demostraban que en Filipinas la proporción de las personas que sabían leer y escribir con la masa total de la población, era igual, sino mayor, que en la Península; que la indolencia del natural era debida en su mayor parte a la falta de vías fáciles y baratas para el transporte y salida de sus productos; que se pedían reformas, precisamente para que el indio pudiese salir del estado de salvajismo en que se le retenía y para que el Gobierno, conociendo mejor sus necesidades, pudiese remediarlas en debida forma; que el número de representantes podría fijarse en proporción al de los filipinos que sabían leer y escribir; y por último que para la aclaración y desvacimiento de toda clase de dudas convendría que por vía de ensayo se implantasen algunas reformas y se permitiese a los filipinos la libre y pacífica manifestación de sus sentimientos. Como estas razones eran irrefutables, el órgano de los frailes tuvo la imprudencia de decir más de una vez, recalando las palabras, que las Ang mga Repormang Hinihingi ng La Solidaridad ANG REBOLUSYONG FILIPINO 35 pagsusulit sa Espanya para sa kalahati ng mga bakanteng posisyon at sa Filipinas ang para sa ikalawang hati; maitakdang maging permanente ang mga posisyong ito; mareporma o mapatalsik ang mga Guardia Civil, atbp. Tulad ng dapat asahan, naglabas ng ibang peryodiko ang mga fraile upang tuligsain ang mga nabanggit na pahayag, at ang kanilang pangunahing iginiit ay ang kawalan ng kakayahan ng mga Filipino bunga ng kanilang kamangmangan at likas na katamaran. Ikinakatwiran nila na hindi angkop ang mga hinihinging reporma sa kanilang primitibo o ilahas na kalagayan; mamimihasa lamang ang mga Filipino na sanáy na magtrabaho kapag nakakatanaw ng latigo. Masasabi raw na tulad ito sa pagbibigay ng masasarap at masusustansiyang pagkain sa mahina o di-bihasang tiyan. Kapag pinagbigyan, diumano, ang mga kahilingan, hihiling pa nang hihiling ang mga Filipino, magiging lalong mapaggiit at makulit sa panghihingi at hindi kailanman masisiyahan. Samantalang sa katotohanan, nasisiyahan naman daw talaga ang taong bayan sa kanilang kapalaran at hindi pinapansin ang La Solidaridad na pinatatakbo ng mga filibustero. Ang mga naging tugon ng La Solidaridad: mangmang ang mga Filipino sapagkat kulang ang edukasyong ibinibigay sa kanila, at ayaw silang paturuan ng mga mismong mga fraile na gumaganap bilang mga inspektor ng mga pampublikong paaralan sa antas primarya at ng mga kolehiyo sa ikalawang antas ng pag-aaral; gayunman, kung titingnan ang mga opisyal na estadistika, makikita na ang proporsiyon ng nakababasa at nakasusulat sa buong populasyon ay kapantay, kung hindi man nakatataas, ng sa Peninsula; ang sinasabing katamaran ng mga katutubo ay dahil sa kawalan ng mahuhusay na daan at pasilidad para sa pagluluwas ng kanilang mga produkto; sanhi nga nito kayâ nanghihingi ng reporma, kailangang mahango sa mababang kinalalagyan ang Filipino, at makapagbibigay ng angkop na lunas ang Gobyerno kung nalalaman nito ang kanilang mga pangangailangan; ang bilang ng mga kinatawan ay maibabatay sa proporsiyon ng mga nakababasa at nakasusulat; at panghuli, upang makapaglinaw at upang mawala ang lahat ng pag-aalinlangan, subuking magpatupad ng ilang reporma at pahintulutan ang mga Filipino na malaya at mapayapang makapaghayag ng kanilang mga saloobin. Dahil hindi matututulan ang mga katwirang ito, tila nawalan ng ingat ang pahayagan ng mga fraile sa pagsasabi nang ilang ulit at ipinagdidiinan 36 LA REVOLUCION FILIPINA Reformas Pedidas por La Solidaridad libertades de la Península habían costado sangre y ni tinta. Claro está que semejante provocación era una niñería, pero por eso mismo era muy imprudente. A todo esto el Gobierno español callaba; pero sus hechos demonstraban de un modo que no dejaba lugar a duda que estaba al lado de los frailes, abandonando al pueblo que sobrellevaba todas las cargas del Estado. Alguna que otra vez un prohombre liberal, cansado de esperar el turno de su partido en el poder, lanzaba al viento algunas promesas vagas que procuraba olvidar, en cuanto cogía en sus manos la Cartera que deseaba. Ang mga Repormang Hinihingi ng La Solidaridad ANG REBOLUSYONG FILIPINO 37 na sa dugo, hindi sa tinta nakuha ng Peninsula ang kaniyang mga kalayaan. Pangitang-pangita na para lamang itong isang hámon ng bata, kayâ nga naging parang hangal. Sa harap ng lahat ng ito, nanatiling tahimik ang Gobyernong Espanyol. Ngunit ang mga hakbang nito ang nagpapatunay, at di mapag-aalinlanganan, na nasa panig ito ng mga fraile, iniiwan ang bayang pasan-pasan ang mga dalahin ng Estado. Pana-panahon may liberal na sa pagkabagot sa paghihintay na maluklok sa kapangyarihan ang kaniyang partido, naghahagis sa hangin ng malalabong pangako na sadyang nilikha upang makalimutan sa sandaling mapasakamay na niya ang puwestong inaasam. 38 CAPÍTULO VI Las Novelas de Rizal Los artículos publicados en un quincenario no eran por lo visto bastantes para llamar la atención del Gobierno español. Viendo que Marcelo del Pilar dirigía el periodico con rara habilidad, secundado por suficiente número de redactores competentes, Rizal se separó de la redacción, para dar a sus trabajos una forma más conveniente y eficaz. Era menester que el cuadro de las miserias filipinas tuviese una expresión más patética, para que los abusos y las miserias que éstos causaban apareciesen a la luz pública con los más vivos colores de la realidad. Sólo la novela podía reunir estas ventajas y Rizal púsose a escribir novelas. El prefacio del “Noli me Tangere” declara el propósito del autor, que no era otro sino exponer a la pública consideración, como los antiguos hacían con sus enfermos, los padecimientos del pueblo filipino a fin de que las almas caritativas y generosas aconsejasen y aplicasen el remedio conveniente. El protagonista de la novela era único hijo de una familia acomodada, en cuyas venas corría la sangre española mezclada con la filipina. Ibarra—que así se llama—ingresó muy joven, para educarse, en el Ateneo Municipal de Manila a cargo de los padres jesuitas; después su padre le envió a Europa para que 39 KABANATA 6 Ang mga Nobela ni Rizal Hindi sapat, sa wari, ang mga artikulong nalalathala sa pahayagang lumalabas tuwing ikalawang linggo upang makatawag ng pansin sa Pamahalaang Espanyol. At dahil batid ni Rizal na may pambihirang kakayahan naman sa pangangasiwa ng nasabing pahayagan si Marcelo del Pilar, at may sapat din itong bilang ng mahuhusay na patnugot, minarapat niyang tumiwalag sa kalupunan ng patnugot upang mapag-ukulan niya ng angkop at mabisang anyo ang kaniyang mga obra. Isang pangangailangang maitanghal ang larawan ng karalitaan ng Filipinas sa lalong kalunos-lunos na paraan upang ang mga pagsasamantala at pighating dulot nito ay matambad sa madla nang may higit na matitingkad na kulay ng katotohanan. Tanging sa anyo ng nobela ito maisasakatuparan, at pinangatawanang magsulat ng nobela ni Rizal. Nakasaad sa panimula ng Noli Me Tangere ang layunin ng may-akda, na walang iba kundi ang mailantad sa pagsasaalang-alang ng madla, tulad ng ginagawa ng mga sinaunang tao sa kanilang mga may-karamdaman, ang mga paghihirap ng sambayanang Filipino upang sa wakas ay makapagpáyo at makapagpatupad ng nararapat na lunas ang mga kaluluwang mahabagin at bukas-palad. Kaisa-isang anak ng isang mayamang pamilya ang pangunahing tauhan ng nobela, nananalaytay sa mga ugat nito ang magkahalòng dugo ng Espanyol at Filipino. Si Ibarra, kung tagurian siya, ay maagang ipinasok sa Ateneo Municipal de Manila upang maturuan ng mga 40 LA REVOLUCION FILIPINA Las Novelas de Rizal perfeccionase sus estudios. Habiendo cultivado poco el trato de sus compatriotas, no era extraño que a su vuelta a las Islas Ibarra conociese poco el país; de aquí que, cuando se le presentó Elías en nombre de los perseguidos y agraviados, rogándole que trabajase por las mejoras que podían aliviar su suerte, contestara que estaba convencido de que el régimen existente en las Islas no debía cambiarse aún, pues era el más apropiado al estado de cultura en que estaban entonces los filipinos. Que Ibarra amaba verdaderamente a su país no se podía dudar; y sin embargo creía de buena fe en lo que había dicho, porque era feliz, porque amaba con todo su corazón a una amiga de su infancia, hija del cura fraile de su pueblo, y su amor era tiernamente correspondido. En un arranque poético de esos que suelen tener los enamorados, prometió a su amada, la imagen personificada de su patria, ejecutar por su cuenta algunas obras que hacían mucha falta en el pueblo, como la construcción de un buen edificio para escuela pública. El cura por otra parte no podía ni debía permitir la unión de su hija con Ibarra, porque los filipinos y sus familias eran objeto de mil vejaciones; así debía ella casarse con un español, para que pudiese vivir tranquila en compañía de sus hijos. Además Ibarra era filibustero, porque no le besaba a mano y porque, aunque le trataba con cortesía, su actitud estaba muy lejos de parecerse a la sumisión servil que exigían de los indios. Su enojo no tuvo límites, cuando el gobernadorcillo le dió conocimiento del pensamiento de Ibarra de construir un edificio para escuela, y fulminó terribles amenazas de venganza contra los que le ayudasen en esta obra; razón por la cual tuvo el joven que acudir al Gobernador de la provincia, al Director General de Administración Civil y al Gobernador General de las Islas. Estas autoridades le prestaron su apoyo; mas, al colocarse la primera piedra para la inauguración de las obras, Elías hubo de salvarle milagrosamente casi de una muerte segura. La situación del joven se hizo más crítica, cuando otro fraile se enamoró perdidamente de su novia. Que el enemigo de un fraile lo era de la corporación de éste, y que el enemigo de dos frailes lo Ang mga Nobela ni Rizal ANG REBOLUSYONG FILIPINO 41 Heswita; pagkaraan, ipinadala siya ng kaniyang ama sa Europa upang malubos ang kaniyang pag-aaral. Sapagkat lumakíng malayò sa piling ng mga kababayan, hindi kataka-takang kakaunti ang nalalaman niya tungkol sa kaniyang bayan nang magbalik siya rito; kung kaya’t nang humarap sa kaniya si Elias, sa ngalan ng mga pinag-uusig at inaapi, upang hikayatin siyang tumulong sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan, iginiit niya na naniniwala siyang hindi kailangang palitan ang kasalukuyang pamunuan sa kapuluan at angkop lamang ito sa sitwasyong pangkultura ng mga Filipino sa panahong iyon. Hindi mapag-aalinlanganan na totoong mahal niya ang kaniyang bayan; at ano’t anuman, nananalig siyang tapat sa kaniyang mga sinabi sapagkat maligaya siya, sapagkat nagmamahal siya nang buong puso sa isang kababata—ang anak ng fraile ng kaniyang bayan— at masuyòng natutumbasan ang kaniyang pagmamahal. Sa isang matulaing pagbubulalas na karaniwan sa mga nagmamahal, ipinangako niya sa kaniyang sinta, ang nagsakatawang-táong larawan ng kaniyang lupang tinubuan, na magsasakatuparan siya ng mga gawaing lubhang kailangan sa kaniyang bayan tulad ng pagpapatayô ng magandang gusali para sa pampublikong paaralan. Sa kabilang dako, hindi magagawa ni mamarapating pahintulutan ng kura ang pakikipag-isang-dibdib ng kaniyang anak kay Ibarra sapagkat tampulan ng mga paghamak ang mga Filipino at ang kanilang pamilya; kaya’t minamarapat niyang mapakasal ang kaniyang anak sa isang Espanyol upang mapayapang makapamuhay ito sa piling ng mga magiging supling. Sabihin pa, isang filibustero si Ibarra sapagkat hindi ito nagmamano sa kaniya at, bagaman nagpapakita ng paggalang sa kaniya, malayòng-malayò ang asal nito sa patirapâng pagpapaalipin na ipinag-uutos sa mga katutubo. Nag-umapaw ang pagkamuhi niya nang ipabatid ng gobernadorsilyo sa kaniya ang hangarin ni Ibarra na makapagpatayô ng gusali para sa paaralan, at pasigaw na nagbanta siya na sasamain nang katakottakot ang sinumang tutulong sa gawain ng binata; dahil dito, kinailangang lumapit ni Ibarra sa Gobernador ng lalawigan, sa Direktor Heneral ng Pamahalaang Sibil, at sa Gobernador Heneral ng Kapuluan. Nangako ng suporta ang mga may-kapangyarihang ito; ngunit, sa paghuhugos ng unang bato sa pagpapasinaya sa proyekto, mahimalang nailigtas siya ni Elias sa isang tiyak na kamatayan. Lalong lumalâ ang sitwasyon ni Ibarra nang mahumaling na umibig ang isang fraile sa kaniyang kasintahan. Nang panahong iyon, ni hindi sumasagi sa isip ng mga Filipino na ang sinumang kaaway ng isang fraile ay kaaway rin ng 42 LA REVOLUCION FILIPINA Las Novelas de Rizal era de todas las corporaciones religiosas juntas, ningún filipino lo ponía en duda en aquellos tiempos. Así, cuando menos se pensaba, estalló un motín cuyo objeto era asesinar al cura, que por supuesto no fué encontrado en su convento; mas la Guardia Civil en cambio pudo sorprender y capturar a varios amotinados. De éstos el que no designaba a Ibarra como jefe e instigador del motín moría entre torturas: algunos más fuertes dejáronse matar para no mentir; pero muchos hubieron de ceder a la fuerza de los tormentos, y a la vista de la muerte. Ibarra, avisado a tiempo por Elías, pudo escaparse de la tortura, corriendo a Manila y presentándose a los autoridades superiores que lo hicieron encerrar en la Fuerza de Santiago. Elías le salvó de nuevo y, ya fuera del castillo, dijo a Ibarra que había ocultado el dinero y alhajas de éste en un sitio que designó, añadiendo que con estos recursos podría él vivir en el extranjero y trabajar desde allí por la salvación de sus compatriotas. Ibarra, por su riqueza y mayor ilustración, era más útil que Elías; razón por la cual éste, para librar a aquél de los perseguidores que ya iban a alcanzar a los dos, procuró despistarlos dejándose perseguir y matar. El libro contiene otras varias escenas de la vida real filipina, que la ficción ha agrupado astísticamente bajo la unidad de tiempo y lugar, para que resaltaran más a la vista del lector. El segundo tomo de la obra, titulado “El Filibusterismo,” continúa la ficción, haciendo creer al lector que Ibarra pudo escaparse para el extranjero, donde se hizo rico por el comercio. Trasladóse después a Cuba, como un comerciante en alhajas, y se hizo amigo del Gobernador General de la Isla por medio de ricos presentes. Como el cargo de Gobernador General de Filipinas era más lucrativo, prestó dinero a su amigo, para que éste pudiese obtener del Ministro su traslado al Archipiélago. Así, bajo otro nombre y bajo la seguridad que le prestaba su posición de amigo íntimo y confidente del nuevo Gobernador General, con los ojos siempre cubiertos por enormes gafas para no ser reconocido, Ibarra pudo volver a Filipinas y consagrarse en cuerpo y alma a su campaña filibustera. Ang mga Nobela ni Rizal ANG REBOLUSYONG FILIPINO 43 buong korporasyong relihiyoso na kinabibilangan nito, at kaaway ng lahat ng pinagsama-samang korporasyong relihiyoso ang sinumang kaaway ng dalawang fraile. Kayâ nga, sa di-inaasahang sandali, sumiklab ang isang pag-aalsa na naglalayong paslangin ang kura, na anupa’t wala naman sa kaniyang kumbento; sa halip, nabigla at nadakip ng mga guardia civil ang ilan sa mga nagsipag-alsa. Sa mga nadakip na ito, ang hindi magturò kay Ibarra bilang pinunò ng pag-aalsa ay namatay sa labis na pahirap; may ilang lalong matatag na piniling mamatay kaysa magsinungaling; subalit marami ang napasukò sa tindi ng mga pahirap at sa pagkatanaw sa kamatayan. Si Ibarra, na maagap na nabalaan ni Elias, ay nakatakas sa pagpapahirap, nakatakbo sa Maynila, at nakapagharap ng sarili sa mga may-kapangyarihan na nag-utos na ibilanggo siya sa Fuerza de Santiago. Muli siyang itinakas ni Elias at nang makalabas na sila sa moog, sinabi nito sa kaniya na nakatago sa isang tiyak na pook ang kaniyang mga salapi at alahas, at winika pa nito na sa pamamagitan ng mga kayamanang ito, makapamumuhay si Ibarra sa ibayong dagat at makakikilos siya roon upang mailigtas ang kaniyang mga kababayan. Sa kaniyang kayamanan at mataas na karunungan, higit na kapakipakinabang si Ibarra kaysa kay Elias; sa ganitong katwiran, upang mailigtas si Ibarra sa mga tumutugis na malápit nang makaábot sa kanilang dalawa, sinikap ni Elias na iligaw ang mga ito kaya’t siya ang nagpahabol at namatay. Nagtataglay ang aklat ng iba’t iba pang tagpong hango sa tunay na búhay Filipino, na masíning na napagsama-sama ng katha sa ilalim ng isang pagbubuklod ng panahon at pook upang lalong tumingkad sa paningin ng mambabasa. Ang ikalawang aklat na pinamagatang El Filibusterismo ay pagpapatuloy ng katha, pinapaniniwala ang mambabasa na nakatakas si Ibarra, nakapangibang-bansa at yumaman doon sa pangangalakal. Pagkaraan, nagtungo siya sa Cuba bilang isang mag-aalahás at nakipagkaibigan sa Gobernador Heneral ng isla sa pamamagitan ng mga mamáhaling handog. Sapagkat lalong kapaki-pakinabang ang pagiging Gobernador Heneral sa Filipinas, pinahiram niya ng salapi ang kaibigan upang mahiling nito sa Ministro ang paglipat sa Kapuluan. Kayâ naman, sa bisà ng ginamit niyang ibang pangalan at sa proteksiyong dulot ng kaniyang pagiging matalik na kaibigan at katiwala ng bagong Gobernador Heneral, bukod pa sa kinailangan niyang laging magsuot ng malaking salamin sa mata upang hindi siya mamukhaan, nakabalik si Ibarra sa Filipinas at naiukol ang kaniyang sarili—katawan at kaluluwa—sa mga hakbanging filibustero. 44 LA REVOLUCION FILIPINA Las Novelas de Rizal Consistía ésta en ensalzar la ceguera y atizar las malas pasiones de las autoridades, para que, extremando los abusos y las vejaciones sobre los naturales, empujasen a éstos de exasperación en exasperación al levantamiento. Los lamentos de los oprimidos llegaban hasta el cielo y si no enternecían a los opresores, era porque éstos tenían los corazones más duros que la piedra. Pero el pueblo no se insurreccionaba a pesar de todo, y la paciencia de Ibarra no igualaba a la de aquél; su corazón ardía en deseos de venganza por su porvenir destruído y su felicidad perdida. No pudiendo esperar más, preparó un gran banquete al que habían de asistir las autoridades superiores y las familias principales de Manila, y debajo de la casa preparó también una bomba de dinamita que había de estallar, antes de que la fiesta tocase a su término. Después, aprovechando la confusion que había de causar tal accidente Ibarra al frente de una cuadrilla de bandidos que tenía a su disposición penetraría en Intramuros, sacaría a su prometida del monasterio de Santa Clara y se escaparía con ella. Un filipino a quien había aquél comunicado en confianza sus planes horrorizado del atentado los frustró, lo que dió lugar al descubrimiento del complot. Ibarra fué perseguido, y herido mortalmente se refugió en la casa del Padre Florentino que le hizo ver su error muriendo poco después lleno de dolor y arrepentimiento, por no haber empleado su tiempo en obras útiles benéficas. El P. Florentino, a quien Ibarra había dejado su caja repleta de piedras preciosas, arrojó al mar aquella riqueza, causa y origen de indecibles sufrimientos, para que cesase de causar males, invocando a los jóvenes virtuosos dispuestos a ofrecer en sacrificio su sangre pura e inmaculada, para obtener del cielo la salud de la Patria. El precedente extracto de sus obras demuestra que Rizal se propuso consignar especialmente dos advertencias que sirvieren de aviso anticipado no sólo a los españoles, sino tambíen a los filipios. Por la primera predijo a los españoles que si el Gobierno español por complacer a los frailes se mantenia sordo a los clamores del pueblo filipino, éste, desesperado habría de recurrir a los medios violentos, a buscar en la separación el alivio de sus pesares; y por Ang mga Nobela ni Rizal ANG REBOLUSYONG FILIPINO 45 Kabilang sa mga hakbanging ito ang pagpaparangal sa pagbubulagbulagan at ang panunulsol sa masasamâng hilig o silakbo ng damdamin ng mga nasa kapangyarihan upang lumubha pa, sa gayon, ang mga pagsasamantala at pag-alipusta sa mga katutubo at nang tuluyan ding magalit ang mga ito at magsipag-alsa. Abot hanggang langit ang hinaing ng mga inaapi, at hindi man lamang natitigatig ang mga nang-aapi sapagkat matigas pa kaysa bato ang pusò ng mga ito. Ngunit, sa kabila ng lahat, hindi pa rin nagsisipagbangon ang mga taong bayan, at hindi mahabang tulad ng sa kanila ang pasensiya ni Ibarra na may marubdob na hangaring maipaghiganti ang nawasak niyang kinabukasan at ang nawala niyang kaligayahan. Hindi na makapaghihintay, nagpahanda siya ng isang malaking piging na hindi maaaring hindi daluhan ng matataas na awtoridad at ng mga pamilya ng mga prinsipalya; at sa ilalim ng bahay na pagdarausan ay nagpahanda rin siya ng bomba-dinamitang tiyak na sasabog bago magwakas ang pagdiriwang. Pagkatapos, sasamantalahin ang kaguluhang ibinunga ng sakuna, pamumunuan ni Ibarra ang isang pangkat ng mga tulisan na pawang mga tagapaglingkod niya, papasok siya sa Intramuros, ipupuslit sa monasteryo ng Santa Clara ang kaniyang kasintahan, at magkasáma silang tatakas. Nasindak at nagtangkang humadlang ang isang Filipino na buong pagtitiwala niyang pinagtapatan ng kaniyang mga plano, at nabisto ang pakanâ dahil dito. Tinugis si Ibarra, at may malubhang sugat siyang nagkanlong sa bahay ni Padre Florentino na nagpamukha sa kaniya ng mga pagkakamali niya bago siya namatay na tigib ng dalamhati at pagsisisi sapagkat hindi niya nagawang maiukol ang kaniyang panahon sa mga gawaing kapaki-pakinabang at mapagkawanggawa. Inihagis ni P. Florentino sa dagat ang baul na punô ng mga mamáhaling hiyas na iniwan sa kaniya ni Ibarra, ang kayamanang sanhi at pinagmulan ng mga kagila-gilalas na pagdurusa, upang huwag na itong makapagdulot ng kasamaan; at tila nagdarasal na nanawagan siya sa magagaling at mararangal na kabataan na nakalaang mag-alay ng kanilang busilak na dugo, bilang pagpapakasakit, alang-alang sa pagkakamit ng ganap na kaginhawahan ng Lupang Tinubuan. Makikita sa mga nabanggit na bahaging hango sa kaniyang mga akda na sadyang hinangad ni Rizal ang makapagbigay ng dalawang paunawa na magsisilbing maagang babalâ hindi lamang para sa mga Espanyol kundi para rin sa mga Filipino. Ang una, para sa mga Espanyol, ipinalalagay niya na kung sa hangaring mabigyang-kasiyahan lamang ang mga fraile ay mananatiling 46 LA REVOLUCION FILIPINA Las Novelas de Rizal la segunda previno a los filipinos que, si habían de trabajar por su país movidos por odios o ambiciones personales, en vez de aliviarle le harían padecer más. Quiso decir que el único trabajo que aprovecharía a los filipinos era el dictado por el verdadero patriotismo, el cual no sólo impone el sacrificio al común bienestar de las venganzas y ambiciones personales, sino exige, cuando fuere necesario, el desinterés y abnegación de Elías. ¿Supieron los españoles aprovecharse de su lección? ¿Y supieron los filipinos aprovecharse de la suya? Si el lector tiene la pacienca de seguirme en esta ligera investigación que procuraré sea imparcial, para que sea más instructiva espero que al fin de ella podrá constestar por sí mismo las preguntas. Conténtese con saber por ahora que muy pocos españoles leyeron las novelas de Rizal, porque las había escrito un filibustero; y que muy pocos filipinos las leyeron, porque estaban prohibidas su publicación y lectura en las Islas. En el pecado tendréis la penitencia, dice el proverbio. nagbibingi-bingihan ang Pamahalaang Espanyol sa karaingan ng mga mamamayang Filipino, sa kawalan ng pag-asa, mapipilitan ang mga ito na gumamit ng mararahas na paraan at hanapin sa paghiwalay o pagsasarili ang ikagagaan ng kanilang mga pasanin; at ang ikalawa, pinaalalahanan niya ang mga Filipino na kung upat ng pagkamuhi o mga pansariling ambisyon ang paglilingkod nila para sa bayan, sa halip na guminhawa, lalo pa itong magdurusa. Ibig niyang sabihin na ang tanging pagsisikap na magiging kapaki-pakinabang para sa mga Filipino ay ang ibinubunsod ng tunay na pag-ibig sa lupang tinubuan, yaóng hindi lamang nagtatakda na isakripisyo ang mga paghihiganti at hangaring pansarili alang-alang sa ikabubuti ng nakararami kundi nag-aatas din, kung kinakailangan, ng pagiging di-mapag-imbot at mapagkait sa sarili na tulad ng kay Elias. Pinakinabangan kayâ ng mga Espanyol ang aral para sa kanila? At pinakinabangan kayâ ng mga Filipino ang para sa kanila? Kung may tiyaga ang mambabasá sa pagtunghay sa maikling pagsisiyasat na ito, na sisikapin kong maging walang-pinapanigan upang lalong makapaglinaw, inaasahan kong mismong siya sa wakas ang makasasagot sa mga tanong na ito. Sapat nang malaman niya sa ngayon na lubhang kakaunti ang mga Espanyol na nagbabasa ng mga nobela ni Rizal sapagkat sinulat ang mga ito ng isang filibustero; at lubhang kakaunti rin ang mga Filipinong nagbabasá ng mga ito sapagkat ipinagbawal na mailathala at mabása sa Kapuluan. Ayon nga sa kasabihan, walang utang na hindi pinagbabayaran (walang kasalanang hindi pinagsisisihan). 48 CAPÍTULO VII La Liga Filipina y el Katipunan Es innegable que en Filipinas el deseo de mejoría era grande y general; de otra manera no podrían explicarse la desconfianza y el odio que los filipinos, desde el más ignorante hasta el más culto, empezaron a sentir por los frailes, en cuanto se apercibieron de que éstos se oponían tenazmente a toda reforma. Hubo un tiempo en que los frailes solían defender a los naturales contra la rapacidad de los encomenderos, porque en aquellos tiempos, estando ellos muy pobres y los sentimientos católicos nada arraigados, tenían mucha necesidad de la confianza y amor de sus feligreses. Explotando la confianza y candidez de éstos, se hicieron luego ricos e insolentes. ¿Por qué se olvidaban de aquella voz dulce y melosa que tan maravillosos efectos había causado? Porque el que obra de mala fe se corrompe a sí mismo y toda alma corrompida no escucha la voz de la razón, sino la de las pasiones. Hablando de las aspiraciones políticas de los filipinos, el amor y respeto que todos profesaban a Rizal, Marcelo del Pilar y cuantos patriotas trabajaban con éstos en la grande obra de la regeneración patria las demostraban de manera patente y clara. Que La Solidaridad 49 KABANATA 7 Ang Liga Filipina at ang Katipunan Sa Filipinas, hindi maipagkakailang matindi at malaganap ang mithiing makamit ang kaginhawahan; kung hindi gayon, hindi maipaliliwanag ang pagkawala ng tiwala at ang pagkamuhi na nagsimulang madamá ng mga Filipino, mula sa pinakamangmang hanggang sa pinakamarunong, nang mámaláyan nilang mahigpit na tinututulan ng mga fraile ang lahat ng reporma. May panahong ang mga fraile ang naging tagapagtanggol ng mga katutubo laban sa kasakiman ng mga engkomendero, palibhasa’y dukhang-dukha pa sila noon at hindi pa lubos na tumitiim ang pananaw Katoliko kayâ lubhang kailangan nila ang pagtitiwala at pagkagiliw ng kanilang mga mananámpalatayá. Sa pagsasamantala sa tiwala at kabutihang-loob ng mga ito, hindi naglaon, naging mayaman at palalò sila. Bakit kayâ nawaglit ang matamis at mapanuyòng tinig na may bisàng mapaghimalâ? Sapagkat mismong ang sarili ang binubulok ng gawâng bunga ng panlilinlang at ang kabuuan ng bulók na kaluluwa ay hindi katwiran kundi damdamin ang pinakikinggan. Hayágan at malinaw na nagbabadya ng mga hangaring pampolitika ng mga Filipino ang pagmamahal at paggalang na iniuukol ng madla kina Rizal, Marcelo del Pilar, at sa marami pang makabayang kasáma nila sa pagtataguyod ng dakilang pagsisikap na muling maibangon ang lupang tinubuan. Matapat na 50 LA REVOLUCION FILIPINA La Liga Filipina y el Katipunan había fielmente interpretado dichas aspiraciones, lo demostraba también el hecho de que los que sufragaban sus gastos eran filipinos que residían en las Islas y lo hacían con riesgo de sus personas e intereses. Desde la publicación del periódico algunos vecinos de Manila, que se llamaban a sí mismos propagandistas, distribuían los números que se introducían ocultamente en la plaza y recaudaban las suscripciones y contribuciones que daban los patriotas de Manila y provincias limítrofes. En las ocasiones en que iban a la capital, las personas acomodadas e ilustradas de las provincias lejanas solían dar su óbolo; y si los ricos de Manila contribuían muy poco, era porque desconfiaban de las personas que manejaban los fondos y temían por sus intereses. Al ver que todos los trabajos ejecutados sin orden ni concierto daban poco resultado, Rizal concibió la formación de una sociedad titulada “Liga Filipina” que se inauguró pocos días antes de su deportación a Dapitan, Isla de Mindanao. Los estatutos de esta sociedad se limitaban a crear por sufragio de los miembros de la misma, consejos populares en los pueblos, un consejo provincial en cada provincia y un consejo supremo para todo el Archipiélago; pero no determinaban los fines de la asociación. Ignoro si estos fines se determinaron en la primera reunión presidida por el mismo Rizal en persona, porque no estuve presente y porque nunca tuve relaciones amistosas con el ilustre doctor. Sólo puedo decir que la sociedad se disolvió pocos días después de su inauguración con motivo de la deportación de su fundador; y que más tarde, cuando se reconstituyó merced a la iniciativa de D. Domingo Franco, Andrés Bonifacio y otros, me dieron el cargo de Secretario del Consejo Supremo. Entonces determinamos los fines de la sociedad en un corto programa concebido en estos o parecidos términos: sostener “La Solidaridad” y apoyar las reformas pedidas por la misma; allegar recursos para los gastos no sólo del periódico sino también de los meetings que en España sostuviesen dichas reformas en público y de los diputados que las defendiesen en el Congreso; en una palabra, resolvimos agotar toados los medios pacificos y legales, convirtiendo la sociedad en un partido político. Ang Liga Filipina at ang Katipunan ANG REBOLUSYONG FILIPINO 51 naipahahayag ng La Solidaridad ang nasabing mga hangarin, at pinatutunayan din ito ng pangyayaring ang tumutustos sa mga gastúsin nito ay mga Filipinong naninirahan sa kapuluan at nagsusuong ng kanilang mga sarili at kapakanan sa kapahamakan. Simula nang malathala ang peryodikong ito, ilang tagaMaynila na nagbansag sa kanilang mga sarili bilang mga propagandista ang palihim na nagpapamahagi ng mga sipi nito sa mga liwasan at nangangalap ng mga suskripsiyon at mga kontribusyong kaloob ng mga makabayang búhat sa Maynila at mga kalapít na lalawigan. Sa mga pagkakataóng nakaluluwas sa Maynila, nakamihasnan na ng mga may káya at may pinag-aralan mula sa malalayòng probinsiya ang pag-aabuloy; at kung babahagyang mag-ambag ang mayayamang taga-Maynila, sanhi ito ng kawalang-tiwala nila sa mga nangangasiwa ng pondo at sa tákot alang-alang sa kanilang mga kapakanan. Nang makita ni Rizal na kakaunti ang ibinunga ng lahat ng naisagawang hakbang nang walang kaayusan at di-nagtutugma-tugma, naisip niyang magtatag ng isang samahán na may pangalang “Liga Filipina” na nailunsad ilang araw bago siya ipinatapon sa Dapitan, Pulô ng Mindanaw. Naitakda ang mga patakaran ng samaháng ito, sa pagboto ng mismong mga kasapi, sa pagbuo ng mga konsehong bayan, konsehong panlalawigan, at kataastaasang konseho para sa buong kapuluan; ngunit hindi natukoy ang mga layunin ng samahán. Aywan ko lamang kung nailatag ang mga layuning ito sa unang pagtitipon-tipon na pinanguluhan mismo ni Rizal sapagkat wala ako roon at sapagkat hindi ako nagkaroon kailanman ng matalik na ugnayan sa bantog na manggagamot. Ang tanging masasabi ko ay nalansag ang samahán ilang araw matapos mapasinayaan dahil ipinatapon ang tagapagtatag nito; at pagkaraan, nang muling itatag ito sa pangunguna nina D. Domingo Franco, Andres Bonifacio, at iba pa, itinalaga sa akin ang tungkuling Kalihim ng Kataas-taasang Konseho. Noon namin tinukoy ang mga layunin ng samahán sa isang maikling simulaing malalagom sa ganito o sa hawig ditong pananalita: panatilihin ang La Solidaridad at itaguyod ang mga repormang hinihingi nito; mangalap ng panustos hindi lamang para sa mga gastúsin ng peryodiko kundi maging para sa mga pampublikong pagtitipon sa Espanya hinggil sa mga reporma at maging para sa mga kinatawan na magtatanggol sa mga repormang ito sa Kongreso; sa madaling salita, napagkasunduan naming gamitin ang lahat ng pamamaraang mapayapa at naaayon sa batas, kaya’t ang samahán ay naging isang partidong pampolitika. 52 LA REVOLUCION FILIPINA La Liga Filipina y el Katipunan Esta vez la sociedad no fué más afortunada, pues hubo de disolverse después de algunos meses de vida. No obstante, prometía al principio; en el Consejo Supremo la mayor parte de los miembros eran personas conocidas por su ilustración, patriotismo y posición social; gracias a los esfuerzos de Andrés Bonifacio y otros, pronto quedaron organizados los consejos populares de Tondo y Trozo; se estaban organizando las de Santa Cruz, Ermita, Malate, Sampaloc, Pandacan, etc. Se impuso después a cada miembro una pequeña cuota mensual aplicándose el producto de la contribución a los gastos del periódico que eran los más urgentes. Los socios pagaron al principio; pero dejaron de pagar poco después, alegando que no estaban conformes con dicho fin, pues estaban convencidos de que el Gobierno español no hacía caso del periódico, ni lo haría de cualquier otro medio legal. De las averiguaciones hechas resultó que los comisionados por el establecimiento de los consejos populares no habían exigido como requisito previo para el ingreso en la sociedad la conformidad con el programa; al contrario, Andrés Bonifacio, que por su incansable actividad había ganado más adeptos para la sociedad, estaba firmemente convencido de la inutilidad de los medios pacíficos. El Consejo Supremo, que era más bien un comité organizador pues sus miembros no habían sido elegidos por sufragio, veía claramente que en cuanto los socios eligiesen al que los había de dirigir según los estatutos, se cambiaría el programa; los miembros de dicho consejo conocieron por primera vez que en cuanto a las aspiraciones políticas, la masa popular, que los españoles creían insensible o cuando más indiferente, ocupaba la delantera. Viendo que los trabajos de conciliación y arreglo no daban resultado, el consejo declaró disuelta la sociedad, para evitar que la disidencia de sus miembros fuese el conducto por el cual tuviesen las autoridades conocimiento de la misma. Los que estaban por el sostenimiento del periódico formaron un cuerpo llamado de Compromisarios, porque cada uno de ellos se comprometió a pagar una cuota mensual de cinco pesos para los gastos del mismo. Andrés Bonifacio, por otra parte, reconstituyó la sociedad bajo el nombre de “Katipunan ñg mañga Anak ñg Bayan” (Sociedad de los Hijos del Pueblo), ya con fines separatistas. Hindi rin naging mapalad ang samahán sa pagkakataong ito sapagkat agad ding nabuwag matapos ang ilang buwang pag-iral. Gayunman, may ipinangangako ang pagsisimula nito; ang karamihan sa mga kasapi ng Kataas-taasang Konseho nito ay mga taóng kilalá sa kanilang mga napag-aralan, pagkamakabayan, at kalagayang panlipunan; salamat sa mga pagsisikap ni Andres Bonifacio at ng iba pa, agad naitatag ang mga konsehong bayan sa Tondo at Trozo; at kasunod nang binuo ang sa Santa Cruz, Ermita, Malate, Sampaloc, Pandacan, atbp. Siningil pagkaraan ang bawat kasapi ng maliit na buwanang halaga bilang ambag na panustos sa gastúsin ng peryodiko, na siyang higit na pangunahin. Nagbayad sa simula ang mga kasapi; ngunit paglaon, huminto sila na ang iginigiit ay hindi ito naaayon sa layunin ng samahán; naniniwala sila na hindi pinapansin ng Gobyerno ang peryodiko at hindi rin nito papansinin ang kahit ano pang legal na pamamaraan. Batay sa mga pagsisiyasat, lumitaw na hindi ginawang kahingian ng mga naatasang magtatag ng mga konsehong bayan ang pagsang-ayon sa ganitong simulain sa pagtanggap ng kasapi sa samahán; salungat dito, si Andres Bonifacio, na walang kapaguran sa kaniyang mga pagsisikap na makahikayat ng higit na maraming tagapagtaguyod ng samahán, ay may matibay na pananalig na walang pakinabang ang mga mapayapang pamamaraan. Ang Kataastaasang Konseho, na higit na isang konsehong tagapagtatag sapagkat hindi inihalal ang mga kasapi nito, ang malinaw na nakahinuha na babaguhin ang simulain sa sandaling maihalal ng mga kasapi ang mga mamumunò ayon sa kanilang mga patakaran; sa unang pagkakataon, napagtanto ng konseho na sa mga adhikaing pampolitika, nangunguna ang táong bayan na inaakalang manhid o walang pakialam ng mga Espanyol. Nang makitang walang ibinubunga ang mga pagsisikap sa panunuyò at pakikipagkasundô, inihayag ng konseho ang pagkalansag ng samahán upang maiwasan na ang mga di-pagkakaunawaan ng mga kasapi ang siya pang maging dahilan ng pagkakabunyag nito sa mga may kapangyarihan. Ang mga nagnanais na ipagpatuloy ang pagtataguyod sa peryodiko ay nagtatag ng pangkat na tinawag na Compromisarios sapagkat ang bawat isa sa kanila ay may sinumpaang tungkulin (kompromiso) na buwanang magbabayad ng limang piso para sa mga gastusin nito. Sa kabilang dako, muling itinatag ni Andres Bonifacio ang samahán sa pangalang “Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na kalayaan na ang hinahangad. 54 LA REVOLUCION FILIPINA La Liga Filipina y el Katipunan El Katipunan se extendió muy rápidamente porque la forma insolente y provocativa en que los frailes llevaban a cabo su campaña de oposición había exasperado a la masa popular; pero de haber estado permitida en el Archipiélago la formación de las asociaciones políticas y la clase media que era la más instruída e influyente hubiera podido moverse libremente, es indudable que hubiese podido calmar el resentimiento popular e impedir el desarollo del Katipunan porque aquella clase estaba resueltamente por el programa de la Liga, aún después de haber pasado por cruelísimos tormentos y más aún después del Pacto de Biak-na-Bató. Ang Liga Filipina at ang Katipunan ANG REBOLUSYONG FILIPINO 55 Napakabilis na lumaganap ang Katipunan sapagkat ikinagalit ng taong bayan ang palalò at mapanghamak na paraan ng mga fraile sa kampanya ng mga ito laban sa mga reporma; ngunit, kung napahintulutan sana ang pagbubuo ng mga samaháng pampolitika sa kapuluan at kung nakakikilos nang malayà ang gitnang uri, na higit na may pinag-aralan at impluwensiya, walang pagsálang napahupa sana nito ang hinanakit ng bayan at nahadlangan kaipalà ang paglagô ng Katipunan sapagkat ang gitnang uring ito ay naninindigan para sa simulain ng Liga pagkatapos man ng malulupit na pahirap at pagkatapos pa man ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. 56 Capítulo VIII La Revolución en sus Comienzos Antes de un año oí que el Katipunan estaba extendido por toda la provincia de Manila y empezaba a ramificarse en Cavite y Bulacán. Preveía los horrores que se seguirían de su descubrimiento por las autoridades; pero si no lo había podido impedir antes, menos lo podía en aquella ocasión en que ya estaba enfermo y era además mirado por los directores de la sociedad como un patriota muy tibio. En el mes de agosto de 1896 el jefe de la imprenta del Diario de Manila, habiendo descubierto que algunos de sus operarios pertenecían a una sociedad secreta, los entregó a la Guardia Civil para la investigación correspondiente. Se echó mano de los acostumbrados medios de tortura, y descubrieron no sólo el Katipunan, sino también la masonería y otras asociaciones ya disueltas, como la Liga y el Cuerpo de Compromisarios. Avisados a tiempo, Bonifacio y sus secretarios pudieron escaparse a los montes, y desde allí ordenaron a los consejos populares que se alzasen o se uniesen con ellos, para que no cayesen en manos de la Guardia Civil. Las autoridades españolas, siguiendo los consejos de los frailes, resolvieron dar un escarmiento terrible, y a este efecto cogieron tanto a los katipuneros como a los masones y todos los que habían pertenecido a las asociaciones disueltas. Convencidas de que la insurrección no podía ser obra de los 57 KABANATA 8 Sa Pasimula ng Rebolusyon Nabalitaan kong lumaganap ang Katipunan sa buong Kamaynilaan at nagsimula nang magkasangay sa Cavite at Bulacan sa loob ng isang taon. Nakini-kinita ko ang magaganap na lagim kapag natuklasan ito ng mga awtoridad; ngunit, kung wala akong nagawa upang humadlang sa simula pa lamang, lalong wala na akong magagawa nang sandaling iyon na may karamdaman na ako at, bukod pa sa rito, makabayang malagihay ang tingin sa akin ng mga tagapangasiwa ng samahán. Noong Agosto 1896, idinulog sa Guardia Civil ng pinunò ng palimbagan ng Diario de Manila ang ilan sa kaniyang mga tauhan para sa kaukulang pagsisiyasat matapos niyang matuklasan na kasapi ang mga ito sa isang lihim na samahán. Sa nakamihasnang paraan ng pagpapahirap, nabunyag hindi lamang ang Katipunan kundi maging ang masoneriya at ang iba pang samaháng lansag na gaya ng Liga at Cuerpo de Compromisarios. Agad na nabigyan ng babalâ, nakatakas si Bonifacio at ang kaniyang mga kalihim, nagtungo sa kabundukan at mula doon ay nanawagan sa mga konsehong bayan na makiisa sa kanila upang hindi madakip ng Guardia Civil. Sa upat ng mga fraile, nagpasiya ang mga awtoridad na Espanyol na magbigay ng kahindikhindik na babalâ kaya’t hinuli hindi lamang ang mga Katipunero kundi pati ang mga masón at ang lahat ng kasapi ng mga nabuwag na samahán. Sa 58 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en sus Comienzos ignorantes, sino de la clase ilustrada del país, ordenaron también la captura de todos los filipinos notables de cada provincia. La suerte de los capturados era cruel y terrible. Los katipuneros habían conseguido ponerse a tiempo al abrigo de toda persecución, y fueron cogidos los que no lo eran. Como se le torturaba a uno para que se viese obligado a confesar su complicidad en la insurrección, los que nada sabían de ella no podían librarse de los tormentos. Muchos murieron a consecuencia de éstos, muchos fueron fusilados por acuerdo de los consejos de guerra, muchos fusilados sin procedimiento alguno y muchos murieron asfixiados en lóbregos calabozos. ¡Dichosos los que sufrieron únicamente la prisión o la deportación! Rizal fué fusilado el 30 de diciembre de 1896, como el principal instigador del movimiento; y los verdaderos culpables de haber dado motivo, para que los filipinos odiasen de muerte el nombre español, fueron ensalzados por su patriotismo. Poco antes de que estallara la insurrección, Rizal, para salir de una deportación indefinida, ofrecióse como médico al ejército español de operaciones en Cuba; y habiendo el Gobierno accedido a sus deseos, le sacaron de Dapitan y le tuvieron a bordo de un buque de guerra anclado en la bahía de Manila, en espera de uno que había de salir para España. Durante esta espera estalló casualmente la insurrección; no obstante, el Gobernador General la mandó a España, de donde tuvieron que volverle poco después, en vista de que el Juez Instructor del Consejo de Guerra permanente empezó a reclamar su persona, para que respondiese a los cargos que contra él resultaban. Aunque su deportación a Dapitan destruía la posibilidad de su activa participación en el movimiento, le juzgaron como promovedor de éste, considerando que, sin los artículos publicados por él en La Solidaridad y sus novelas, el pueblo no hubiese pensado en la política. Esta opinión es completamente errónea, porque el movimiento político de Filipinas es anterior a Rizal, porque Rizal era meramente una personalidad creada por las necesidades de este movimiento: si Rizal no hubiese existido, otro cualquiera hubiera desempeñado su papel. El movimiento era por su naturaleza lento y suave, como el curso de las aguas de un manso río; pero resultó después violento, porque encontró oposición. La oposición no había partido de Rizal, Sa Pasimula ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 59 paniniwalang hindi ang mga mangmang kundi ang mga may pinag-aralan ang makapagpapasimunò ng paghihimagsik, ipinag-utos ding hulihin ang lahat ng bantog na Filipino sa bawat lalawigan. Malupit at kahila-hilakbot ang sinapit ng mga nadakip. Maagap na nakaiwas sa pagpapahirap ang mga Katipunero, ang mga nadakip ang sinamang-palad. Kung paanong napipilitang umámin ang may kinalaman sa himagsikan dahil sa mga pahirap, ang sadyang walang alam tungkol dito ay hindi makaiwas sa parusa. Bunga nito, marami ang namatay, marami ang binaril alinsunod sa hatol ng lupong pandigma, marami ang binaril nang hindi man lamang nalilitis, at marami ang namatay sa kahirapang huminga sa madidilim na bilangguan. Mapalad ang mga nakulong o naipatapon lamang! Binaril si Rizal bilang pangunahing tagapanulsol ng kilusan noong 30 Disyembre 1896; at ang mga tunay na nang-udyok upang sukdulang magalit ang mga Filipino sa ngalang Espanyol ay dinarakila sa kanilang pagkamakabayan. Bago pa sumiklab ang himagsikan, upang maligtasán ang walang takdang pagkapatápon sa kaniya, nag-alok na maglingkod si Rizal bilang manggagamot sa kawal Espanyol na nakikipagdigma sa Cuba; at dahil pinagbigyan ng Gobyerno ang kaniyang kahilingan, ipinasundo siya sa Dapitan at pinapanatiling nakasakay sa barkong pandigma na nakaangkla sa look ng Maynila habang naghihintay ng biyahe papuntang Espanya. Sa panahong ito ng paghihintay sumiklab ang himagsikan nang di-inaasahan; gayunman, pinatulóy pa rin siya ng Gobernador Heneral sa Espanya, ngunit kinailangan ding pabalikin pagkaraan sapagkat ibig siyang mahingan ng tugon ng Huwes Instruktor ng Konsehong Pandigmaan hinggil sa mga paratang laban sa kaniya. Bagaman pinawi ng pagkakapatápon sa kaniya sa Dapitan ang posibilidad na may aktibong pakikisangkot siya sa kilusan, hinatulan siyang pangunahing pasimunò nito sapagkat kung hindi sa kaniyang mga nalathalang akda sa La Solidaridad at sa kaniyang mga nobela, hindi diumano mag-iisip ang bayan ng tungkol sa politika. Malingmali ang ganitong palagay sapagkat nauna pa kay Rizal ang kilusang pampolitika sa Filipinas, sapagkat si Rizal ay personalidad na ibinunga lamang ng mga pangangailangan ng kilusang ito: kung hindi nabuhay si Rizal, may kung sinong iba na gaganap sa kaniyang naging papel. Tulad ng daloy ng ilog na banayad, sadyang katangian ng kilusan ang pagiging marahan at malumanay; ngunit naging marahas ito pagkaraan sapagkat 60 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en sus Comienzos y sin embargo éste fué condenado a muerte: si no fuera inocente no sería mártir. A diferencia de Burgos que lloraba porque moría inocente, Rizal fué al lugar de la ejecución tranquilo y casi alegre para denotar que sacrificaba gustoso una vida que había consagrado al bien de todos los filipinos, en la seguridad de que éstos por amor y gratitud se acordarían siempre de él y seguirían se ejemplo y sus doctrinas. En verdad, el mérito del sacrificio de Rizal consiste precisamente en que es voluntario y consciente. Sabía perfectamente que si denunciaba los abusos que los españoles estaban cometiendo en Filipinas, éstos no habían de dormir tranquilos hasta perderle; sin embargo, lo hizo, porque si los abusos no se conociesen, no se remediarían jamás. Desde que Rizal comprendió las desgracias de su patria y se propuso trabajar para remediarlas, su viva imaginación no cesaba de pintarle en cada instante de su vida los horrores de la muerte que le esperaba; por eso aprendió a no temerla, por eso no la temió cuando a sacarle viniera; la vida de Rizal, desde que éste la consagró al servicio de su país, fué pues una muerte continua, soportada valientemente hasta el fin, por amor a sus compatriotas. Ojalá que éstos sepan rendirle el único tributo digno de su memoria: la imitación de sus virtudes. Semejantes crueldades no pudieron menos de provocar la indignación general: antes que sufrirlas, los insurrectos prefirieron morir combatiendo aunque no tenían más armas que bolos. Además, el movimiento tuvo mejor éxito en Cavite, porque las fuerzas que tenía allí el Gobierno consistían únicamente en pequeños destacamentos de Guardia Civil distribuídos en varios pueblos de la provincia, excepción hecha del puerto y arsenal donde los insurrectos no pudieron entrar. El Katipunan tenía a la sazón en la provincia dos consejos populares, uno llamado Magdalo en Kawit, presidido por D. Baldomero Aguinaldo, y el de Magdiwang en Noveleta bajo la dirección de Mariano Alvarez. En San Francisco de Malabón existían también algunos katipuneros que obedecían al último consejo. Al recibirse la orden de alzamiento dada por Andrés Bonifacio, los katipuneros auxiliados por sus amigos Sa Pasimula ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 61 hinadlangan. Hindi pinasimulan ni Rizal ang paglaban, gayunman, hinatulan siyang mamatay: hindi siya martir kung tunay siyang nagkasala. Naiiba kay Burgos na umiyak sapagkat pinatay nang walang kasalanan, panatag at mukhang maligaya si Rizal sa pook na pinagbarilan sa kaniya upang maipakita kaipala na kagustuhan niyang ialay ang isang búhay na sadyang iniukol sa ikabubuti ng lahat ng Filipino sa pag-asang laging aalalahanin siya nang buong pagmamahal at pasasalamat at susundin ang kaniyang mga halimbawa at aral.Ang totoo, nasa pagiging kusang-loob at sinadya ang kabuluhan ng pagpapakasákit ni Rizal. Alam na alam niya na kung ibubunyag niya ang mga pagmamalabis ng mga Espanyol sa Filipinas, hindi matatahimik ang mga ito hangga’t hindi siya naililigpit; gayunman, itinuloy pa rin niya sapagkat kung hindi mabubunyag, hinding-hindi kailanman malulutas. Búhat nang maunawaan ni Rizal ang mga kasawian ng kaniyang bayan at pinagpasiyahan niyang gawin ang lahat upang malunasan ito, hindi nagbawa ang kaniyang haraya sa pagguhit bawat saglit ng nakahihilakbot na kamatayang kaniyang kasasapitan; kaya’t natutuhan niyang huwag itong katakutan, kaya’t buo ang loob niya nang dumating ito upang ilitin ang kaniyang búhay; ang búhay ni Rizal, buhat nang maitalaga sa paglilingkod sa kaniyang bayan ay isang walang patlang na pagpanaw na magiting na itinaguyod hanggang katapusan alang-alang sa pagmamahal sa kaniyang mga kababayan. Mabatid nawa nila ang bukod-tanging paraan ng pagpaparangal sa kaniyang gunita: ang pamarisan ang kaniyang mabubuting katangian at gawa. Walang ibang ibinunga ang ganitong mga kalupitan kundi pagkasuklam ng buong bayan: sa halip na mapahirapan, higit na minarapat ng mga manghihimagsik ang mamatay na nakikipaglaban kahit walang ibang sandata kundi tabak. Bukod sa rito, naging higit na matagumpay ang mga pagkilos sa Cavite sapagkat ang puwersa ng Gobyerno roon ay binubuo lamang ng maliliit na pulutong ng Guardia Civil na nakahimpil sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, maliban na nga lamang sa mga daungan at arsenal na hindi mapasok ng mga manghihimagsik. May dalawang konsehong bayan sa lalawigang ito ang Katipunan, tinatawag na Magdalo ang sa Kawit na pinamumunuan ni G. Baldomero Aguinaldo, at Magdiwang naman ang sa Noveleta na nasa pangangasiwa ni G. Mariano Alvarez. May mga katipunero rin sa San Francisco de Malabon na tagasunod ng Magdiwang. Nang matanggap ang utos ni Andres Bonifacio na magsipag-alsa, ginulantang ng 62 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en sus Comienzos pudieron sorprender los puestos de la Guardia Civil y matar a los oficiales y sargentos españoles que los mandaban. Con los pocas armas capturadas los vecinos de Noveleta, al mando de D. Artemio Ricarte, rechazaron las fuerzas del General Blanco el 9 de noviembre de 1896 y los de Kawit, mandados por D. Emilio Aguinaldo, capitán municipal de dicho pueblo, y D. Cándido Tirona que murió en el combate, pudieron en 11 del propio mes recuperar el polvorín de Binacayan que días antes habían tomado los españoles. Merced a estas ventajas los dos consejos populares expresados convirtiéronse en provinciales, comprendiendo el de Magdalo los pueblos de Kawit, Imus, Bacoor, Pérez Dasmariñas, Silang, Méndez Nuñez y Amadeo; y el de Magdiwang los demás pueblos de la provincia. Andrés Bonifacio, invitado por algunos amigos, fué a Cavite a dar unidad a los esfuerzos de ambos consejos; pero Magdalo ya hacía muy poco caso de su autoridad y órdenes. Afortunadamente D. Edilberto Evangelista, vecino de Manila, graduado ingeniero civil por la Universidad de Gante, Bélgica, puso sus servicios a disposición de la insurrección y dirigió todos los trabajos de atrincheramiento y defensa, que dieron mucho que hacer a las fuerzas españolas. Cuando el General Polavieja, al frente de un considerable número de soldados, se propuso tomar resueltamente la provincia de Cavite, Edilberto que dirigía las defensas del rió Sapote murió combatiendo heroicamente en 17 de febrero de 1897. A partir de esta fecha las fuerzas españolas pudieron ir ocupando sucesivamente los pueblos que comprendía el consejo de Magdalo, cuyos miembros se vieron por último obligados a retirarse a San Francisco de Malabón, para reunirse con los de Magdiwang y convenir con éstos las medidas más convenientes para la mejor defensa de la provincia. Con tal objeto los miembros de ambos consejos, juntamente con los principales jefes militares, se reunieron en la Casa-Hacienda de Tejeros el 12 de marzo de 1897. Esta reunión presidida por Bonifacio acordó la elección de un gobierno central que se encargarse de los negocios generales de la insurrección, quedando elegidos D. Emilio Aguinaldo, Presidente, y D. Mariano Trías, Vicepresidente. Bonifacio fué elegido Director del Departamento del Interior; pero ofendido porque algunos presentes se opusieron a su nombramiento alegando su incapacidad, abandonó la Sa Pasimula ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 63 mga katipunero, sa tulong ng kanilang mga kapanalig, ang mga himpilan ng Guardia Civil at napatay ang mga namumunòng opisyal at sarhentong Espanyol. Sa iilang sandatang nasamsam ng mga mamamayan ng Noveleta, sa pamumunò ni G. Artemio Ricarte, nalupig ang puwersa ni Heneral Blanco noong 9 Nobyembre 1896; sa ika-11 ng buwan ding ito, sa pamumunò ni G. Emilio Aguinaldo, na kapitan ng bayan, at ni G. Candido Tirona, na namatay sa labanan, nabawi ng mga taga-Kawit ang arsenal ng polbora sa Binacayan na napasakamay ng mga Espanyol may ilang araw ang nakararaan. Dahil sa mga ganitong pananaig, naging panlalawigan ang saklaw ng mga konsehong pambayang ito; napabilang sa Magdalo ang mga bayan ng Kawit, Imus, Bacoor, Perez Dasmariñas, Mendez Nuñez, at Amadeo; at sa Magdiwang naman napabilang ang iba pang mga bayan ng probinsiya. Sa anyaya ng ilang kaibigan, nagtungo sa Cavite si Andres Bonifacio upang papagkaisahin ang mga pagpupunyagi ng dalawang konseho; subalit binalewala ng Magdalo ang kaniyang kapangyarihan at mga kautusan. Sa kabutihangpalad, si G. Edilberto Evangelista, tubong Maynila at nagtapos ng inhenyeriya sibil sa Unibersidad ng Gante, Bélgica, ay nag-ukol ng kaniyang paglilingkod sa himagsikan at siya ang nangasiwa sa lahat ng paghuhukay ng kanal na kublihan (trintsera) at sa mga pagsasanggalang na labis na nakaantala sa puwersang Espanyol. Nang ipinasiyang ipakubkob ni Heneral Polavieja sa malaking bilang ng kaniyang mga kawal ang Cavite, si Edilberto ang namunò sa pagtatanggol sa ilog ng Sapote at magiting na namatay siya sa pakikipaglaban noong 17 Pebrero 1897. Simula nang araw na iyon, sunod-sunod nang nakubkob ng puwersang Espanyol ang mga bayan na kabílang sa konsehong Magdalo na ang mga kasapi ay napilitang umatras pabalik sa San Francisco de Malabon upang makipagtagpo sa mga kasapi ng Magdiwang at mapag-usapan ang lalong angkop na paraan kung paanong lubos na maipagtatanggol ang probinsiya. Sa ganitong layunin, ang mga kasapi ng dalawang konseho, kasáma ang mga pangunahing pinunò ng hukbo, ay nagpulong sa Bahay-Asyenda ng Tejeros noong 12 Marso 1897. Pinanguluhan ni Bonifacio, napagkasunduan sa pulong na ito ang paghahalal ng isang pamahalaang sentral na siyang mangangasiwa sa mga pangkalahatang pakikipag-ugnayan ng himagsikan; nahalal na Presidente si G. Emilio Aguinaldo at Bise Presidente si G. Mariano Trias. Nahalal na Direktor ng Kagawarang Panloob si Bonifacio, ngunit nainsulto siya sapagkat may ilang tumutol sa kaniyang pagkakahalal dahil sa kawalan daw 64 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en sus Comienzos junta, declarando que como jefe del Katipunan no reconocía la validez de los acuerdos tomados. No obstante, los elegidos tomaron posesión de sus cargos, y Bonifacio disgustado se marchó con sus dos hermanos para los montes de San Mateo; mas (el Sr. Aguinaldo mandó en su persecución)1 dos compañías de soldados fueron en persecución con orden de prenderle. Bonifacio se resistió, a consecuencia de lo cual recibió tres heridas y murieron uno de sus hermanos y tres de los aprehensores, los cuales consiguieron llevarlo con el otro hermano a Naic, de aquí a Maragondón y después al monte Buntís, donde los dos hermanos fueron fusilados. La crítica no encuentra justificación, ni siquiera atenuante, para esta conducta (del Sr. Aguinaldo). 2 Andrés Bonifacio no era menos instruído que cualquiera de los elegidos en la reunión mencionada, y había demostrado una sagacidad no común organizando el Katipunan. Todos los electores eran amigos de D. Emilio Aguinaldo y D. Mariano Trías que estaban unidos, mientras que Bonifacio era mirado con desconfianza, a pesar de haber demostrado un carácter íntegro, solamente porque no era de la provincia; así se explica su resentimiento. Sin embargo, éste no se manifestó por ningún acto de violenta oposición, pues, viendo que nadie trabajaba por la reconciliación, se contentó con salir de la provincia para San Mateo en compañía de sus hermanos. Cuando se considera que el Sr. Aguinaldo3 había sido el primer responsable de insubordinación al jefe del Katipunan a que pertenecía como miembro; cuando se reflexiona que la reconciliación era la única solución apropiada al estado crítico de la Revolución, el móvil del asesinato no puede atribuirse sino a sentimientos que altamente deshonran a aquél; de todos modos semejante crimen constituye el primer triunfo de la ambición personal contra el verdadero patriotismo. 1 Las palabras entre paréntesis están tachadas con lápiz en la copia que obra en poder de Mr. Fiske Warren.—T.M.K. 2 Tachado con lápiz en la copia que obra en poder Mr. Fiskie Warren.—T.M.K. 3 Después de la palabra Aguinaldo está la frase jefe eligido en la copia de Mr. Fiske Warren—T.M.K. Sa Pasimula ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 65 niya ng kakayahan; nilisan niya ang pulong at, bilang pinunò ng Katipunan, pinawalang-bisà niya ang lahat ng mga napagpasiyahan. Gayunman, inakò ng mga nahalal ang kanilang mga tungkulin, at ang nagngangalit na si , kasáma ang dalawa niyang kapatid, ay nagtungo sa kabundukan ng San Mateo; ngunit (ipinag-utos ni G. Aguinaldo ang pagtugis sa kaniya)1 dalawang pulutong ng mga kawal ang inutusang tugisin at hulihin siya. Nanlaban si Bonifacio kayâ’t nagtamo siya ng tatlong sugat at namatay ang isa niyang kapatid at tatlo sa mga sundalong nang-aaresto; dinalá siya at ang isa pa niyang kapatid sa Naic, mula rito ay dinalá naman sila sa Maragondon, at pagkaraan, sa Bundok Buntis na pinagbarilan sa kanilang magkapatid. Walang pagsusuring makapagbibigay-katwiran o anumang mabigat na dahilan sa ganitong inasal (ni G. Aguinaldo).2 Hindi higit na mababa ang pinag-aralan ni Bonifacio kaysa sa nakamit ng sinumang nahalal sa nabanggit na pulong, at di-karaniwang karunungan ang naipamalas niya sa pagtatatag ng Katipunan. Pawang mga kaibigan nina G. Emilio Aguinaldo at G. Mariano Trias ang mga nagsipaghalal na nagkakaisa, samantala, bagaman nakapagpakita ng marangal na pagkatao, hindi pinagtiwalaan si Bonifacio dahil lamang sa hindi siya taal na Caviteño; ito ang sanhi ng kaniyang hinanakit. Gayunman, hindi siya nagpamalas ng anumang marahas na pagtutol; at dahil sa nakita niyang wala ni sinumang nagsisikap na magkaroon ng pagkakasundo, pinilì na lamang niyang lisanin ang Cavite at magtungo sa San Mateo kasáma ang kaniyang dalawang kapatid. Kung isasaalang-alang na si G. Aguinaldo3 ang pangunahing may dapat panagutan sa di-pagsunod sa pinunò ng Katipunan bilang kasapi nito; kung pakaiisipin na ang pagkakasundo ang bukod-tanging lunas na angkop sa mabúway na kalagayan ng Rebolusyon, walang ibang maidadahilan sa pagpaslang kundi ang damdaming malubhang humahamak dito; ano’t anuman, ang ganitong gawang linsil ang unang pagtatagumpay ng hangaring makasarili laban sa tunay na pagkamakabayan. 1 Sa hawak na sipi ni G. Fiske Warren, ang mga salitang nasa loob ng panaklong ay inekisan ng lapis. — Teodoro M. Kalaw 2 Inekisan ng lapis sa sipi ng akdang hawak ni G. Fiske Warren. — Teodoro M. Kalaw 3 Pagkatapos ng salitang Aguinaldo, may pariralang nahalal na pinunò sa siping hawak ni G. Fiske Warren. — Teodoro M. Kalaw 66 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en sus Comienzos Este trágico suceso apagó el entusiasmo por la causa revolucionaria y precipitó la caída de la insurrección en Cavite, porque muchos de Manila, Laguna y Batangas que estaban peleando por la provincia se retiraron disgustados: pronto el llamado Gobierno Central tuvo que trasladarse a los montes de Biak-na-Bato, Bulacán. De allí no se movió, porque los españoles dejaron de atacarle para economizar sangre. Además, D. Pedro A. Paterno se presentó al General Primo de Rivera, ofreciéndose a negociar con los jefes de la insurrección una paz que llamaban honrosa. El Sr. Paterno era un mediador puramente oficioso, es decir, sin carácter oficial. El objeto del General era tener a los jefes revolucionarios en el extranjero, porque, una vez allí, y vigilados constantemente por la policía de los consulados españoles, les seria muy difícil armar una expedición y volver a las Islas; así los ofrecía dinero y pasaje libre y seguro. Considerando que más tarde se verían precisados a rendirse en peores condiciones por falta de armas, los jefes aceptaron la oferta, animados del propósito de emplear el dinero en la compra de armas y volver después con ellas al Archipiélago en la primera ocasión favorable que se presentase. Se convino en que el Gobierno entregaría cuatrocientos mil pesos al Sr. Aguinaldo y compañeros en Hongkong, doscientos mil pesos a los jefes que quedaban en las Islas, cuando se cantase el Te Deum por la pacificación de las mismas, y otros doscientos mil algún tiempo después, para observar quizás la actitud de los jefes presentados. El Sr. Aguinaldo por su parte prometió ordenar a toda la gente en armas la rendición y entrega de las mismas a las autoridades españolas. Por lo que se ve, el pacto de Biak-na-Bato proporcionó a los jefes revolucionarios una ventajosa salida de una situación insostenible: como ambas partes obraban de mala fe, si alguna de ellas faltase a lo prometido, la otra no podría quejarse. Aquella solución estaba muy lejos de calmar la general agitación de los espíritus porque no se anunció al público ninguna estipulación definida sobre las reformas políticas que el pueblo esperaba. El Gobierno español creía que, con la expatriación voluntaria de algunos jefes y la rendición Sa Pasimula ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 67 Pinawi ng ganitong kalunos-lunos na pangyayari ang sigla at sigasig ukol sa mithiing rebolusyonaryo at pinabilis ang pagbagsak ng himagsikan sa Cavite sapagkat marami sa mga taga-Maynila, Laguna, at Batangas na nakikipaglaban para sa nasabing lalawigan ang nasiraan ng loob na nagsiatras: agad na inilipat ang Pamahalaang Sentral sa kabundukan ng Biak-na-Bato, Bulacan. Hindi ito nagalaw doon sapagkat inihinto ng mga Espanyol ang paglusob upang maiwasan ang pagdanak ng dugo. Bukod sa rito, nagpresenta kay Heneral Primo de Rivera si G. Pedro A. Paterno upang maghain ng tinatawag nilang kagalang-galang na kapayapaan sa mga pinunò ng himagsikan. Isang tagapamagitan na sadyang nakihalò lamang si G. Paterno, nangangahulugan, hindi opisyal. Layunin ng Heneral na mailabas ng bansa ang mga pinunòng rebolusyonaryo sapagkat kung naroroon at mahigpit na tinatanuran ng polisya ng mga konsuladong Espanyol, magiging mahirap para sa mga ito ang makapagbalák ng paglalakbay at makabalik sa Kapuluan; kaya’t inalok niya ang mga ito ng salapi at paglalakbay na libre at ligtas. Nakapag-isip-isip na mapipilitan din silang sumuko paglaon dahil sa lalong malubhang kalagayang dulot ng kakulangan ng sandata, tinanggap ng mga pinunò ang nasabing alok sa pag-asang magagamit nila ang salapi sa pagbili ng mga armas at pagkaraan ay makababalik sa Kapuluan sa sandaling sumapit ang tamang pagkakataon. Habang inaawit ang Te Deum sa ikapapayapa ng kanilang mga sarili, napagkasunduang magkakaloob ang Gobyerno ng apat na raang libong piso kay G. Aguinaldo at sa kaniyang mga kasáma sa Hongkong, dalawang daang libong piso sa mga pinunòng maiiwan sa Kapuluan, at may karagdagan pang dalawang daang libong piso makalipas ang ilang panahon upang mamatyagan marahil ang pagkilos ng mga pinunóng nagsisuko. Si G. Aguinaldo, sa kaniyang panig, ay nangakong ipag-uutos sa lahat ng nananandata ang pagsusuko ng sarili at armas sa mga awtoridad na Espanyol. Batay sa nasaksihan, ang kasunduan sa Biyak na Bato ay nakapagdulot sa mga pinunòng rebolusyonaryo ng magandang paraan ng pagtakas sa gipit na kalagayan: dahil kapuwa mapanlinlang, walang makapagreklamo kapag may isang hindi tumupad sa pangako. Hinding-hindi mapahihinahon ng ganitong solusyon ang namamayaning pagkabagabag sapagkat walang anumang katiyakang ipinababatid sa madla hinggil sa mga repormang pampolitika na hinihintay ng sambayanan. Naniwala ang Gobyernong Espanyol na sa kusang-loob na pangingibang-bayan ng ilan sa mga pinunò 68 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en sus Comienzos incondicional de otros, la paz quedaría pronto restablecida; pero estaba completamente en un error. Sólo la concesión de las reformas pedidas por La Solidaridad hubiera podido restablecer la paz en los ánimos; mas, para evitarla precisamente, el Gobierno español ponía en práctica cuantos medios sugerían la astucia y habilidad diplomáticas. Así muchos intranquilos permanecieron fuera de sus casa, como si presintiesen la proximidad de graves e inesperados acontecimientos. Sa Pasimula ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 69 at sa walang takdang pagsuko ng iba pa, dagling mapanunumbalik ang kapayapaan; ngunit maling-mali ito. Tangìng ang pagkakaloob ng mga repormang hinihingi ng La Solidaridad ang makapagpapanumbalik sa kapayapaan ng kalooban; ngunit, upang ganap na mahadlangan ito, isinakatuparan ng Gobyernong Espanyol ang lahat ng pamamaraang bunga ng pagkatuso at kakayahang diplomatiko. Kaya’t marami ang di-mapalagay sa kanilang mga tahanan, tila may nálalapít na mga pangyayaring malubha at di-inaasahan. 70 CAPÍTULO IX LA REVOLUCIÓN EN EL PERÍODO DE SU DESARROLLO Por haber sido miembro de la Liga Filipina y uno de los compromisarios fuí también procesado y preso como uno de los promovedores de la rebelión; mas, habiendo caído paralítico seis meses antes del comienzo de la misma, atribuyo a esta circunstancia la causa de no haber sido maltratado ni fusilado en compañía de D. Domingo Franco y otros. Lo cierto es que fuí alcanzado por los decretos de indulto del General Primo de Rivera y en su virtud puesto en libertad, después de haber estado cerca de nueve meses en la sala de presos del Hospital de San Juan de Dios de Manila. Meses después me trasladé al pueblo de Los Baños y de aquí al de Bay, provincia de La Laguna, donde escribí un plan para la organización de un movimiento general que juzgué inminente, al ver intranquilidad general de los ánimos. Esto pasaba dos meses antes de la declaración de guerra entre Estados Unidos y España, a la que siguieron pronto la destrucción en primero de mayo de 1898, de la Escuadra española de Filipinas por el Almirante Dewey y la vuelta a las Islas del Sr. Aguinaldo. Cuando éste a su llegada anunció al pueblo que Estados Unidos estaba dispuesto a ayudar a los filipinos en la reconquista de sus naturales libertades, todos creyeron que el Gobierno de aquella nación, reconociendo a 71 KABANATA 9 SA KASUKDULÁN NG REBOLUSYON Dahil kasapi ako ng Liga Filipina at isa sa mga kompromisaryo, isinakdal din ako at ibinilanggong tulad ng mga tagapagpasimunò ng himagsikan; ngunit, maipalalagay na kayâ hindi ako pinahirapan at binaril kasáma nina G. Domingo Franco at iba pa ay dahil sa naging paralitiko ako may anim na buwan bago ito sumiklab. Ang totoo, naabutan ako ng kautusang nagkakaloob ng kapatawaran ni Heneral Primo de Rivera at sa bisà nito, nakalaya ako matapos ang siyam na buwang pagkakakulong sa silid para sa mga bilanggo sa Ospital ng San Juan de Dios sa Maynila. Makaraan ang ilang buwan, lumipat ako sa Los Baños at pagkatapos, sa Bay, Laguna at doon ko sinulat ang isang plano ukol sa pag-oorganisa ng isang pangkalahatang paghihimagsik na hininala kong napipintong maganap dahil sa namamayaning pagkabalisa ng lahat. Nangyari ito may dalawang buwan bago ang deklarasyon ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya, na agad nasundan ng pagpuksa ni Almirante Dewey sa hukbong-dagat na Espanyol sa Filipinas noong unang araw ng Mayo 1898 at ng pagbalik ni G. Aguinaldo sa Kapuluan. Sa kaniyang pagdating, ipinatalastas ni G. Aguinaldo sa sambayanan na nakahandang tumulong ang Estados Unidos sa pagbawi ng likas na kalayaan ng mga Filipino; naniwala ang lahat na ang Gobyerno ng bansang ito ay kumikilala at pormal na nakipagkasundo kay G. 72 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en el Período de su Desarrollo dicho señor como representante del pueblo filipino, había estipulado con el mismo un convenio formal; así cada provincia reconociendo su jefatura indiscutible, se movió para combatir a las fuerzas españolas de su demarcación. Confirmaron esta creencia las declaraciones vagas y equívocas de los jefes americanos. Una de las copias del plan que yo había escrito llegó por casualidad a manos del Sr. Aguinaldo, el cual por esta razón me escribió, aunque no me conocía, pidiéndome que le ayudase. Aunque tampoco le conocía personalmente, deseoso de cooperar en la obra común según mis fuerzas, fuí a verle en el puerto de Cavite el 12 de junio de 1898, el día mismo en que se proclamó la independencia de Filipinas en el pueblo de Kawit. Le pregunté en seguida por el convenio que había celebrado con el Gobierno de los Estados Unidos, y con gran extrañeza mía supe que no existía ninguno y que el Cónsul Pratt de Singapore y el Almirante Dewey le habían asegurado sólo de palabra que el Gobierno de los Estados Unidos no necesitaba parte alguna de las Islas y que su propósito era sólo ayudar a los isleños en la destrucción del despotismo español, para que los filipinos pudiesen disfrutar de las bendiciones de un gobierno libre. Comprendí entonces que los jefes americanos se habían circunscrito a promesas equívocas y verbales, que el Sr. Aguinaldo había aceptado, porque deseaba vivamente volver a las Islas, temeroso de que otros influyentes filipinos 1 se entendiesen con los americanos en nombre del pueblo; y comprendí también que la proclamación de independencia que hacían en aquel día era prematura e imprudente, porque los americanos ocultaban sus verdaderos propósitos, mientras que nosotros publicábamos los nuestros. Preví desde luego que por esta imprudencia los jefes y las fuerzas americanas habían de desconfiar de los revolucionarios y los cónsules de los Estados Unidos en las costas de China impedir la compra de armas para la Revolución; mas, no pudiendo 1 “Temeroso de que otros influyentes filipinos le arrebatasen la gloria y se entendiesen con los americanos...” dice la copia en poder de Mr. Fiske Warren.—T.M.K. Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 73 Aguinaldo bilang kinatawan ng sambayanang Filipino; kayâ naman, bilang pagkilala sa kaniyang di-mapag-aalinlanganang pamumunò, ipinakipaglaban ng bawat lalawigan ang kani-kaniyang hanggahan sa mga puwersang Espanyol. Pinagtibay ang paniniwalang ito ng mga di-tiyak at malabòng pahayag ng mga pinunòng Amerikano. Isa sa mga sipi ng planong sinulat ko ang napasakamay ni G. Aguinaldo, at dahil dito, bagaman hindi niya ako kilalá, pinadalhan niya ako ng liham, humihiling na tulungan ko siya. Bagaman sadyang hindi ko rin siya kilalá, hangad kong makiisa sa pakikipagpunyagi sa abot ng aking makakáya, nakipagtagpo ako sa kaniya sa daungan ng Cavite noong 12 Hunyo 1898, ang mismong araw ng paghahayag ng kalayaan ng Filipinas sa bayan ng Kawit. Agad na inusisa ko siya tungkol sa isinagawa niyang pakikipagkasundo sa Gobyerno ng Estados Unidos, at laking gúlat ko nang malámang wala palang kahit ano at pasalitâ lamang na tiniyak sa kaniya nina Konsul Pratt ng Singapore at Almirante Dewey na walang pangangailangan ang Gobyerno ng Estados Unidos sa alinmang bahagi ng kapuluan at ang tánging layunin nito ay ang makatulong sa paglupig sa despotismong Espanyol upang matamasa ng mga Filipino ang mga biyaya ng isang malayàng pamamahala. Kagyat na napag-isip-isip ko na malalabòng pangako at salita lámang ang binitiwan ng mga pinunòng Amerikano, na tinanggap naman ni G. Aguinaldo sapagkat masidhingmasidhi ang hangarin niyang makabalik sa Kapuluan sa pangambang bakâ sa ngalan ng bayan ay may ibang maimpluwensiyang Filipino1 na makipagkasundo sa mga Amerikano; at dagling sumaisip ko rin na wala sa panahon at isang kawalan ng bait ang proklamasyon ng kalayaan nang araw na iyon sapagkat ipinaglilihim ng mga Amerikano ang kanilang tunay na pakay samantalang lantad na lantad ang sa atin. Nakini-kinita ko rin pagkaraan na dahil sa kawalan ng bait na ito, hindi pagtitiwalaan ng mga pinunò at puwersang Amerikano ang mga rebolusyonaryo at haharangin ng mga konsul ng Estados Unidos sa mga baybayin ng China ang pagbili ng mga sandata para sa Rebolusyon; ngunit, wala akong nagawa upang pigilan 1 Ang nakasulat sa siping hawak ni G. Fiske Warren ay ganito: “sa pangambang bakâ sa ngalan ng bayan ay may ibang maimpluwensiyang Filipino na makaagaw sa kaniya ng karangalan at makipagkasundo sa mga Amerikano.” 74 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en el Período de su Desarrollo ya impedirla porque llegué demasiado tarde, me callé y me puse a estudiar detenidamente las necesidades más urgentes de la situación. Aquel movimiento repentino y general destruyó de un golpe el orden establecido por la administración española en las provincias y pueblos del Archipiélago; urgía pues establecer nuevo orden para que la anarquía no produjese consecuencias fatales. Propuse un plan, reorganizando las provincias y municipios en la forma más democrática que las circunstancias permitían y el plan aprobado por el Sr. Aguinaldo fué puesto en práctica sin pérdida de tiempo. En seguida propuse otro plan creando los departamentos indispensables para el regular funcionamiento de la administración central, así como una junta o congreso formado por dos vecinos principales de cada provincia, que aconsejase y propusiese al Sr. Aguinaldo las medidas conducentes al común bienestar y a la consecución de las apetecidas libertades. Este congreso no tenía facultades legislativas, porque el estado de guerra requería la concentración de poderes necesaria para la rapidez de acción; pero juzgaba indispensable su creación, para que las provincias no desconfiasen de las facultades dictatoriales del Sr. Aguinaldo, el cual aprobó e hizo ejecutar igualmente el plan propuesto, ofreciéndome la dirección de uno de los departamentos creados. Desconfiando de mis fuerzas a causa de mi enfermedad, decliné la oferta; pero me encargué por el pronto del despacho de los pocos negocios concernientes a las relaciones exteriores, hasta que el Sr. Arellano, a quien se ofreció la jefatura de este departamento por su reconocida competencia, se hiciese cargo del mismo. A este tiempo había llegado ya a Cavite la brigada del General Anderson y estaban llegando las demás fuerzas que mandaba el General Merritt, haciéndose más dificultosas las relaciones con los americanos. Por otra parte, el sitio de Manila por las fuerzas filipinas no adelantaba, debido a la falta de unidad en los movimientos de las columnas que operaban en las diferentes zonas, y Aguinaldo, único que por su prestigio podría imprimir dicha unidad, no se decidía a dirigir las operaciones en persona. Si los filipinos hubiesen Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 75 ito sapagkat lubhang nahuli ang aking pagdating, nanahimik na lámang ako at puspusang pinag-aralan ang mga mahigpit na kakailanganin sa gipit na kalagayan. Winasak ng biglaang pangkalahatang paghihimagsik na ito ang kaayusang naitatag ng pamahalaang Espanyol sa mga lalawigan at bayan ng Kapuluan; kailangang mabilis na maitatag ang bagong kaayusan bago pa humantong sa masamâ ang mga kaguluhan. Nagpanukala ako ng isang plano ukol sa muling pag-oorganisa ng mga probinsiya at munisipyo sa pinakademokratikong paraang ipinahihintulot ng sitwasyon, pinagtibay ito ni G. Aguinaldo at ipinatupad kapagdaka. Kaagad na ipinanukala ko ang isa pang plano ukol sa paglikha ng mga kagawarang lubhang kailangan para sa maayos na pagpapatakbo ng pamahalaang sentral kung paanong lilikha rin ng isang kapulungan o kongreso na bubuuin ng dalawang iginagalang na mamamayan mula sa bawat probinsiya at siyang magpapayo at magpapanukala kay G. Aguinaldo ng mga hakbang tungo sa ikabubuti ng lahat at sa pagkakamit ng pinakaaasam na kalayaan. Walang tungkuling gumawa ng batas ang kongresong ito sapagkat hinihingi ng kalagayang pandigmaan na mapísan sa isa ang mga kapangyarihan para sa mga mabilisang pagkilos; ngunit mahalagang nalikha ito upang hindi mapagdudahan ng mga probinsiya ang awtoridad ni G. Aguinaldo bilang diktador; pinagtibay at ipinatupad niya ang aking panukala, at inialok niya sa akin ang pangangasiwa ng isa sa mga nalikhang kagawaran. Sa kawalan ko ng tiwala sa lakas ng pangangatawan bunga ng aking pagkakasakít, tinanggihan ko siya; ngunit ako ang nangasiwa sa pagsasagawa ng ilang maliit na pakikipagkasundông ukol sa ugnayang panlabas hanggang sa makapanungkulan si G. Arellano na inanyayahang mamahala sa kagawarang ito dahil sa kaniyang natatanging kasanayán. Nang mga panahong iyon, nakarating na sa Cavite ang brigada ni Heneral Anderson at nagsisidating pa ang ibang mga puwersang pinamumunuan ni Heneral Merritt kayâ lalong naging mahirap ang pakikitungo sa mga Amerikano. Sa kabilang dako, hindi makasúlong ang mga puwersang Filipino sa pagkubkob sa Maynila bunga ng kawalan ng pagkakaisa sa pagkilos ng mga hanay na nakatalaga sa iba’t ibang lugar, at si Aguinaldo, na bukod-tanging makapaggigiit ng gayong pagkakaisa dahil sa kaniyang karangalan, ay hindi makapagpasiya kung siya ba mismo ang 76 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en el Período de su Desarrollo podido tomar Manila antes de la llegada de las fuerzas del General Merritt, las relaciones con los americanos se hubiesen aclarado desde el principio; pero no fué así, y los últimos desembarcaron en Parañaque y atacaron Manila haciendo caso omiso de las fuerzas filipinas que la sitiaban. Muchos jefes militares filipinos opinaron que este proceder era causa bastante para la ruptura de hostilidades contra los americanos; pero aconsejé al Sr. Aguinaldo que procurase evitar a toda costa el conflicto, porque de lo contrario tendríamos dos enemigos y la consecuencia más probable sería la repartición de las Islas entre ambos. Después de la capitulación de Manila, el Gobierno Filipino se trasladó de Bacoor, Cavite, a Malolos, Bulacán, donde celebró su primera sesión el Congreso nuevamente creado. El primer acuerdo de esta colectividad fué ratificar la proclamación de indepedencia hecha prematuramente en Kawit y formar una constitución para el establicimiento de la República Filipina. Debo advertir que aunque el Sr. Arellano no había aún tomado posesión del cargo de Secretario de Negocios Extranjeros, el segundo jefe D. Trinidad H. Pardo de Tavera se había hecho cargo de los asuntos del ramo; así era yo entonces un simple consejero privado del Sr. Aguinaldo. Como tal aconsejé a éste que dirigiese un mensaje al Congreso, recordándole que no debía formar la Constitución, pues no era una Asamblea Constituyente; que tampoco podía dictar leyes, porque no tenía facultades legislativas; y que su principal y urgente deber era estudiar el mejor sistema de organizar nuestras fuerzas y de reunir los fondos necesarios para el mantenimento de las mismas, para proponerle los planes acordados. Añadía además que no era tiempo oportuno para la formación de la Constitución, pues la independencia de Filipinas no estaba aún oficialmente reconocida; que, declarada por la Constitucion dicha independencia el Gobierno Filipino no podría negociar con otro cualquiera ningún convenio, sino sobre la base del reconocimiento de la misma, pues de otro modo cometería un delito contra la ley fundamental del Estado; y que en aquellas difíciles circunstancias yo era de parecer de que el Gobierno debía tener libertad de acción, para negociar un convenio Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 77 mangangasiwa sa mga operasyon. Kung napások sana ng mga Filipino ang Maynila bago pa dumating ang mga puwersa ni Heneral Merritt, naging malinaw sana sa simula pa lamang ang relasyon sa mga Amerikano; ngunit hindi nagkagayon, at ang mga huling dumaong sa Parañaque ay lumusob sa Maynila, binalewala ang mga puwersang Filipino na sumasalakay. Marami sa mga pinunòng militar na Filipino ang naniwalang sapat na ang gayong inasal upang sumiklab ang pakikipag-alitan sa mga Amerikano; ngunit pinayuhan ko si G. Aguinaldo na dapat iwasan ang hidwaan anuman ang mangyari sapagkat kung hindi, magkakaroon táyo ng dalawang kalaban at ang malamáng na kahinatnan ay ang paghatian ng mga ito ang Kapuluan. Matapos makubkob (ng mga Amerikano) ang Maynila, mula sa Bacoor, Cavite ay lumipat ang Gobyernong Filipino sa Malolos, Bulacan at dito idinaos ang kauna-unahang sesyon ng katátatág na Kongreso. Unang napagkasunduan sa kapulungang ito ang pagratipika sa proklamasyon ng kalayaan na wala sa panahong ginanap sa Kawit at ang paglikha ng isang konstitusyon para sa pagtatatag ng Republikang Filipino. Kailangang banggitin ko na bagaman hindi pa nanunungkulan si G. Arellano bilang Sekretaryo ng Ugnayang Panlabas, ang ikalawang pinunò na si G. Trinidad H. Pardo de Tavera ang nangasiwa sa mga negosasyon ng nasabing kagawaran; kayâ’t isa lamang akong pangkaraniwang pribadong tagapayo ni G. Aguinaldo. Sa gayon, pinagpayuhan ko siyang magbigay sa Kongreso ng isang mensaheng nagpapaalaala na hindi nito tungkuling lumikha ng Konstitusyon sapagkat hindi ito isang kapulungan ng mga kinatawan; hindi rin ito makapagtatakda ng mga batas sapagkat wala itong kapangyarihang lehislatibo; at ang mapag-aralan ang pinakamainam na paraan sa pag-oorganisa ng ating mga puwersa at ang makapangalap ng mga kaukulang pondo upang matustusan ang mga ito ang siyang pangunahin at kagyat na dapat nitong atupagin upang maiharap sa kaniya ang mga planong mapagkakasunduan. Idinagdag pa niya na wala sa panahon ang paglikha ng Konstitusyon sapagkat hindi pa opisyal na kinikilala ang kalayaan ng Filipinas; na, sapagkat nakapahayag sa Konstitusyon na kung wala ang gayong pagkilala sa nasabing kalayaan ay hindi maaaring pumasok sa isang kasunduan kaninuman ang Gobyernong Filipino, isang paglabag sa pundamental na batas ng Estado ang pagtaliwas dito; at sa mga panahong iyon ng gipit na kalagayan, ipinagpapalagay kong dapat magkaroon ang Gobyerno ng layàng pumasok sa isang kasunduang makapag-iiwas sa mga hilakbot ng pakikipagdigmaan sa Estados Unidos, makapagdudulot ng lalong 78 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en el Período de su Desarrollo que evitase los horrores de una guerra con Estados Unidos, siempre que el tal convenio reportase ventajas positivas al país y reconociese los derechos naturales de los ciudadanos. El Sr. Aguinaldo sometió mi parecer a la consideración de los miembros de su gobierno, pero ignoro en qué términos la expusiera; lo cierto es que no sólo fué desechada mi opinión sino que fuí agriamente censurado por profesar ideas despóticas y por inculcar en ellas al jefe del Gobierno: por este malhadado servicio la chismografía política inventó para mí el mote de “Cámara Negra del Presidente.” Viendo que mis consejos eran no sólo inútiles, sino mal mirados por los Secretarios, y temiendo que éstos me atribuyesen a mí sus propios fracasos procuré separarme del Sr. Aguinaldo trasladándome contra su voluntad a otra casa; pero éste ordenó en sguida la colocación de una línea telefónica entre mi nueva residencia y la suya, y de este modo continué a pesar mió en las funciones de Cámara Negra. Éstas se reducían a dar mi opinión en los asuntos de mucha gravedad e importancia e indicar al Sr. Aguinaldo que era su deber apoyar las iniciativas de sus Secretarios, interín éstos no le daban pruebas de incapacidad o motivo bastante para creer que abusaban de su confianza. Tras una larga espera, el Sr. Arellano declaró al fin que no podía desempeñar el cargo de Secretario de Negocios Extranjeros, visto lo cual el Sr. Aguinaldo insistió en que yo me encargase del Departamento. Acepté con el propósito de buscar una inteligencia con el Gobierno de los Estados Unidos, antes de que la Constitución proyectada estuviese votada por el Congreso Filipino, y tomé posesión en 2 de enero de 1899. Todos mis esfuerzos fracasaron, porque el Tratado de París concluído en 10 de diciembre del año anterior había dejado al Congreso de los Estados Unidos la facultad de determinar los derechos civiles y la condición política de los filipinos y dicho Congreso—aseguraba enfáticamente el General Otis—no había de hacer uso de aquella facultad interín los filipinos estuviesen en armas. Como el Gobierno de Washington tenía mayoría en el Congreso, era muy probable que éste decidiese lo que aquél quería; pero si nos rendíamos incondicionalmente, dejando nuestra suerte política a merced de dicho Gobierno, los americanos ya no dudarían Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 79 makabubuti sa bayan, at makapagpapahalaga sa mga likas na karapatan ng mga mamamayan. Inihain ni G. Aguinaldo ang mga pananaw ko sa pagsasaalangalang ng mga kasapi ng kaniyang pamahalaan, bagaman hindi ko alam kung sa paanong paraan niya ito isinawalat; hindi lamang binalewala ang aking mga opinyon, mahayap na binatikos pa ako sa paghahayag diumano ng mga kaisipang despotiko at sa pagkikintal ng mga ito sa isip ng pinunò ng Gobyerno; dahil sa di-pinalad na paglilingkod na ito, umimbento ng bansag para sa akin ang mga mapaglakô ng mga usap-usapang pampolitika: “Kámará Negra ng Pangulo.” Sapagkat wala namang silbi ang aking mga payo, minamasamâ pa nga ng mga Sekretaryo, at sa tákot kong ibintang nila sa akin ang mga sarili nilang pagkukulang, minarapat kong lumayô kay G. Aguinaldo labag man sa kaniyang kalooban; ngunit agad na ipinag-utos niya ang pagkakabit ng linya ng telepono sa pagitan ng bago kong tiráhan at ng sa kaniya, at sa ganitong paraan nagpatúloy, sa kabila ng lahat, ang panunungkulan ko bilang Kámará Negra. Nauwi na lámang ito sa pagbibigay ko ng mga palagay hinggil sa mabibigat at mahahalagang bagay, at iginigiit ko kay G. Aguinaldo na dapat niyang suportahan ang mga inisyatiba ng kaniyang mga Sekretaryo hangga’t hindi lumilitaw ang mga katibayan ng kanilang kawalang-kakayahan o hangga’t walang sapat na dahilan upang isipin niyang inaabuso ng mga ito ang kaniyang pagtitiwala. Matapos ang matagal na paghihintay, inihayag din sa wakas ni G. Arellano na hindi niya magagampanan ang pagiging Sekretaryo ng Ugnayang Panlabas, at dahil dito, iginiit ni G. Aguinaldo na ako ang mangasiwa sa Kagawarang ito. Tinanggap ko, nanungkulan ako noong 2 Enero 1899, sa layuning makipag-unawaan sa Gobyerno ng Estados Unidos bago mapagbotohan ng Kongreso Filipino ang panukalang Konstitusyon. Nabigo ang lahat ng aking pagsisikap sapagkat ang Kasunduan sa Paris, na ginanap noong 10 Disyembre nang sinundang taon, ay nagkaloob sa Kongreso ng Estados Unidos ng kapangyarihang pagpasiyahan ang mga karapatang sibil at ang kondisyong pampolitika ng mga Filipino at, sa paggigiit ni Heneral Otis, hindi ito maisasakatuparan ng Kongreso hangga’t nag-aalsa ang mga Filipino. Sapagkat hawak ng Gobyernong Washington ang mayorya sa Kongreso, malamáng na umayon sa kagustuhan nito ang magiging kapasiyahan; ngunit, kung susukò tayo nang walang pasubali at ipauubaya ang ating kapalaran sa nasabing Gobyerno, hindi na pagdududahan ng mga Amerikano ang kawalan natin ng kakayahan; kung hindi natin ipagtatanggol ang ating mga karapatan, 80 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en el Período de su Desarrollo de nuestra incapacidad, porque no defendiendo nuestras libertades, demostraríamos poco conocimiento y aprecio de ellas. Debíamos pues elegir entre la guerra y el cargo de incapacidad. En esta crisis, la Constitución de la República Filipina ya definitivamente votada y aprobada fué remitida al Gobierno para su promulgación. Por la gravedad de las circunstancias, procuraba aún demorar su ejecución; mas viendo por una parte que los representantes insistían bajo la amenaza de provocar un escándalo, y por otra que era imposible la inteligencia con el Gobierno americano a causa de su negativa a reconocer nuestra personalidad jurídica y su insistencia en la rendición incondicional, hube de ceder, tanto más cuanto que el Sr. Aguinaldo estaba también por la publicación. No tenía aún motivos para sospechar siquiera que los más decididos defensores de la publicación de la Constitución serían los menos dispuestos a sostenerla al menor asomo del peligro para sus personas e intereses. Viendo que la guerra era inevitable, mis esfuerzos se limitaron a impedir que la agresión viniese de nuestra parte, convencido de que nuestra debilidad no podía justificar ninguna provocación. Mientras tanto, al otro lado de los mares, en la capital de la República de los Estados Unidos, ocurrían hechos que merecen toda suerte de consideración. La ratificación del Tratado de París se transfería y demoraba en el Senado por la decidida oposición de los demócratas, lo que decidió al Presidente McKinley a dar lo que se llama un golpe de Estado. En la noche del día 4 de febrero, 1899, las fuerzas americanas empezaron a moverse, dando ocasión al rompimiento de hostilidades, que se comunicó inmediatamente a Washington. La probabilidad de nuevas complicaciones con España y tal vez con otras potencias hizo cesar toda oposición, y el tratado fué ratificado por el Senado en 6 del expresado mes de febrero y los veinte millones de pesos estipulados por la cesión de Filipinas fueron votados por el Congreso en 2 de marzo. Cambiadas las ratificaciones en 11 de abril, el precio de la cesión fué pagado en 1 de mayo quedando así consumada la compraventa. Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 81 patutunayan lamang natin na kakaunti ang nalalaman at pagpapahalaga natin dito. Kung gayon, kailangan nating mamilì sa dalawa: makipagdigmaan o maparatangang walang kakayahan. Sa gitna ng kagipitang ito, napagbotohan na at napagtibay ang Konstitusyon ng Republika ng Filipinas at inihain na ito sa Gobyerno upang maipatupad. Sa bigat ng mga pangyayari, sinikap ko pa ring hadlangan ang pagpapatupad nito; gayunman, dahil mapílit at nagbabantâng gumawa ng alingasngas ang mga kinatawan sa isang dako, at malabò na rin naman ang pakikipag-unawaan sa Gobyernong Amerikano dulot ng hindi nito pagkilala sa ating legal na pagkakakilanlan at ng paggigiit nito ng walang pasubaling pagsukò, napilitan akong sumang-ayon lalo pa’t kumakatig din sa pagpapatupad nito si G. Aguinaldo. Wala rin akong dahilan upang maghinala kahit katiting na ang lalong masusugid na nagsusulong ng pagpapatupad ang siya paláng lalong hindi handa sa pagtatanggol nito sakaling masasapanganib nang kahit babahagya lámang ang kanilang mga pagkatao at kapakanan. Sapagkat hindi maiiwasan ang digmaan, itinuon ko ang aking mga pagsisikap sa pag-iwas na magmula sa panig natin ang mga pag-atake sa paniniwalang wala táyong kakayahang maghamón. Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa kabisera ng Republika ng Estados Unidos, maraming pangyayaring dapat pagtuunan ng pansin. Sa Senado, ipinagpaliban at nababalam ang ratipikasyon ng Kasunduan sa Paris dahil sa mariing pagtutol ng mga demókrata, kayâ’t ipinasiya ni Pangulong McKinley ang pagdaraos ng tinatawag na golpe de Estado. Noong gabi ng 4 Pebrero 1899, nagsimulang kumilos ang mga puwersang Amerikano; ito ang nagpasimula ng pag-iiringang agad namang napabalita sa Washington. Ang posibilidad na magkaroon ng mga panibagong dipakikipag-unawaan sa Espanya at marahil sa iba na ring makapangyarihang bansa ang sumansalà sa lahat ng pagtutol, at ang nasabing kasunduan ay pinagtibay ng Senado noong 6 Pebrero at pinagpasiyahan ng Kongreso noong 2 Marso ang itinatakdang 20 milyong piso para sa paglilipat ng karapatan sa pag-angkin sa Filipinas. Nagkalagdaan ng mga pagpapatibay noong 11 Abril, at nabayaran ang hinihinging halaga noong 1 Mayo kayâ’t lubusang naging ganap ang pagbebentahan. 82 LA REVOLUCION FILIPINA La Revolución en el Período de su Desarrollo Por otra parte el Senador McEnery, exponiendo los propósitos del Gobierno, propuso en el Senado que Estados Unidos declarase que no intentaba anexionarse permanentemente las Islas, sino preparar a los isleños para un gobierno autónomo que fomentase los intereses americanos y filipinos. A su vez el Senador Bacon, interpretando los deseos de la oposición, propuso una enmienda pidiendo que Estados Unidos declarase que renunciaba a todo propósito de ejercer soberanía, jurisdicción y control sobre las Islas, pues se intención era entregar la dirección y gobierno de las mismas a los filipinos, cuando éstos hubiesen formado un gobierno estable que mereciera ser reconocido. Se puso esta enmienda a votación, y veintinueve senadores votaron a favor y otros veintinueve en contra. El Vicepresidente de los Estados Unidos, Hobar, como Presidente del Senado, decidió el empate, agregando su voto de calidad a los en contra y dando el triumfo a la propuesta McEnery, o sea a la política del Gobierno. Según está propuesta, Filipinas no puede ser territorio ni Estado, porque no debe ser anexionada de modo permanente a los Estados Unidos; mas, como propiedad comprada por los Estados Unidos, éste puede disponer de ella a su discreción, es decir, sin las limitaciones de la Constitución. Si Estados Unidos es dueño absoluto de las Islas, el Congreso tiene poder absoluto para legislar en ellas; de aqui determina a su discreción la condición política y los derechos civiles de los isleños. Si éstos disfrutan de la vida y libertad no es porque nacen con derecho a ellas, por disposición de la ley natural, sino porque el Congreso de los Estados Unidos lo quiere. Indudablemente el Presidente McKinley destruyó el despotismo español, pero a fin de sustituirlo por supuesto con otro de forma americana. Es interesante saber que el Partido Republicano, dirigido por un Lincoln en los albores de su existencia, dió libertad a muchos millones de esclavos en los Estados Unidos; mientras que, dirigido por un McKinley en el período de su mayor vigor y posteridad, hizo a Estados Unidos dueño absoluto de muchos millones de filipinos. El inmortal Washington, hablando de la Constitución de los Estados Unidos, dijo que, interín las virtudes Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 83 Sa kabilang dako, sa paglilinaw ni Senador McEnery sa layunin ng Gobyerno, ipinanukala niyang dapat ideklara ng Estados Unidos na hindi ang permanenteng pagsakop sa Kapuluan ang hangarin nito kundi ang ihanda ang mga mamamayan para sa isang pamahalaang nakapagsasarili at magtataguyod ng mga kapakanang Amerikano at Filipino. Sa kaniyang panig, bilang pag-unawa sa kagustuhan ng oposisyon, nagpanukala si Senador Bacon ng isang pagbabagong humihingi na ihayag ng Estados Unidos na tinatalikdan nito ang lahat ng intensiyong makapaghari, makapangasiwa, at makasawata sa Kapuluan sapagkat ang layunin nito ay ang maipagkaloob sa mga Filipino ang pag-ugit at pamamahala sa sandaling makalikha ang mga ito ng isang matatag na gobyernong karapatdapat kilalanin. Idinaan sa botohán ang panukala, at dalawampu’t siyam na senador ang bumotong pabor, dalawampu’t siyam ang bumotong kontra. Ang Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos, si Hobar, bilang Tagapangulo ng Senado, ang siyang lumutas sa pagkakapatas sa pagboto sa panig ng mga kumokontra at pinapagtagumpay niya ang panukalang McEnery o ang patakaran ng Gobyerno. Alinsunod sa panukalang ito, hindi magiging teritoryo o Estado ang Filipinas sapagkat hindi ito palagiang sasakupin ng Estados Unidos; ngunit, dahil pag-aaring binili, mapakikinabangan ito ng Estados Unidos nang ayon sa ikasisiya nito, nangangahulugan, walang mga limitasyon ng Konstitusyon. Kung ang Estados Unidos ang ganap na nagmamay-ari ng Kapuluan, may ganap na kapangyarihan dito ang Kongreso sa pagtatakda ng mga batas; mula sa sandaling ito, nasa kapasiyahan na nito ang kalagayang pampolitika at ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan ng kapuluan. Kung may búhay at kalayaan man silang tinatamasa, hindi sapagkat isinilang silang may karapatan sa mga ito ayon sa takda ng batas ng kalikasan kundi sapagkat kagustuhan ito ng Kongreso ng Estados Unidos. Walang alinlangang nilupig ni Pangulong McKinley ang despotismong Espanyol, ngunit malinaw na para lámang palitan ng pamamaraang Amerikano. Nakamamanghang maláman na ang Partido Republikano, sa pamumunò ng isang Lincoln noong nag-uumpisa pa lámang, ay nagpalaya sa milyonmilyong alipin sa Estados Unidos; samantala, sa pamumunò ng isang McKinley sa panahon ng dakilang pamumukadkad at pananagumpay nito, ginawa nitong ganap na panginoon ng milyon-milyong Filipino ang cívicas no hubiesen desaparecido de todas las clases de la Sociedad Norte-americana, la distribución de los poderes hecha por dicha Constitución no ha de permitir que una política injusta tenga carácter permanente. ¡Ojalá que los americanos no se olviden del padre de su patria, ni defrauden sus acariciadas esperanzas! Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 85 Estados Unidos. Ang walang kamatayang si Washington, sa pangungusap tungkol sa Konstitusyon ng Estados Unidos, ay nagsabing hangga’t hindi naglalaho ang mga katangiang sibiko ng lahat ng mga uri sa Lipunan ng Hilagang Amerika, hindi mapahihintulutan ng pagkakabaha-bahagi ng kapangyarihang itinatakda ng nasabing Konstitusyon ang palagiang pagiral ng isang di-makatarungang patakaran. Huwag nawang malimutan ng mga Amerikano ang ama ng kanilang bansa, at huwag din nawang mabigo nila ang mga iniwi nitong pag-asa! 86 CAPÍTULO X FIN Y CAÍDA DE LA REVOLUCION Como había previsto, nuestros improvisados milicianos no pudieron resistir el primer choque de las disciplinadas tropas de la Unión. Además, hay que confesar que las fuerzas filipinas destacadas alrededor de Manila no estaban aquella noche preparadas para un ataque: el General Ricarte, que mandaba los destacamentos al sur y General San Miguel, Comandante de la zona este de la ciudad donde principió el ataque, estaban en Malolos la noche de referencia. Poco acostumbrados a la guerra, los jefes y oficiales filipinos comprendían apenas el valor de la instrucción y disciplina militares; de aquí el que los servicios de los puestos distasen de ser regulares y exactos. El Estado Mayor General filipino no tenía estudiado ni formado el plan de los movimientos de avance o retirada de las tropas en el caso de una ruptura de hostilidades; y el Sr. Aguinaldo, que apreciaba muy poco las ventajas de la unidad en el mando y en los movimientos, no había preparado los medios necesarios para el pronto restablecimiento de las comunicaciones entre las diversas fracciones del Ejército para cuando una brusca retirada diese lugar a la interrupción de la línea telegráfica. El Sr. Aguinaldo quiso retener el mando 87 KABANATA 10 WAKAS AT PAGBAGSAK NG REBOLUSYON Tulad ng nakini-kinita ko, walang nagawa ang mga bagong sabak nating kawal sa unang paglusob ng mga bihasáng pulutong ng Unyon. Gayundin, kailangang aminin na hindi handa sa isang pag-atake nang gabing iyon ang mga puwersang Filipino na nakatalaga sa palibot ng Maynila: si Heneral Ricarte, na namumunò sa mga pulutong sa timog, at si Heneral San Miguel, Komandante sa silangang bahagi ng lungsod na pinag-umpisahan ng paglusob, ay nasa Malolos nang naturang gabi. Hindi pa gaanong sanáy sa digmaan, halos walang nauunawaan ang mga pinunò at opisyal na Filipino sa halaga ng pagsasanay at disiplinang militar; kayâ malayò sa pagiging karaniwan at tumpak ang naipaglingkod ng mga nakatalaga. Ang Filipinong Punòng Heneral ng Estado ay hindi nakagawa ng pag-aaral o ng balangkas man lámang kung paano susulong o aatras ang mga pulutong sakaling sumiklab ang labanan; at si G. Aguinaldo, na napakaliit ng pagpapahalaga sa kainaman ng kaisahan sa pag-uutos at pagkilos, ay walang nakahandang mga paraan na kailangan sa madaliang pagbabalik ng komunikasyon sa pagitan ng nagkakaiba-ibang maliliit na pangkat ng Hukbo sakaling maputol ang linyang telegrapiko bunga ng biglaang paglikas sa isang lugar. Hinangad ni G. Aguinaldo na mapanatili ang tuwirang pagmamando niya sa mga puwersang 88 LA REVOLUCION FILIPINA Fin y Caída de la Revolución inmediato de las fuerzas que estaban alrededor de Manila, dirigiéndolas desde su residencia en Malolos, aunque no podía dedicarse por completo al cumplimiento debido de las obligaciones de este cargo merced a sus atenciones como jefe del Gobierno y el capricho de despachar por sí mismo muchos asuntos que debían pasar por los departamentos de la administración central. Sólo después del rompimiento de hostilidades, cuando la comunicación telegráfica estaba ya interrumpida, nombró al General Luna jefe de las fuerzas que operaban alredédor de Manila, pero entonceslas diversas fracciones del ejército habían ya desalojado sus antiguas posiciones y las comunicaciones entre las mismas eran difíciles y lentas. Además, debido a que el Secretario de Guerra había desaprobado una de sus medidas, Luna presentó poco después la dimisión de su cargo; mas volvió a encargarse del mando de las operaciones de defensa al norte de Manila cuando el Gobierno filipino se vió obligado a retirarse de Malolos para San Isidro, provincia de Nueva Ejica. Luna consiguió rehacer nuevas fuerzas en Calumpit, creando varias compañías de soldados licenciados del antiguo ejército indígena organizado por el Gobierno español, y sobre esta base estableció una disciplina rigurosa, para atajar la desmoralización de nuestras tropas; pero muchos jefes, celosos de su autoridad, dejaban de darle la cooperación eficaz y necesaria. De aquí resultaban, ya la reducción a viva fuerza de jefes que no reconocían su autoridad, ya el procesamiento de los que abandonaban sus puestos al frente del enemigo, ya el desarme de tropas que desobedecían sus órdenes. Sin embargo, Luna hubiera logrado imponer y conservar la disciplina, a pesar de todas estas dificultades si Aguinaldo le hubiese apoyado con todo el poder de su prestigio y autoridad; pero éste empezaba a tener también celos al ver que aquél se imponía poco a poco por su valor, audacia y conocimientos militares. Todos los disgustados de la conducta de Luna le hacían creer queéste conspiraba para arrebatarle la autoridad suprema. Después de la toma del puente de Calumpit, por las fuerzas americanas, debida principalmente a la escasez de municiones, Luna fué a verme en San Wakas at Pagbagsak ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 89 nakapalibot sa Maynila—pinangasiwaan niya ang mga ito mula sa kaniyang tinutulúyan sa Malolos—ngunit hindi niya ganap na maibigay ang hinihingi ng tungkuling ito dahil sa mga kaabalahan niya bilang pinunò ng Gobyerno at ng kaniyang kapritsong siya mismo ang mamahalà sa maraming bagay na dapat sanang idinaraan sa mga departamentong sentral na administrasyon. Nang sumiklab na ang labanan at naputol na ang komunikasyong telegrapiko, sakâ pa lámang niya hinirang si Heneral Luna bilang pinunò ng mga puwersang nakatalaga sa palibot ng Maynila; ngunit nang mga panahong iyon, nilisan na ng nagkakaiba-ibang maliliit na pangkat ng hukbo ang mga dating puwesto at naging mahirap at mabagal ang komunikasyon sa pagitan ng mga ito. At, sapagkat tinanggihan ng Kalihim Pandigmaan ang isa sa kaniyang mga pamamaraan, hindi naglaon ay naghain ng pagbibitiw sa tungkulin si Heneral Luna; ngunit, muling inakò niya ang pamumunò sa mga operasyon sa pagtatanggol sa hilaga ng Maynila nang ang Gobyernong Filipino ay mapilitang tumakas mulang Malolos patungong San Isidro, lalawigan ng Nueva Ecija. Muling nakapagbuo si Luna ng mga bagong puwersa sa Calumpit, nakalikha ng ilang balanghay ng mga sundalong nagsipagsanay sa dating katutubong sandatahán na inorganisa ng Gobyernong Espanyol, at pinasimulan niya sa batayang pangkat na ito ang mahigpit na pagdidisiplina upang huwag panghinaan ng loob ang ating mga kasamahan; ngunit marami sa mga pinunòng naiinggit sa kaniyang awtoridad ang nagkait ng mabisà at mahalagang pakikipagtulungan. Humantong ito sa agaran at marahas na pagpapatalsik sa mga pinunòng hindi kumikilala sa kaniyang awtoridad, pagsasakdal sa mga tumalikod sa kanilang mga tungkulin sa harap ng kaaway, at sa pagdes-arma sa mga tropang sumuway sa kaniyang mga utos. Gayunman, nagtagumpay sana si Luna sa pagpapataw at pagpapanatili ng disiplina sa kabila ng lahat ng hadlang kung buong puwersang sinuportahan siya ni Aguinaldo ng prestihiyo at awtoridad nito; ngunit, nagsisimula na ring managhili ito sa pagkakitang unti-unti na niyang napangingibabaw ang kaniyang katapangan, kapangahasan, at karunungang pangmilitar. Pinapaniwala si Aguinaldo ng lahat ng namumuhi sa inaasal ni Luna na nagbabalák na mang-agaw ng kataas-taasang kapangyarihan ang heneral na ito. Matapos makubkob ng mga puwersang Amerikano ang tulay ng Calumpit— bunga, higit sa lahat, ng kakapusan sa armas—sinadya ako ni Luna sa San 90 LA REVOLUCION FILIPINA Fin y Caída de la Revolución Isidro para suplicarme que le ayudase a covencer al Sr. Aguinaldo de que era llegado el tiempo de adoptar el sistema de guerrillas. Prometí hacer lo que él quería, pero indicándole que desconfiaba del resultado pues mis consejos eran muy poco atendidos tratándose de cuestiones militares, por la razón de que, no siendo militar sino hombre de letras, mis conocimientos militares debían ser escasos, sino nulos. No pude cumplir con mi promesa, porque a partir de la conferencia no pude ver al Sr. Aguinaldo sino algún tiempo después, cuando fué precisamente a consultarme si era o noconveniente un cambio de gabinete. No pudiendo prescindir de la delicadeza, aún en medio de aquellas circunstancias, contesté afirmativamente, y, después de haber entregado mi cargo a mi sucesor D. Pedro A. Paterno a principios de mayo de 1899, me marché para el pueblo de Rosales cerca de Bayambang. Algunas semanas más tarde el Sr. Aguinaldo telegrafió a Luna pidiéndole que fuese a verle en Cabanatúan para conferenciar con él; mas cuando éste llegó al citado pueblo no encontró a aquél sino una muerte traidora preparada por los mismos soldados que él había desarmado y procesado por abandono de puestos y desobediencia a sus órdenes. 1Murió con él el Coronel Francisco Román, que le acompañaba. Mientras Luna moría asesinado, el Sr. Aguinaldo se hacía cargo en Tárlac del mando de las fuerzas que el finado había organizado. Antes de su muerte, Luna tenía sus oficinas en Bayambang y había estado en Bangued a reconocer si el sitio reunía buenas condiciones de defensa en caso de una retirada; es más, ya empezaba a mandar allá las piezas más pesadas de la maquinaria útil. Sin embargo, Aguinaldo se establició con su gobierno en Tárlac y se distrajo en trabajos políticos y literarios, descuido que aprovechó el General Otis desembarcando fuerzas de infantería en San Fabían, mientras la caballería torciendo por San José y Umingan, se posesionaba de San Quintín y Tayug cortando de 1 Igual que la copia de Mr. Fiske Warren. Pero en otra copia que tuvo en su poder el Sr. Mariano Ponce, esta parte está escrita de la siguiente manera; “mas cuando éste llegó al citado pueblo no encontró a aquél en su residencia y fué asesinado traidoramente por los soldados que estaban allí de guardia.”—T.M.K. Wakas at Pagbagsak ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 91 Isidro upang makiusap na tulungan ko siyang hikayatin si G. Aguinaldo na panahon na para gumamit ng pamamaraang panggerilya. Nangako akong tutuparin ko ang hinahangad niya, ngunit sinabi kong deskumpiyado ako sa kahihinatnan sapagkat hindi gaanong dinirinig ang aking mga pananaw hinggil sa mga usaping pansandatahán sa dahilang hindi ako sundalo kundi isang palaarál kaya’t napakaliit kung hindi man sadyang walang pakinabang ang mga kaalamán ko ukol sa militar. Hindi ko natupad ang aking pangako sapagkat matapos ang aming pag-uusap, natagalan pa bago ko nakaharap si G. Aguinaldo at iyon ay nang sadyang sangguniin ako nito kung napapanahon bang magpalit ng gabinete. Sinikap kong makitungo nang mahusay sa gitna ng gayong mga pangyayari, sumang-ayon ako, at matapos kong ilipat ang aking tungkulin sa kahalili kong si G. Pedro A. Paterno sa pagsisimula ng Mayo 1899, naglakbay ako patungo sa bayan ng Rosales, malapit sa Bayambang. Makalipas ang ilang linggo, pinadalhan ni G. Aguinaldo ng mensaheng telegrapiko si Luna, hinihinging makipagkita ito sa kaniya sa Cabanatuan para sa isang pag-uusap; ngunit, nang dumating ang heneral sa nasabing bayan, hindi ito (si Aguinaldo) ang nakaharap niya kundi kamatayang pataksil na inihanda ng mga kawal na dines-armahan niya at nilitis niya dahil sa pagtalikod sa kanilang mga tungkulin at sa hindi pagsunod sa kaniyang mga utos.1 Namatay siyang kasama si Koronel Francisco Roman na umalalay sa kaniya. Habang pinapaslang si Luna, nasa Tarlac si G. Aguinaldo, inaakò ang pamumunò sa mga puwersang inorganisa ng pinatay. Bago napatay, nagkaroon ng mga tanggapan si Luna sa Bayambang at nakapunta pa siya sa Bangued upang alamin kung mainam ang pook na iyon para sa pagdedepensa sa sandali ng paglikas; higit pa sa rito, nasimulan na niyang ipahatid doon ang lalong mabibigat na bahagi ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan. Gayunman, itinindig ni Aguinaldo ang kaniyang gobyerno sa Tarlac at ibinuhos ang sarili sa mga gawaing pampolitika at pampanitikan—kapabayaâng sinamantala ni Heneral Otis na naglunsad ng mga puwersang naglalakad patungo sa San Fabian habang ang mga pangkat kabayuhán naman ay pinapalibot niya sa San Jose at Umingan; naagaw niya ang San Quintin at Tayug kayâ’t nasarhan ang 1 Kahawig ng nasa sipi ni G. Fiske Warren. Subalit sa ibang kopya na hawak ni G. Mariano Ponce, ang bahaging ito ay nakasulat sa ganitong paraan: “ngunit, nang dumating siya sa nasabing bayan, hindi niya ito (si Aguinaldo) nadatnan sa tahanan nito at pataksil na pinaslang siya ng mga sundalong nakatalagang magbantay roon.”—T.M.K. 92 LA REVOLUCION FILIPINA Fin y Caída de la Revolución este modo todas las líneas de retirada del Sr. Aguinaldo, y dando un golpe mortal a la Revolución. No puedo creer hasta ahora que Luna trabajara por arrebatar al Sr. Aguinaldo el elevado puesto que éste ocupaba; pero es cierto que aspiraba a ser jefe del gabinete en lugar del Sr. Paterno, con quien no estaba conforme, porque el programa autónomo de éste era una infracción de la ley fundamental del Estado y como tal constituía un delito punible. Lo demuestra un anuncio que el periódico La Independencia, inspirado por Luna, publicó pocos días antes de su muerte, en el cual se decía que el gabinete Paterno-Buencamino iba a ser sustituído por otro, del cual Luna era jefe y a la vez Secretario de Guerra. Cuando pocos días después recibió el telegrama del Sr. Aguinaldo, que le llamaba a Cabanatúan, Luna habría pensado tal vez que el objeto de la conferencia sería el nuevo gabinete; no esperaba que trataran de asesinarle, precisamente en el momento crítico en que la Revolución tenía mayor necesidad de su fuerte e inteligente brazo. No podía creer que una aspiración legal y correcta inspirase temores al Sr. Aguinaldo, que le había nombrado General en Jefe del ejército filipino. Cierto que a veces Luna se dejaba decir que Aguinaldo era un hombre de carácter débil y un jefe incapaz; pero tales palabras eran meras explosiones de un genio vivo y fogoso que veía frustrarse sus planes por falta de apoyo necesario: sus actos todos revelaban honradez y patriotismo unidos a un celo y una actividad que estaban a la altura de las circunstancias. Si a veces era precipitado y hasta cruel en sus resoluciones, era porque el ejército se encontraba en una situación desesperada por la desmoralización de los soldados y falta de municiones; actos de valor temerario y de extraordinaria energía sólo podían impedir su disolución. La muerte de Andrés Bonifacio había plenamente demostrado en el Sr. Aguinaldo una ambición desmedida al poder, y los enemigos personales de Luna, por medio de hábiles intrigas, explotaron esta debilidad para perder a éste. Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 93 lahat ng mapaglalagusan sa pagtakas ni G. Aguinaldo, pangyayaring nagbigay ng matinding dagok sa Rebolusyon. Hindi ko mapaniwalaan hanggang ngayon na nagsikap si Luna para lamang agawin ang mataas na posisyong inookupa ni G. Aguinaldo; ngunit, natitiyak kong hinangad niyang mapalitan bilang pinunò ng gabinete si G. Paterno na hindi niya sinasang-ayunan sapagkat ang programa nito ukol sa awtonomiya ay isang paglabag sa pundamental na batas ng Estado kayâ’t isang pagkakasalang marapat na parusahan. Naihayag ito sa isang pabalita sa peryodikong La Independencia, na inspirado ni Luna, nalathala ilang araw bago siya pinatay, at dito, sinasabing ang gabineteng Paterno-Buencamino ay papalitan ng gabineteng pamumunuan ni Luna na siya ring gaganap bilang Kalihim Pandigmaan. Nang makalipas ang ilang araw at natanggap ni Luna ang mensaheng telegrapiko ni G. Aguinaldo na nagpapapunta sa kaniya sa Cabanatuan, inisip ni Luna na ukol sa bagong gabinete ang layunin ng pagpupulong; hindi niya inasahang papaslangin siya sa gayong mapanganib na sandali na lubhang kailangan ng Rebolusyon ang kaniyang matatag at dalubhasang bisig. Hindi ko mapaniwalaan na ang isang hangaring legal at wasto ay makapagpupunla ng pangamba kay G. Aguinaldo, na siyang nagtalaga kay Luna bilang Pinunòng Heneral ng Hukbong Filipino. Totoo na may ilang pagkakataóng nagwika si Luna hinggil sa kahinaan ng pagkatao at sa pagiging walang kakayahang pinunò ni Aguinaldo; ngunit mga pagbubulalas lámang iyon ng isang masilakbo at marubdob na pagkatáo na nakikitang nabibigo ang kaniyang mga plano dahil sa kawalan ng kailangang suporta: ang kaniyang mga ginawa ay kababakasáng lahat ng katapátan at pagkamakabayang may sigasig at pagkilos na nakapangingibabaw sa mga pangyayari. Kung may panahong naging padalos-dalos at malupit ang kaniyang mga resolusyon, iyon ay sapagkat nahaharap ang hukbo sa isang nakalulunos na kalagayang dulot ng panghihina ng loob ng mga sundalo at ng kakulangan sa mga sandata; tanging mga pagkilos ng katapangang mapusok at di-pangkaraniwang lakas ang makahahadlang sa pagkalansag nito. Sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, ganap na makikita ang malabis na paghahangad sa kapangyarihan ni G. Aguinaldo, at kinasangkapan ang kahinaang ito ng mga personal na kaaway ni Luna upang sa pamamagitan ng mahuhusay na pakanâ ay mailigpit siya. 94 LA REVOLUCION FILIPINA Fin y Caída de la Revolución Si Aguinaldo, en vez de matar a Luna 2 le hubiese apoyado con todas sus fuerzas, decir que la Revolución hubiera triunfado sería mucha presunción, pero no me cabe la menor duda de que los americanos hubieran tenido idea más alta del valor y capacidad militar de los filipinos. Vivo Luna, estoy seguro de que el golpe mortal dado por el General Otis se hubiese parado o por lo menos evitado a tiempo, y no se hubiese demostrado claramente la incapacidad del Sr. Aguinaldo en el mando militar. Además, para deshacerse de Luna, Aguinaldo se valió de los mismos soldados que aquél había castigado por quebrantamientos de la disciplina; Aguinaldo, pues, mató la disciplina, destruyendo su propio ejército. Cayendo Luna, sumás firme sostén, la Revolución cayó y la ignominia de la caída recayendo toda entera sobre Aguinaldo, causó a su vez la muerte moral de éste, mil veces más amarga que la muerte física; Aguinaldo se perdió, pues, a sí mismo, condenado por sus propios hechos. Así castiga la Providencia los grandes crímenes. En resumen: la Revolución fracasó porque estuvo mal dirigida; porque su director conquistó su puesto, no por actos meritorios, sino reprobados; porque en vez de apoyar a los hombres más útiles al pueblo, celoso de ellos los inutilizó. Creyendo que el engrandecimiento personal, no apreció el mérito de los hombres por su capacidad, carácter y patriotismo, sino por el grado de amistad y parentesco que con él los unían; y queriendo tener a sus favoritos dispuestos a sacrificarse por él, se mostró condescendiente hasta con sus faltas. Por haber así despreciado al pueblo, el pueblo le abandonó a él; y por haberle abandonado el pueblo, él hubo de caer como un ídolo de cera, derretido al calor de la adversidad. Ojalá no olvidemos una lección tan terrible, aprendida a costa de indecibles sufrimientos. 2 “Dejar matar” dice la copia de Mr. Fiske Warren.—T.M.K Sa Kasukdulan ng Rebolusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 95 Kalabisang sabihin na nagtagumpay sana ang Rebolusyon kung sa halip na pinatay ni Aguinaldo si Luna2 ay buong kakayahang sinuportahan na lámang niya ito, ngunit hindi ako mangingiming ihayag na nagkaroon sana ng higit na mataas na pagtingin ang mga Amerikano sa katapangan at kakayahan ng Hukbong Filipino. Kung buháy si Luna, tiyak na napigilan o naiwasan sa oras ang matinding dagok na iginawad ni Heneral Otis at hindi malinaw na malalantad ang kawalang-kakayahang mamunò sa militar ni G. Aguinaldo. Gayundin, upang sirain si Luna, kinasangkapan ni Aguinaldo ang mismong mga kawal na kinastigo ni Luna dahil sa paglabag sa disiplina; kung gayon, pinatay ni Aguinaldo ang disiplina, winasak ang kaniyang sariling sandatahán. Bumagsak ang Rebolusyon sa pagbagsak ni Luna, ang matatag na tagapagtaguyod nito, at kay Aguinaldo nabubunton ang lahat ng kasiraang-puri sa pagbagsak; ito ang nagdulot kay Aguinaldo ng morál na pagkamatay, libong ulit na lalong mapait kaysa pisikal na pagkamatay; kung gayon, kondenado ng kaniyang mga kagagawan, ang sarili niya mismo ang winasak ni Aguinaldo. Ganito kung magparusa ang Katalagahan sa malulubhang kasalanan. Bilang pagbubuod: nabigo ang Rebolusyon sapagkat hindi ito napangasiwaan nang wasto; sapagkat naluklok sa puwesto ang tagapangasiwa nito hindi dahil sa gawang kapuri-puri kundi sa gawang kasumpa-sumpa; sapagkat sa halip na tulungan ang mga táong lalong kapaki-pakinabang para sa bayan, ginawa niyang walang silbi ang mga ito dahil sa inggit. Sapagkat naniniwalang patas lámang ang ikatataas ng bayan sa ikatataas ng sarili, hindi niya pinahalagahan ang mga tao sa bigat ng kanilang kakayahan, pagkatao, at pagkamakabayan kundi sa lapit n gpagiging kaibigan o kamag-anak ng mga ito sa kaniya; at sapagkat hangad niya na maging handing magsakripisyo para sa kaniya ang mga táong kaniyang kinagigiliwan, sinang-ayunan niya maging ang mga pagkakamali ng mga ito. Sapagkat hinamak niya ang bayan, tumalikod sa kaniya ang bayan; at sapagkat tinalikdan siya ng bayan, bumagsak siyang tulad ng diyos-diyosang gawa sa kandila na nalulusaw sa liyab ng mga pagdaralita. Huwag nawa nating malimutan ang isang nakakikilabot na aral na natutuhan kapalit ang mga di-masambit na pagpapakasakit. 2 “Hinayaang patayin” ayon sa sipi ni G. Fiske Warren.—T.M.K. 96 CAPÍTULO XI Conclusión Siento que la lógica de los hechos me lleve a dolorosas conclusiones; pero aspiro a ser crítico y debo ser fiel a la verdad. Habiendo escrito estas memorias con el objeto exclusivo de buscar en el pasado las lecciones más útiles para el presente y el porvenir, he procurado ser imparcial. He procurado asimismo criticar los hechos y no a determinadas personas; pero criticando la Revolución, no he podido menos de criticar al hombre que no retrocediera ante el crimen, para personoficarla en sí desde el principio hasta el fin. Estoy convencido de que he relatado los hechos como los ví y oí pasar, y que sobre ellos he formado mi juico del modo más desapasionado posible; mas si por omisión involuntaria o mala información haya cometido un error o una injusticia, estoy pronto a rectificar aquél o desagraviar a los perjudicados en debida forma. Si en mi narración me he referido muchas veces a mi propia persona, no ha sido por el deseo de señalarme en detrimento de otros, sino para denotar únicamente mi personal intervención, unas veces como simple espectador y otras como actor en el gran drama de la Revolución, y determinar de este modo el grado de crédito que puede darse a mis palabras. No veo ningun mal en que 97 KABANATA 11 Kongklusyon Nararamdaman ko na ihahantong ako ng daloy ng mga pangyayari sa mga nakalulunos na kongklusyon; ngunit ibig kong maging mapanuri at dapat na maging tapat ako sa katotohanan. Sinikap kong maging patas sa pagsulat ng mga alaalang ito na ang tanging layunin ay hagilapin sa nakaraan ang mga aral na lalong kapaki-pakinabang para sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sa gayunding paraan, sinikap kong mga pangyayari at hindi mga partikular na tao ang pagtuunan ng pansin; ngunit, sa pagsusuri sa Rebolusyon, hindi maaaring hindi ko punahin ang táong hindi natigatig sa harap ng pagkakasala upang katawanin niya ito mula sa umpisa hanggang sa katapusan. Naniniwala akong inilahad ko ang mga pangyayari kung paano ko nakita at narinig na naganap, at hinggil sa mga ito, nakabuo ako ng mga palagay nang hindi lubhang napatatangay sa damdamin; ngunit, kung sa hindi sinasadyang pagkakabawas o pagkakalihis ng impormasyon ay nakasanhi ako ng pagkakamali o kawalang-katarungan, agad na magtutuwid ako o hihingi ng paumanhin sa mga nasaktan sa paraang nararapat. Kung sa pagsasalaysay ay madalas na binabanggit ang sarili kong pagkatao, hindi ito sa hangaring maitampok ang sarili sukdang mapahamak ang iba kundi upang matukoy lámang ang aking mga personal na pagkakasangkot sa maraming pagkakataon bilang simpleng tagapanood at sa ibang pagkakataon bilang aktor sa dakilang dula ng Rebolusyon; at sa ganitong paraan, masusukat kung gaano kapani-paniwala ang aking mga salita. 98 LA REVOLUCION FILIPINA Conclusión examinemos nuestro pasado, para recapitular nuestros fracasos, errores y debilidades; el que voluntariamente confiese sus pecados manifiesta por lo menos el loable y honroso deseo de enmendarse y corregirse. El mal estaría en que los ocultemos y un extraño los descubra y publique, no para corregirnos sino para desdorarnos: su ocultación ha de alentar por otra parte a los malos, mientras que su publicación nos ha de proporcionar útiles enseñanzas. Hubiera querido hacer de este ensayo como una historia crítica de Filipinas para presentar al lado de los vicios, las virtudes de cada personaje y en frente de los inconvenientes, las ventajas de cada institución, convencido de que en este mundo el sér más perfecto no carece de defectos y el más imperfecto, de perfecciones; pero semejante tarea es superior a mis fuerzas, y además la reunión de los materiales necesarios para esta clase de obra requiere largo tiempo de estudio e investigación laboriosos, de que no dispongo: me contento pues, de conformidad con mis fuerzas y medios, con preparar por ahora el camino para otros más capaces. Volviendo al Sr. Aguinaldo, hago votos por que mis observaciones, hechas sin rencor y sólo en cumplimiento de un penoso deber, en vez de aumentar la amargura de su corazón despierten en él deseo entusiasta de redimir su pasado y reconquistar el aprecio general con hechos notables de desinterés y abnegación. Cuando ya estaba preso en Manila a disposición de las autoridades americanas, rectificando en las columnas de El Comercio un suelto del periódico The Manila Times, procuré insinuar al Sr. Aguinaldo que su única salvación era una muerte gloriosa en el campo de batalla. Poco después, en otro artículo publicado por La Faternidad, comparándole con Mr. Kruger, repeti esta indicación en términos más explícitos y claros. Sabía que estos artículos no habían de agradar a las autoridades americanas; pero estaba convencido de que, muerto Aguinaldo en un esfuerzo supremo por la defensa de las libertades patrias, este acto heroico había de rehabilitarle ante la opinión y honrar al propio tiempo a los filipinos. Pero mis indicaciones no fueron seguidas, de lo cual no me quejo, porque, aún cuando el Sr. Aguinaldo tuviese el Kongklusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 99 Wala akong nakikitang masamâ sa pagsusuri sa ating lumipas upang lagumin ang ating mga kabiguan, pagkakamali, at kahinaan; ang pagkukusang umamin ng mga pagkakamali ay pagpapakita kahit papaano ng kapuri-puri at marangal na hangáring magpakabuti at magwasto. Masamâ kung sa pagkukubli natin ay matuklasan at ipangalandakan ng isang banyaga ang mga ito hindi upang ituwid kundi upang siraan tayo: nakahihikayat ng masasamâng loob ang pagtatakip samantalang ang pagbubunyag ay nakapagdudulot sa atin ng mga aral na kapaki-pakinabang. Ang talagang gusto ko sana ay gawing mapanuring kasaysayan ng Filipinas ang akdang ito upang maitanghal nang magkakatabi ang kahinaan at lakas ng bawat personalidad at ang ikinalálamáng ng bawat institusyon sa harap ng mga hadlang sapagkat naniniwala akong sa mundong ito, hindi nangangahulugang walang kakulangan ang pagiging perpekto at ang di-perpekto ay hindi nangangahulugang walang kaganapan; ngunit lampas sa kakayahan ko ang ganitong tungkulin, bukod pa sa ang pagtitipon ng mga kailangang materyal para sa ganitong uri ng gawain ay nangangailangan ng mahabang panahon ng pag-aaral at mabusising pagsisiyasat, bagay na wala ako; sapat na sa akin, kung gayon, alinsunod sa mga makakáya at makakasangkapan ko ngayon, ang maglatag ng landas para sa mga may kakayahang gawin ito. Ukol kay G. Aguinaldo, idinadalangin kong ang aking mga pagpuna— na ginawa nang walang hinanakit at isang pagtupad lámang ng mabigat na katungkulan—sa halip na makadagdag ng pait sa kaniyang puso ay makapukaw nawa ito sa kaniya ng marubdob na mithing sagipin ang kaniyang nakaraan at bawiin ang pagtangkilik ng madla sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang gawain na patas para sa lahat at hindi sarili ang inuuna. Nang maikulong na ako sa Maynila ng mga awtoridad na Amerikano, upang maituwid sa mga pitak ng El Comercio ang isang balitang nalathala sa The Manila Times, sinikap kong ipahiwatig kay G. Aguinaldo na maluwalhating kamatayan sa larangan ng digmaan ang tanging ikaliligtas niya. Hindi naglaon, sa isa pang artikulong lumabas sa La Fraternidad, sa paghahambing sa kaniya kay G. Kruger, inulit ko ang ganitong pahiwatig sa pananalitang lalong hayág at malinaw. Batid kong hindi naging kasiya-siya para sa mga awtoridad na Amerikano ang mga artikulong ito, ngunit naniniwala ako na kung mamámatáy si Aguinaldo sa dakilang pagpapakasakit na maipagtanggol ang kalayaan ng bayan, isang pagpapakabayani ito na makapagpapanumbalik ng mataas na pagtingin sa kaniya at makapagbibigay-dangal din sa mga Filipino. Subalit hindi sinunod ang 100 LA REVOLUCION FILIPINA Conclusión propósito de obrar conforme a ellas, comprendo que no siempre se puede hacer lo que uno quiere. Además podría suceder que sus crímenes fueran tan graves, que la Providencia no le juzgase digno de la inmortalidad; o tal vez su propio bien exige que él pueda oír el fallo de la crítica, para que el arrepentimiento toque las fibras sensibles de su corazón. El malogrado Andrés Bonifacio solía decir cuando vivía que nosotros no debemos temer a nadie, sino a la Historia; y en efecto la Historia es implacablemente justiciera y su fallo es terrible contra los que la ofenden. Se cual fuere, el Sr. Aguinaldo no debe desesperar: como acabo de decir, puede aún con actos dignos redimir su pasado y reconquistar la estimación general; él es joven aún y demostró sagacidad natural, para hacer uso de las circunstancias de modo más favorable a sus fines; sólo que estos fines estaban extraviados, porque le faltaban la cultura y la virtud que su posición requería. El Sr. Aguinaldo creía que uno puede únicamente servir a su país con gloria y honor desde un elevado puesto, lo cual es un error muy peligroso para el común bienestar; este error es la causa principal de las guerras civiles que empobrecen y extenúan a muchos Estados y ha contribuído mucho en el fracaso de la Revolución. Sólo posee el verdadero patiotismo aquel que desde el puesto que ocupa, sea alto o bajo, procura hacer el mayor bien posible a sus compatriotas. Un pequeño bien hecho desde un puesto humilde, constituye un título de honor y gloria; mientras que el pequeño bien hecho desde un elevado puesto es signo de negligencia o ineptitud. El verdadero honor se distingue por las sencillas manifestaciones de un alma recta y honrada, no por el brillo de la pompa y ornato que sirven apenas para disimular las deformidades de nuestro cuerpo. El verdadero honor se alcanza cultivando nuestra inteligencia para que aprenda a conocer la verdad, y educando nuestro corazón para que se acostumbre a amarla. Por el conocimiento de la verdad hemos de llegar al de nuestros deberes y de la justicia, y cumpliendo nuestros deberes y practicando la justicia seremos respetados y honrados en cualquiera estación de la vida. No olvidemos nunca que estamos en el primer peldaño de nuestra vida Kongklusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 101 aking mga panukala, at wala akong ipinaghihimutok hinggil dito sapagkat kahit pa sinang-ayunan ni G. Aguinaldo ang mga ito, nauunawaan ko na hindi laging natutupad ang anumang hinahangad. Gayundin, maaaring sadyang malubha ang kaniyang mga pagkakasala kayâ hindi itinulot ng Katalagahan na pagkalooban siya ng inmortalidad; o marahil minamarapat nitong marinig niya ang hatol ng mga panunuri upang masaling ng pagsisisi ang mararamdaming hibla ng kaniyang puso. Noong nabubuhay pa, madalas wikain ng sinawimpalad na si Andres Bonifacio na wala tayong ibang dapat katakutan kundi ang Kasaysayan; at ang totoo, hindi nagbabawang tagapagmatuwid ang Kasaysayan at kakilakilabot ang hatol niya laban sa mga lumalapastangan sa kaniya. Ano’t anuman, hindi dapat mawalan ng pag-asa si G. Aguinaldo: tulad ng nasabi ko na, sa mararangal na gawain ay mababawi ang kaniyang nakaraan at mapanunumbalik ang pagtingin ng madla; bata pa naman siya at may likas na talas ng pag-iisip na magagamit sa mga pagkakataong umaayon sa kaniyang mga hangarin; nalilihis nga lamang ang mga hangaring ito sapagkat wala sa kaniya ang kalinangan at katangiang hinihingi ng kaniyang posisyon. Naniniwala si G. Aguinaldo na makapaglilingkod lamang siya sa bayan nang may luwalhati at dangal kung nasa mataas na puwestong kaniyang kinalalagyan, na isang kamaliang mapanganib sa kagalingang panlahat; ang kamaliang ito ang pangunahing sanhi ng mga digmaang sibil na nagpapahirap at nagpapahina sa maraming Estado at nakaambag nang malaki sa pagkabigo ng Rebolusyon. Tanging yaong nagsisikap na gumawa ng lalong makabubuti para sa kaniyang mga kababayan, mataas man o mababa ang kinalalagyan, ang tunay na makabayan. Nasa kabutihang tinupad ng isang nasa hamak na posisyon ang dangal at luwalhati; samantala, ang munting kabutihang tinupad ng isang nasa mataas na puwesto ay tanda ng kapabayaan at kawalang-kakayahan. Nakikilala ang tunay na karangalan sa mga payak na palatandaan ng kaluluwang matuwid at matapat, hindi sa kinang ng karangyaan at palamuting bahagya nang maipantakip sa mga kasiraan ng ating katawan. Nakakamit ang tunay na karangalan sa paglinang ng ating talino upang matutuhang kilalanin ang katotohanan at sa pagtuturo sa ating puso upang kasanáyang mahalin ang katotohanan. Sa pagkabatid sa katotohanan, naaarok natin ang ating mga katungkulan at ang katarungan, at sa pagtupad ng tungkulin at sa pagkamakatarungan, nagiging kagalang-galang at matuwid táyo sa anumang kapanahunan ng búhay. Huwag kalilimutan kailanman na nasa unang baitang táyo ng ating pambansang búhay, at pinaaakyat táyo at makaaakyat lámang táyo 102 LA REVOLUCION FILIPINA Conclusión nacional, y que estamos llamados a subir y que sólo se sube por la escala de la virtud y del heroísmo; no olvidemos sobre todo que si no crecernos hemos de morir sin haber sido grandes, sin poder llegar a la virilidad, lo cual es propio de una raza degenerada. No terminaré estas observaciones a mis compatriotas, sin hacer constar el inmenso disgusto que experimentaba, cada vez que oía actos de violencia cometidos por soldados filipinos en personas de las mujeres filipinas. Admito que eran casos aislados, muy difíciles de evitar en los tiempos de general trastorno y libre desbordamiento de las pasiones; pero estoy seguro de que el primer caso no se hubiese repetido si los jefes comperentes hubieran reprimido con energía y sin contemplaciones semejantes atropellos. ¿Cómo hemos de conseguir que los extraños respeten a nuestras mujeres si nosotros mismos les damos ejemplo faltando a ellas? ¿Podremos acaso los varones filipinos aspirar a ser respetados si nuestras mujeres no son respetadas? En la tradicional hidalguía de las antiguas naciones figura como principal virtud del caballero sin miedo y sin tacha el respeto a la mujer, porque el hábito de proteger el honor y la vida del débil e indefenso indica ciertamente grandeza de corazón y nobleza de alma. Y conste que esta virtud no es una simple necesidad de la época legendaria del romanticismo, sino una de las grandes necesidades de la vida de los pueblos, porque, si la mujer dentro del círculo en que habitualmente se mueve encuentra simple respeto y consideración, pronto adquiere aquel sentimiento de dignidad que la salva de muchas debilidades; dignidad que, transmitida a los hijos, infunde a éstos valor y fortaleza para las grandes empresas, para los actos heroicos. Espero, por último, que esta ligera reseña dé idea más clara y acertada de las necesidades políticas de los filipinos y de la aptitud de los mismos para un gobierno libre. Tanto los españoles como los americanos han considerado a los filipinos semisalvajes e incapaces para dicho gobierno, porque han confundido siempre la falta de experiencia con la de aptitud personal. El que no es apto para una vida civilizada no la desea, porque no tiene necesidad de ella; así Kongklusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 103 kung birtud at kabayanihan ang tutuntungan; higit sa lahat, huwag kalilimutan na kung hindi tayo susúlong, mamámatáy táyong hindi nagiging dakila, hindi nasasapit ang kaganapan ng pagkatao, na karaniwan sa isang lahing binulok na ng kasamaan. Hindi ko tatapusin ang mga obserbasyong ito na ukol sa aking mga kababayan nang hindi binabanggit ang malubhang pagdaramdam na sumasaakin sa tuwing nakakabalita ako ng mararahas na paglapastangan ng mga kawal Filipino sa pagkatao ng kababaihang Filipina. Aaminin kong mangilan-ngilang kaso lamang ang mga ito, mahirap iwasan sa mga panahon ng malawakang kaguluhan at walang habas na pag-uumapaw ng mga pagnanasà, ngunit natitiyak kong hindi na sana naulit ang unang kaso kung buong lakas at walang pangingiming sinawata ng magagalíng na pinunò ang gayong mga pang-aabuso. Paano natin magagawang magpitagan ang mga banyaga sa ating kababaihan kung mismong táyo ang kakikitahan ng kawalang-pitagan sa mga ito? Mahahangad kayâ nating kalalakihang Filipino na igalang táyo kung hindi iginagalang ang ating kababaihan? Sa tradisyon ng pagkamaginoo sa mga sinaunang bansa, pangunahing katangian ng kabalyerong walang tákot at walang bahid ang paggalang sa babae sapagkat ang palagiang pagtatanggol sa dangal at búhay ng mahina at walang kakayahang lumaban ay tiyak na tanda ng kadakilaan ng puso at kataimtiman ng kaluluwa. At hindi lámang isang payak na pangangailangan ang katangiang ito sa maalamat na panahon ng romantisismo kundi isa rin sa malalaking kahingian sa búhay ng sambayanan sapagkat kung sa kaligirang palagiang ginagalawan ay may respeto at konsiderasyon sa babae, agad na sasakaniyang ulirat ang dignidad na ikaliligtas niya sa mga kahinaan; dignidad na maisasalin niya sa kaniyang mga anak at siyang makapagpupunla sa mga ito ng kagitingan at katatagan sa mga dakilang pananagutan at pagpapakabayani. Sa wakas, umaasa akong makapagbibigay ang maikling pag-uulat na ito ng lalong malinaw at wastong kaisipan hinggil sa mga pangangailangang pampolitika ng mga Filipino at sa mismong kakayahan nila sa pagkakaroon ng malayang pamahalaan. Para sa mga Espanyol, maging sa mga Amerikano, walang kalinangan at walang kakayahan ang mga Filipino sa gayong gobyerno sapagkat laging ipinagkakamali nila ang kawalan ng karanasan sa kawalan ng sariling kakayahan. Hindi naghahangad mamuhay sa lalong mataas na kabihasnan ang 104 LA REVOLUCION FILIPINA Conclusión los igorrotes y aetas y demás tribus realmente semisalvajes del Archipiélago viven más contentos en los montes y bosques que en poblado. El Gobierno español decía que las aspiraciones políticas existían sólo en los corazones de unos pocos filipinos instruídos, pero no en la masa general del país, la cual no pudiendo probar de otro modo el error del Gobierno, pues le estaba prohibido pedir, se sublevó conducida por Andrés Bonifacio y Emilio Aguinaldo, hombres ambos de muy poca instrucción. El Gobierno de los Estados Unidos cree lo mismo, y espero que esta obrita, mostrándole el pasado, contribuya a sacarle de su error y a impedir los horrores de una nueva revolución. De las reformas pedidas anteriormiente al Gobierno español, el Congreso de los Estados Unidos no ha implantado hasta ahora más que la relativa a ciertos derechos individuales, cuyo ejercicio queda todavía restringido por las disposiciones del Gobierno Insular que continúa siendo absoluto en cuanto los miembros del poder ejecutivo son los mismos que legislan y nombran a su discreción el personal judicial. Además, está ahora más generalizada la irritante desigualdad en la remuneración de los que ocupan iguales puestos, la cual sólo existía en tiempo de los españoles entre los individuos de la clase y tropa del ejército; medida es ésta que hace imposible la solidaridad de intereses entre los americanos y los filipinos; los constabularios, por otra parte, van siguiendo los pasos de la odiada Guardia Civil de la dominación pasada. Antes de mi deportación a Guam, cuando el Gobernador Taft era simplemente Presidente de la Comisión Filipina, solicité una éntrevista con él para preguntarle la extensión y límites de la soberanía que Estados Unidos pretendía imponer sobre Filipinas. Mr. Taft me dijo con mucha franqueza que Estados Unidos deseaba ejercer la misma soberanía que Rusia o Turquía pretendería, de haber adquirido las Islas por los mismos títulos que aquél, con la única diferencia de que los americanos, habiéndose educado en un gobierno libre, han de procurar dar a sus actos de soberanía una forma más liberal. Me permití observarle que era más prudente para un gobierno no oponerse abiertamente a los deseos de su gobernados; pero no Kongklusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 105 sinumang hindi nababagay rito sapagkat hindi niya ito kailangan; dahil dito, higit na kontentong manirahan sa bundok at gubat kaysa kabayanan ang mga Igorot at Aeta at ang iba pang katutubong pangkat sa buong kapuluan. Laging sinasabi noon ng Gobyernong Espanyol na ang mga aspirasyong pampolitika ay nasa puso lamang ng iilang nakapag-aral na Filipino—hindi ng nakararaming madla sa buong bansa—na dahil hindi mapatunayan sa ibang paraan ang kamalian ng Gobyerno at sapagkat pinagbabawalang maghain ng petisyon ay naghimagsik sa pamumunò nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo, mga lalaking kapuwa may mababàng pinag-aralan. Ganitong-ganito rin ang paniniwala ng Gobyerno ng Estados Unidos, at umaasa ako na ang munting akdang ito, sa pagpapakita sa nakaraan, ay makatutulong sa pagwawasto ng kamalian at sa pag-iwas sa mga hilakbot ng panibagong rebolusyon. Hinggil sa mga repormang naunang hiningi sa Gobyernong Espanyol, wala pang ibang naihahain hanggang ngayon ang Kongreso ng Estados Unidos maliban sa ilang batas na nauukol sa indibidwal, na ang pagsasakatuparan ay nalilimitahan pa rin ng Gobyerno Insular na nananatiling absoluto sapagkat ang mga kasapi ng sangay na ehekutibo ang siya mismong gumagawa ng mga batas at nagtatalaga, alinsunod sa kanilang kapasiyahan, ng mga bumubuo sa sangay panghukuman. Gayundin, lalong malaganap sa ngayon ang nakayayamot na di-pagkakapantay-pantay sa tinatanggap na sahod ng mga umookupa sa magkakaparehong puwesto, na umiral lamang sa panahon ng mga Espanyol sa pagitan ng mga magkakapangkat o magkakapulutong sa hukbo; hakbang itong sanhi kung bakit imposible ang pagkakabuklod ng mga hangarin ng mga Amerikano at Filipino; ang konstabularyo, sa kabilang dako, ay sumusunod sa yápak ng kinamuhiang Guardia Civil ng naunang mananakop. Bago ako naipatapon sa Guam, noong si Gobernador Taft ay simpleng Pangulo pa lamang ng Komisyong Filipino, humiling ako ng pakikipagpanayam sa kaniya upang itanong ang saklaw at hanggahan ng paghahari na nilaláyong ipataw ng Estados Unidos sa Filipinas. Buong katapatang itinugon sa akin ni Mr. Taft na hangad ng Estados Unidos na ipatupad ang paghaharing siya ring ipatutupad ng Rusia o Turquia kung nangyaring ang mga ito ang nakabili sa Kapuluan nang may gayunding karapatan; ang tanging pagkakaiba, sapagkat edukado sa demokratikong pamamahala ang mga Amerikano, pagsisikapang isakatuparan ng mga ito ang paghahari sa paraang higit na liberal. Minarapat kong tumugon na lalong mainam sa isang pamahalaan ang hindi hayagang pagtuligsa sa 106 LA REVOLUCION FILIPINA Conclusión pude continuar, porque me dió a entender que sus terminantes instrucciones no le permitían discutir conmigo el asunto. La razón es obvia, porque, al fin las instrucciones de Gobernador Taft están en consonancia con la propuesta McEnery y los planes del Gobierno de Washington. Así creo inútil discutirlas aquí; sólo me permitiré observar que si los americanos no se han educado en el sistema de gobierno que están ensayando en Filipinas, no pueden considerarse más expertos y aptos que los filipinos. Si aquéllos poseen un grado de instrucción relativamente más alto en general, éstos, educados en el gobierno absoluto durante la dominación española, tienen mayor experiencia y además conocen mejor sus propias necesidades. Reconozco que los americanos han demostrado su competencia y capacidad para un gobierno libre; pero el régimen absoluto es completamente distinto y no puede practicarse en los Estados Unidos, por ser contrario al carácter y costumbres del pueblo americano. Los ciudadanos de los Estados Unidos por temperamento y educación son los menos apropiados y aptos para el gobierno absoluto, porque estos dos sistemas de gobierno se parecen a dos máquinas de diferente mecanismo, que requieren un personal de diferente educación especial para que funcionen regularmente. Si los americanos desean de veras enseñar a los filipinos el arte de la civilización y del buen gobierno deben implantar en Filipinas el gobierno que saben, en el cual se han educado y que los isleños desean aprender; de otro modo, si se empeñan en mantener un gobierno que no han practicado y que los isleños rechazan, deben colocar a su frente hombres de habilidad extraordinaria que no abundan en los Estados Unidos ni en ninguna otra parte. Y una pregunta para terminar. La concesión de las reformas pedidas antiguamente al Gobierno español ¿dejará aún contentos a los filipinos? Temo muchísimo que no, porque la aspiración a la Independencia, casi desconocida antes, late hoy fuertemente en el fondo de todos los corazones. La negativa, las amenazas y los actos de violencia del Gobierno sólo sirven para afirmar y mantener vivo Kongklusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 107 mga kagustuhan ng pinamamahalaan; ngunit, hindi ko naipagpatuloy sapagkat ipinahiwatig niya na ang mahigpit na tagubilin sa kaniya ay huwag makipagtalakayan sa akin tungkol sa bagay na ito. Malinaw ang dahilan sapagkat, kung tutuusin, ang tagubilin kay Gobernador Taft ay tumutugma sa panukala ni McEnery at sa mga plano ng Gobyerno ni Washington. Kayâ wala nang halagang talakayin pa rito, sa tingin ko; nais ko na lamang bigyang-diin na kung hindi nagsanay ang mga Amerikano sa sistema ng pamamahalang ipinatutupad nila sa Filipinas, hindi maituturing na higit silang dalubhasa at may kakayahan kaysa sa mga Filipino. Kung sa pangkalahatan ay mayroon silang antas ng kasanayáng higit na mataas sa paraang relatibo, ang mga Filipino ay nagsanay sa gobyernong absoluto sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol kayâ’t may higit na karanasan at higit na nalalaman ang kanilang mga pangangailangan. Naniniwala ako na naipakita ng mga Amerikano ang kanilang kakayahan at kasanayan sa demokratikong pamamahala; ngunit ibang-iba ang absolutong paghahari at hindi ito maipatutupad sa Estados Unidos sapagkat labag sa katangian at mga kaugalian ng sambayanang Amerikano. Ang mga mamamayan ng Estados Unidos, sanhi ng kanilang likas na pananaw at natutuhan, ay hindi gaanoong angkop at nararapat sa isang gobyernong absoluto sapagkat parang dalawang makina na may magkaibang mekanismo ang dalawang sistemang ito ng gobyerno, nangangailangan ng mga tauhang may magkaibang espesyal na pagsasanay upang tumakbo nang regular. Kung tunay na hinahangad ng mga Amerikano ang pagtuturo sa mga Filipino ng sining ng sibilisasyon at mabuting pamamahala, ang dapat nilang ipakilala sa mga Filipino ay ang alam nilang gobyerno, ang pinagsanayan nila at siyang hinahangad na matutuhan ng mga Filipino; sa kabilang dako, kung ibig nilang igiit ang pagpapanatili ng isang gobyernong hindi nila pinagsanayan at tinatanggihan naman ng mga Filipino, dapat silang magtalaga sa pamunuan nito ng mga táong may di-pangkaraniwang abilidad na biláng na biláng lamang sa Estados Unidos at maging sa ibang lugar. At, isang tanong sa pagtatapos. Masisiyahan kayâ ang mga Filipino kung igagawad sa kanila ang mga repormang malaon nang hinihingi sa Gobyernong Espanyol? Lubos na pinangangambahan kong hindi sapagkat ang paghahangad sa Kalayaan, na hindi nila batid noon ay marubdob nang pumipintig ngayon sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ang pagtanggi, mga pagbabanta, at mararahas na hakbang ng Gobyerno ay nag-uudyok lamang na pagtibayin at panatilihing 108 LA REVOLUCION FILIPINA Conclusión este sentimiento; no en vano hemos luchado y sufrido por ella. Sin duda alguna dejará contentos a los que aceptan todas las situaciones para gozar de las ventajas de cada una; pero éstos son muy pocos y mal mirados si no odiados por la masa general del país, porque sostienen que esta masa no es apta aún para la independencia, cuando ellos son los que están dando pruebas de incapacidad, demostrando que no tienen otro ideal político que su conveniencia personal. Antes de mi deportación a Guam, los que se habían puesto incondicionalmente al lado del Gobierno para obtener el título oficial de amigos de la paz, trataron de organizar un partido. Como el Gobierno no podía prometer sino una autonomía futura, que no satisfacía ni satisface al pueblo, no les convenía adoptar este programa, pues muy pocos se afiliarían; asi pidieron la anexión como territorio por el presente y como Estado para después. Es verdad que este deseo no sólo no encontraba ni encuentra apoyo en ningún Partido de los Estados Unidos, sino que ningún hombre de estado americano cree en la posibilidad de que las Islas sean algún día un Estado de la Unión; pero esta aspiración era menos antipática al pueblo, que suponían demasiado ignorante para que pudiese apercibirse de cualquier juego político. Tuve la imprudencia de decir que su aspiración era quimérica; que si querían algo positivo, debían trabajar para que el Gobierno transigiese un poco y prometiese una independencia futura; y que les ayudaría para convencer al pueblo que debía transigir también y renunciar a la independencia presente. Aunque yo aconsejaba a ambas partes la transigencia para llegar a la transacción, el único cimiento de la verdadera paz, se me declaró intransigente y en tal concepto me deportaron a Guam y allí me tuvieron preso e incomunicado por más de dos años. Yo estoy dispuesto a olvidar este agravio personal; pero las injusticias no engendran nunca la paz, sino la desconfianza y la intranquilidad de los ánimos. Sin embargo, la creencia de que el deber me lo impone, voy a repetir la imprudencia, recomendando por segunda vez la transigencia mutua a los americanos y a los filipinos. Kongklusyon ANG REBOLUSYONG FILIPINO 109 buháy ang damdaming ito; hindi para sa wala ang naging pakikipaglaban at pagpapakasakit natin para rito. Walang alinlangang may nasiyahang mangilanngilan sa pagtanggap ng lahat ng mga pangyayari upang pagpasasaan ang kainaman ng bawat isa; subalit lubhang kakaunti sila at iniirapan kung hindi man kinamumuhian ng sambayanan sapagkat iginigiit nila na hindi pa karapat-dapat na lumaya ang bayan samantalang sila itong kababakasan ng kawalang kakayahan at nagpapakita na walang pinakamainam na politika kundi ang pansariling kaginhawahan. Bago ako naipatapon sa Guam, ang mga pumanig nang walang pasubali sa Gobyerno upang makamit ang opisyal na titulong “kaibigan ng kapayapaan” ay nagtangkang mag-organisa ng isang partido. Sapagkat walang maipangako ang Gobyerno kundi awtonomiya sa hinaharap, na ni hindi nagdulot at nagdudulot ng kasiyahan sa sambayanan, hindi nila minarapat pagtibayin ang programang ito dahil sa lubhang kakaunti ang magiging kasapi; kayâ hiniling na lamang nila ang pagsusudlong (aneksiyon) bilang teritoryo sa ngayon at bilang Estado paglaon. Tunay na walang Partido sa Estados Unidos na sumuporta at susuporta sa hangaring ito, at wala ni sinumang estadistang Amerikano ang naniniwala sa posibilidad na magiging Estado ng Unyon ang Kapuluan balang araw; ngunit hindi gaanong kasuklam-suklam ang hangaring ito para sa sambayanan na ipinalalagay nilang lubhang mangmang upang maging handa sa anumang tagisang pampolitika. Hindi ako nakapagtimpi sa pagsasabi na kagila-gilalas ang kanilang mithiin; na kung mayroon silang positibong hinahangad, dapat silang magsikap upang bahagyang mapahinuhod ang Gobyerno at magawang papangakuin ng kalayaan sa hinaharap; at tutulungan ko sila sa paghikayat sa sambayanan na dapat ding mapahinuhod at tumalikod sa kasalukuyang kalayaan. Bagaman kapuwa ko pinapayuhang magpahinuhod ang dalawang partido upang may maabot na pagkakasundo—na siyang tanging pundasyon ng kapayapaan—idineklara akong mapagmatigas kung kayâ’t ipinatapon ako sa Guam at doon, naging bilanggo at ingkomunikado ako nang mahigit dalawang taon. Handa akong kalimutan ang pag-upasala sa aking pagkatao; ngunit hindi kailanman nakapagdudulot ng kapayapaan ang kawalang katarungan, sa halip, deskumpiyansa at pagkabagabag ng kaluluwa. Gayunman, sa paniniwalang atas ng aking tungkulin, uulitin ko ang aking kawalan ng pagtitimpi sa pagrerekomenda, sa ikalawang pagkakataon, ng pagpapahinuhod sa isa’t isa ng mga Amerikano at ng mga Filipino. ANG TAGASALIN Si Michael M. Coroza ay kasalukuyang Associate Professor sa Kagawaran ng Filipino, School of Humanities, Ateneo de Manila University, nagtuturo ng Panitikang Filipino, Malikhaing Pagsulat, at Pagsasaling Pampanitikan sa kolehiyo at gradwadong paaralan. Hawak niya sa nasabing pamantasan ang Rev. Horacio de la Costa, S.J. Endowed Professorial Chair in History and Humanities. Premyadong makata, mananaysay, at tagapagsaling pampanitikan, nakamit niya ang Southeast Asian Writers Award (S.E.A. WRITE) mula sa maharlikang pamilya ng Thailand noong 2007. Awtor siya ng mga aklat ng tulang Dili’t Dilim (1997) at Mga Lagot na Liwanag (2002) at ng mga aklat ng kuwentong pambatang Imbisibol Man ang Tatay (2009), Ang mga Kahon ni Kalon (2010), at Ang mga Lambing ni Lolo Ding (2012). Mula pa noong 2009, regular na lumalabas sa Liwayway ang kaniyang kolum na “Haraya” na tumatalakay sa mga paksang nauukol sa pagbasa at pagtuturo ng panitikan at sa mga usaping may kinalaman sa wika at kulturang pambansa. Inilathala ng Aklat ng Bayan ang Napapanahong Panlipunang Pilosopiya (2014), ang salin niya sa Filipino ng Contemporary Social Philosophy ni Manuel B. Dy Jr. Noong 2014, nahirang at dumalo siya bilang Associate sa 8th Nida School for Translation Studies na ginanap sa Fondazione Universtaria San Pellegrino, Misano Adriatico, Italy. Siya ang kasalukuyang Sekretaryo Heneral ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).
© Copyright 2024